16/09/2024
BALIK-TANAW: ANG 70S SINGER NA INIHAHALINTULAD SA BIRHENG MARIA
Natatandaan mo pa ba ang bantog na mang-aawit noong dekada '70 na madalas ihalintulad sa Birheng Maria? Talaga namang hindi nakapagtataka kung paano naging bantog noon si Eva Vivar—maganda ang tinig, maamo ang mukha, at hindi maikakailang talentado sa maraming bagay.
Apat na taon pa lamang si Eva nang magsimulang kumanta kaya talaga namang nahasa ang “gift” na mayroon siya. Pagdating ng third year high school, nadiskubre siya ng Reyna ng Balagtasan na si Ofelia Angeles na nagtatrabaho noon sa unibersidad na pinapasukan niya.
Sa simula ay bahagi lamang siya ng mga show sa Bulacan at kumakanta lamang ng mga cover ng awitin ni Eddie Peregrina, ngunit sa kalaunan ay pinayuhan siyang maging propesyonal na mang-aawit na. Pagkatapos nito ay nagsimula na ngang mapanood si Eva Vivar sa mga programa sa telebisyon at narinig na rin sa himpapawid ang kanyang malamyos na tinig.
Ang mga ka-batch ni Eva sa itinuturing na golden age ng local recording ay sina Rhodora Silva, Perla Adea, Amalia Braza at ang tinatawag na Apat Na Sikat (Lala Aunor, Dondon Nakar, Winnie Santos at Arnold Gamboa).
Kabilang sa mga awitin niya ay "Yellow Bird", "Let Me Call You Sweetheart", "I Understand", "Let Me Be the One", " Forbidden Games" (Theme from 1952 French film "Jeux Interdits"), "A Girl's Prayer", "Speak Softly Love", and "I Left You"; na recordered at distributed ng Alpha Records.
Bukod sa pagiging mang-aawit ay isa ring aktres si Eva. Matatandaang nakasama pa niya sa isang commercial ng corned beef si Coco Martin, kung saan siya gumanap bilang lola nito; at nagkaroon ng special participation sa mga recent Kapamilya series na "Ang Probinsyano" at "Kadenang Ginto".
Nakasama din si Eva ng yumaong reyna ng pelikulang Pilipino na si Susan Roces sa isang ad ng generic brand ng gamot. (Via Charina Clarisse Echaluce)
___
MOLMT PUBLICATIONS:
🚦 Minsan Okay Lang Ma-traffic
🌍 Traffic News
💜 Reels People Words
✨ MOLMT Daily
🌆 MOLMT Now