DPJ Production

DPJ Production Official page of DPJ Production (former Dominic Jacinto Production) Founded by Dominic Palma Jacinto

08/06/2023

Mapapanuod na natin simula bukas!

Andy Marcelino is the host of PAPAkoPanalo
08/06/2023

Andy Marcelino is the host of PAPAkoPanalo

HOST REVEALED!

Si Andy Marcelino ang ating makakasama sa inaabangang gameshow na ang mga Daddy, Ama, Tatay, at Papa ang bibida!

Malapit na malapit na natin siya makasama at ang mga papa dito lang yan sa PAPAKoPanalo!

New year meesage of our founder and head director, part 4
02/01/2023

New year meesage of our founder and head director, part 4

MY 2022 BATTLE FIELD/BATTLE GROUND

Sa aking journey ngayong 2022, mayroon akong naging battle field kung saan ko mas nakilala ang aking sarili at mas nagkaroon ng pagkakataon na unti-unting mapalapit sa aking pangarap na industriya.

Unang larawan mula sa taas: One-Man Prod Team
- Dito ko mas nakita ang aking sarili na kinakayang labanan ang mga pagsubok na mag-isa. Minsan maiisip mo na okay din palang sarilihin mo ang laban dahil nakakahiyang may isama ka sa isang bagay na baka hindi naman nila trip gawin sa buhay. Lalo na sa mga pagkakataon na ako lang mag-isa ang nakakaalam o nakakagets ng lahat ng ito. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay mag-isa mong haharapin ang lahat, may ilang pagkakataon lang sa buhay natin na kailangan natin mapag-isa o mag-isang mapagtagumpayan ang mga bagay-bagay, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Pero nais kong batiin ang aking sarili sa mga pagsubok na mag-isa nating hinarap at nilabanan noong 2022. Proud ako sa sarili ko at masaya ako sa naging resulta nito.

Pangalawang larawan na nasa gitna: Teamwork Is A Great Work
- Malaki at malawak ang mundong iyong ginagalawan, kaya kailangan mo ng mga taong makakaaama mong maglakbay dito. Hanapin mo lang mabuti kung sinu-sino ang iyong isasama. Paligiran mo ang iyong sarili ng mga mahuhusay na tao sa iba't ibang larangan: matatalino, mababait, mga taong kayang magbigay inspirasyon at lakas sa iyo, mga kritiko na nais kang mas maging mahusay pa, motivators, coaches, life advisors, great mentors, at higit sa lahat, mga taong kaparehas mo ng career at passion, mga handang maging baliw para maabot ang kanilang pangarap at nagkakasama nyo nang pagtutulungang maabot ang pangarap ng bawat isa. Kung ganito ang iyong magiging grupo or team, masasabi kong nasa tamang circle ka! Hindi rin naman necessary na isang circle lang ang meron ka, the more kasi ay mas maganda upang lumawak at lumaki ang iyong network at connection, na isa sa mga kailangan mo for sure ngayong 2023. Ako personally, I have more or less 20 circles of team na siyang nagiging kalakasan ko kaya naman patuloy lang din ako sa aking ginagawa, isa lang itong nasa larawan sa 20 kaya napakarami kong team. Dahil hindi lang team ang binubuo ko, kundi mas malaki at mas malawak pa rito, isang malaking empire ng mga taong may utak, puso, determinasyon, at pangarap sa buhay!

Pangatlong larawan na nasa ilalim: Be The Opportunity to Others
- Taong 2022 ko nakita ang malaking oportunidad na mas palawakin pa ang aking sarili upang maabot ang mga katulad kong nangangarap din. Nais kong magbigay inspirasyon at motibasyon upang sila rin ay makapagpatuloy katulad ko. Sa mundo kasi na mayroon tayo ngayon, napakahirap naman talagang mangarap ng malaki at magpatuloy dahil wala tayong nakukuhang suporta. Alam naman din natin na ang suportang ito ay nais sana nating makuha mula sa ating pamilya at kaibigan ngunit hind. Kaya naman binubuksan ko ang aking sarili sa inyong lahat at handa akong maging instrumento sa paglabas ninyo sa comfort zone at sa pag-abot paunti-unti para sa mga pangarap ninyo. Kaya naman masaya ako kapag nakikita ko ang mga tao sa paligid ko na nagagawa nila ang mga bagay kung saan sila masaya, katulad na lamang sa panghuling larawan kung saan makikita ninyo ang isang production team na masayang ginagawa ang kanilang mga tungkulin. Kaya naman ngayong 2023 ay handa akong mag-commit na tumulong muli sa inyo; sa paraan na alam at kaya kong gawin, basta kayo. Because at the end of the day, gusto ko ring maging bahagi ng kwento ng inyong buhay, lalo na sa kwento kung saan ninyo naabot ang inyong mga pangarap. Doon palang ay mararamdaman kong fulfilled na ako. Nagampanan ko na ang aking misyon na maging oportunidad para sa iba, para sa inyo, na deserve ang malaking spotlight, recognition, at achievement sa buhay.

Ang tatlong laban na ito ay paniguradong madadala ko ngayong 2023, nararamdaman kong mas mabigat ito, mas mahirap, at mas challenging, kaya kailangan kong paghandaan ito. Alam kong makakaya ko naman ito dahil alam kong kasama ko kayo, magkakasama natin itong haharapin.

Handa ka na ba? Magpahinga muna tayo ngayon, at kapag handa ka na, tara na at simulan na natin ang laban para sa pangarap natin ngayong 2023!

Ang tanong, "Gusto mo bang sumama?"

New year meesage of our founder and head director, part 3
02/01/2023

New year meesage of our founder and head director, part 3

New year meesage of our founder and head director, part 2
02/01/2023

New year meesage of our founder and head director, part 2

New year meesage of our founder and head director, part 1
02/01/2023

New year meesage of our founder and head director, part 1

Thank you 2022!

Maraming maraming salamat sa lahat ng naging bahagi at parte ng taong ito. Sa mga tao, bagay, pangyayari, oportunidad, at blessings na dumating at umalis, expected man at unexpected.

It was an amazing year for me dahil sa wakas maraming bagay muli akong nagawa at nasubukan: mga dating gawain na sa wakas na nagawa na muli ngayong taon, mga bagong bagay na sinubukang gawin at isugal, at mga hindi inaasahang pangyayari na talagang bumago sa buong pagkatao ko. Hindi ko rin ineexpect na ibibigay ko ang 100% ko sa taong ito, sa mga bagay na aking ginawa, napagtagumpayan, at nalagpasan ngayong taon.

Hindi ko na siya hahabaan pa, dahil may mga kasunod pa itong post ko na ito tungkol sa ating pagpapasalamat sa taong 2022 at sa pagdating ng taong 2023. Abangan nyo lang muna.

At itong larawan na ito ang naisip kong gamitin para dito dahil makikita nyo sa mukha ko ang saya at excited para sa taong 2023.

Kung bibigyan ko ito ng maiksing iksrip, maaaring ang sinasabi ko rito ay:

"2023 NA! TARA NA, SAMA KA NA SA TRIP KO, PROMISE KO SAYO MAGIGING MASAYA ITO! RAWR!

(Good bye 2022 vlog ko nga pala: https://youtu.be/0R0comrGf_w)

28/12/2022
28/12/2022

I wish You all a Merry and Joyful Christmas Season & a Prosperous and Blessed New Year To Come!

27/07/2022

HERE AGAIN ©Elevation Worship
Live Performance by Bro Erick Ortega and Sis Christine Joy Garcia
YouTube video link: https://youtu.be/QaSCHph85os

Watch our Throwback Worship performance of Bro Erick Ortega and Sis Christine Joy Garcia of the song, "Here Again" by Elevation Worship last July 20, 2019 at The Feast Marilao SM Cinema 2. If you want to attend and be a part of the LIVE Feast, follow and like our page for announcements and more! Dahil dito sa Feast, Mayroong Magandang Mangyayari Sa'yo!

Shot and Edited by: Dominic Palma Jacinto

Produced by: The Feast Marilao and DPJ Production

07/07/2022

DO IT AGAIN ©Elevation Worship
Live Performance by Bro Macky Jacinto and Sis Shannen Uy
Youtube link: https://youtu.be/i0YfqC8SXDk

Watch our Throwback Worship performance of Bro. Macky Jacinto and Sis. Shannen Uy of the song, "Do It Again" by Elevation Worship last July 06, 2019 at The Feast Marilao SM Cinema 2. If you want to attend and be a part of the LIVE Feast, follow and like our page for announcements and more! Dahil dito sa Feast, Mayroong Magandang Mangyayari Sa'yo!

Shot and Edited by: Dominic Palma Jacinto

Produced by: The Feast Marilao and DPJ Production

02/07/2022

KULANG AKO KUNG WALA KA ©Erik Santos
Live Performance by Bro Aris Adina
Youtube link: https://youtu.be/ym53Rbzfpxk

Watch Bro Aris Adina performed the song, "Kulang Ako Kung Wala Ka" by Erik Santos during The Feast Meycauayan 9th Anniversary celebration last June 25, 2022 at San Isidro / San Roque Parish at Malhacan Meycauayan, Bulacan. If you want to attend and be a part of the LIVE Feast, follow and like our page for announcements and more! Dahil dito sa Feast, Mayroong Magandang Mangyayari Sa'yo!

Shot and Edited by: Dominic Palma Jacinto

Produced by: The Feast Marilao, The Feast Meycauayan, and DPJ Production

02/07/2022

TAKE ME OUT OF THE DARK ©Gary Valenciano
Live Performance by by Bro Obet Cabrillas
Youtube video: https://youtu.be/AG_iRrrmfn4

Watch Bro Obet Cabrillas, also known as "Daddy O" performed the song, "Take Me Out of the Dark" by Gary Valenciano during The Feast Marilao/Meycauayan live feast session last May 21, 2022 at San Isidro / San Roque Parish at Malhacan Meycauayan, Bulacan! If you want to attend and be a part of the LIVE Feast, follow and like our page for announcements and more! Dahil dito sa Feast, Mayroong Magandang Mangyayari Sa'yo!

Shot and Edited by: Dominic Palma Jacinto

Produced by: The Feast Marilao, The Feast Meycauayan, and DPJ Production

29/05/2022
Watch and be blessed. Have a meaningful Holy Week everyone!Live performance of Pagtawid by bro. Alvin Barcelona https://...
14/04/2022

Watch and be blessed. Have a meaningful Holy Week everyone!
Live performance of Pagtawid by bro. Alvin Barcelona

https://youtu.be/rWXCzEKCrag

PAGTAWID ©Alvin BarcelonaLive Performance by Bro Alvin BarcelonaWatch Bro Alvin Barcelona performed his original song entitled, "Pagtawid" during The Feast M...

Watch and be blessed. Have a meaningful Holy Week everyone!Live performance of Still by sis Annie Antonio.https://youtu....
14/04/2022

Watch and be blessed. Have a meaningful Holy Week everyone!
Live performance of Still by sis Annie Antonio.

https://youtu.be/BMrRj3OHkj0

STILL ©Hillsong WorshipLive Performance by Sis Annie AntonioWatch the live performance of the song "Still" by Sis Annie Antonio during The Feast Marilao/Meyc...

"If your actions inspire others to dream more, learn more, do more and become more, you are a leader." - John Quincy Ada...
06/03/2022

"If your actions inspire others to dream more, learn more, do more and become more, you are a leader." - John Quincy Adams

Narito po ang ilan sa pinakamaganda at pinakamalinaw na litrato na aking nakunan kina Senador Kiko Pangilinan at Vice President Leni Robredo sa kanilang pagbisita sa lalawigan ng Bulacan noong ika-5 ng Marso taong 2022. Nabigyan po tayo ng pagkakataon na maging bahagi ng media coverage at ito po ay personal na pagboboluntaryo ko, ibig sabihin ay hindi po ako bayad. Minsan lamang dumating sa atin ang pagkakataon na tayo ay mamimili ng susunod na maglilingkod sa ating bayan at kami po sa DPJ Production ay naniniwala, sumusuporta, at tataya sa Leni-Kiko Tandem kasama ang Tropang Angat. Naniniwala kami na radikal na pagmamahal ang kailangan ng ating bansa sa kasalukuyan nating sitwasyon kasama ang tapat na gobyernong maglilingkod sa atin. Kaya ang panawagan ko para sa lahat, Ipanalo na natin sila sa darating na Eleksyon.

PS. Ito po ay mga personal na kuha ni Dominic Palma Jacinto. Kung gusto nyo po siyang gamitin pwede nyo po siya iapproach at proper credit nalang po.

13/02/2022

"Ang Munting Pag-asa sa Gitna ng Pandemiya"
Movie Poster at Background Story ng Pelikula

Sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taong pagtigil ko sa paglikha ng pelikula dahil sa mga pagsubok at pandemiya na ating nararanasan sa kasalukuyan, personal kong inihahandog sa inyo ang pelikulang ito. akasama ang dalawang production ko at sina Ellaiza Abel at Olivia Navia, ang aming pinal na proyekto sa Gramatikang Filipino na pinamagatang "Ang Munting Pag-asa sa Gitna ng Pandemiya" na pinagbibidahan ng inyong lingkod.

Sa loob ng isang buwan at anim na araw na pagbuo ng produksiyong ito, hindi naging madali sa bawat isa sa amin ang pinagdaanang proseso, lalo na't unang pagkakataon ko ito na gumawa ng isang pelikula sa panahon ng pandemiya at iba ang pamamaraan ng paggawa sa ngayon. Isa rin itong experimental film dahil sa unang beses kong gumawa ng pelikula na ako rin ang pangunahing karakter ng kwento. Dito rin namin sinubukang pagsama-samahin ang aming mga talento at kalakasan mabuo lamang ang pelikulang ito. Bagamat nangangapa at naninibago pa, sinugal namin ito upang maipakita na kahit nasa gitna tayo ng krisis at nasa kanya-kanyang bahay lamang tayo ay posible palang makagawa ng isang pelikula.

Kaya ngayong Valentine's Day, ang pelikulang ito ang isa sa mga regalo na aking ibabahagi sa inyo, isang kwento na magpapaalala sa atin na mayroon pa ring magandang bukas para sa atin at matatapos din ang pandemiyang ito. Maraming salamat sa suporta na inyong ibibigay sa amin.

Watch and support our short film, "Ang Munting Pag-asa sa Gitna ng Pandemiya".
Youtube: https://youtu.be/8_4pSF8rJfI
Facebook: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=148417894244858&id=103641302055851


PS. Rush edit lang itong movie poster, ngayong ko lang naisip na gawan siya dahil why not?

Address

Marilao
3019

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DPJ Production posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DPJ Production:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Broadcasting & media production in Marilao

Show All