25/06/2024
Friend: Turuan mo nga ko pano kumita ng malaki.
Me: Sige. Ganito yung ginawa ko (blah blah blah).
F: Pwede ba yung hindi kailangan magsalita, hindi kailangan magbenta, hindi makakasagabal sa trabaho ko, hindi nakakastress? Walang masyadong gagawin. Parang stocks diba maglalagay ka lang ng pera? 🤗
Me: Wait, how much would you like to earn? 🤔
F: Mga 200k/month.
Me: Ah pwede naman yan. Do you have 50 million? Because every 25 million probably can give you an estimate of 100K dividends in stocks (not trading). Check Marvin Germo's content kung ayaw mo maniwala. 😄
F: Ang laki naman!😳
Me: Sabi mo walang ginagawa dapat e. Pwede buy property, pa-rent mo. Sa experience ko, 8 million condo, 35k monthtly rent. So need mo ng mga 6 condo. Total 48 million.
F: Ang laki grabe!
Me: Magkano ba ang naiisip mong investment?
F: 100k.👌
Me: Meron akong alam pero mamamatay ka muna para maging 1M or maaksidente ka or magkaron ka ng malubhang sakit. Okay lang?
F: Grabe naman. Hindi ganun.
Me: Wala pa kong kilala na naglagay ng 100k walang ginawa tapos kumita ng 200k/month. Kung meron man, sana legal yan. 😅
Friend, may mga option ang mga mayayaman na hindi available satin.
My point is, yung wala kang gagawin. That option is only available for those who already have big money for investment. ✅
Kung wala tayo nyan, magstart ka talaga muna with years of hardwork, consistency, & discipline -- at least 5 years.
Kasi kung pwede pala kumita ng ganyan kalaki ng walang ginagawa, lahat na ng tao mayaman na .💯
F: Ang pangit mong kabonding. Kainis ka. Hahaha 😂
Me: Realtalk lang ha, if you want to be lazy you have to afford to be lazy. You cannot be broke and be lazy at the same time. 💯
kapag wala pa tayong malaking pang-invest.
P.S. Para sa nagtatanong, pwede daw bang kumita ng 200k/mo na 100k capital? Oo naman! Pero sa negosyo, at may kasamang hardwork plus hindi po agad-agad. ✅
Bawal ang tamad. Bawal ang maarte. Bawal ang di kaya magsakripisyo. Bawal ang maraming dahilan at excuses. Ang pagnenegosyo, hindi yan para sa mga chill at hayahay sa buhay.