30/05/2020
Update ko lang po kayo regarding sa ating enrollment.
June 1 to June 30,2020
Pulo Ni Sara Elementary School
Paano po ang Enrolment?
✅Wala pong face to face enrolment. Hindi niyo na kailangang magpunta pa sa school para ipaenroll ang inyong mga anak.
Paano po ang proseso ng enrollment?
✅ Kayo po ay kinakailangang mainterview para sa mga mahahalagang detalye. Sa pamamaraang:
A. Phone call
B. Text
C. Messenger
D. Pag sagot sa Enrolment Form
Para po sa mga nabigyan na ng Form, maaaring sagutan na at ipadala o iabot na lang po sa kahit kaninong g**o.
Iniiwasan po natin ang pagkakaroon ng face to face interaction bilang safety precaution for Covid 19.
Magkakaroon po ba ng face to face na klase?
✅ Iniiwasan po natin ang face to face na klase para sa safety ng bata at ng teachers. Ayon po sa Learning Continuity Plan ng Deped, nakaangkla ito sa prinsipyo ng mapangalagaan ang safety and well-being ng learners, teachers at other personnel.
Ibig bang sabihin ONLINE na?
✅ May tinatawag po tayong LEARNING DELIVERY MODALITIES or paraan kung paano matuturuan ang bata. Isa po diyan ang DISTANCE LEARNING:
Ito po yung dalawang klase:
A. Online Distance Learning
B. Modular Distance Learning
Ang ONLINE DISTANCE LEARNING ay para sa mga batang may gadgets na maaaring magamit tulad ng android phone, laptop, desktop at tablet. Para po ito sa mga may maayos na Internet connection.
MODULAR Distance Learning po ay ang paggamit ng mga printed modules and worksheets na sasagutan ng bata sa bahay.
Paano naman po kung walang gadget at wala ring internet connection?
✅ Meron po tayong ibang Learning Delivery Modality para sa kanila.
Meron po tayong MODULES at WORKSHEETS.
Magkakaroon din po ng DEPED TV Channel.
Sinisig**o po ng Deped na sa kabila ng krisis na dala ng Covid, hindi po hihinto ang pagkatuto ng ating mga anak. At ang ibat ibang Learning Delivery Modalities po natin ay pinagaralan ng DepEd para lahat ng bata ay tuloy paring makapag-aral may gadget man o wala, may Internet man o wala.
Yung mga mageenroll sa sumusunod
Makipag-ugnayan po kayo sa mga g**o
Kinder - Imelda Emelo
Grade 1- Mam Evarista Baguis
Grade 2- Mam Marivel Rivera
Grade 3- Mam Andrea Gatdula
Grade 4 - Mam Mercy Alvarez
Grade 5 - Sir Marz Ronario
Grade 6 - Mam Dianna Rose Ramos
Sa mga dating grade 6 na papasok ng Grade 7 at mag ttransfer makipag- ugnayan po kay Gng. Irine Mojica
Salamat pp
SALAMAT PO