Philippines Trending Online

Philippines Trending Online News, Politics, Viral Issues, Showbiz
Philippines Trending Online Welcome to Philippines Trending Online!

Here on our page, we bring you the latest and hottest news and trending topics from all over the Philippines. From viral videos, social media buzz, to the most talked-about issues in politics and showbiz – you'll find all the important and exciting news here! Join our community and stay updated on everything happening in the Philippines. Like and follow our page for nonstop news and discussions!

Inday Sara Duterte, Diretsahang Sinagot ang Isyu: May Rule of Law Pa Ba?"Nagbigay ng matapang na pahayag si Vice Preside...
29/12/2024

Inday Sara Duterte, Diretsahang Sinagot ang Isyu: May Rule of Law Pa Ba?"

Nagbigay ng matapang na pahayag si Vice President Sara Duterte ukol sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya. Ayon sa kanya, "I am confident na I didn’t break any law. I didn’t do anything illegal." Ngunit idinagdag din niya na tila nawawala na ang rule of law sa bansa. Sa kabila nito, nangako siyang haharapin ang anumang kaso kung mayroon man.

Patuloy ang pagtatanong ng publiko: Ano nga ba ang tunay na estado ng hustisya sa bansa.
Sang-ayon ba kayo na tila nawawala na ang rule of law sa Pilipinas?



28/12/2024

Buti pa si Ate naihabol pa yung iPhone niya.
Ang linaw ng kuha niyan perfect pang-video ng Fireworks sa kalangitan! Angas niyan.



Sa awa ng Diyos, sa ikatlong pagkakataon naming pagtayo dito, si Inday na ang inyong Presidente. -FPPRDSa isang pahayag ...
28/12/2024

Sa awa ng Diyos, sa ikatlong pagkakataon naming pagtayo dito, si Inday na ang inyong Presidente. -FPPRD

Sa isang pahayag ni dating Pangulong Rody Duterte/Rodrigo Duterte, iginiit niya ang pagtatanggol sa anak na si Vice President Inday Sara Duterte: "Bantayan natin si Inday, binubugbog, inaapi nila... sa awa ng Diyos, sa ikatlong pagkakataon naming pagtayo dito, si Inday na ang inyong presidente."

Sino gusto maging Presidente si VP Inday Sara Duterte?


Huwag mong itago ang totoong ikaw para lang magustuhan ka ng iba. Ipakita mo ang lahat kahit ang hindi magandang parte n...
23/12/2024

Huwag mong itago ang totoong ikaw para lang magustuhan ka ng iba. Ipakita mo ang lahat kahit ang hindi magandang parte ng pagkatao mo. Doon mo kasi malalaman kung sino ang kayang manatili.

Sa dulo, ang pagmamahal pa rin na totoo ang tatanggap sa'yo nang buo.

B**gbong Marcos News: “‘Bastardized ang Budget’: Dating DOF Official Binanatan ang Pananaw ni PBBM sa PhilHealth at Gast...
21/12/2024

B**gbong Marcos News: “‘Bastardized ang Budget’: Dating DOF Official Binanatan ang Pananaw ni PBBM sa PhilHealth at Gastusin ng Gobyerno”

Sa kanyang online series na “Chikahan with Prof. Cielo Magno,” muling pinuna ng dating DOF Undersecretary ang budget priorities ng administrasyon. Tinawag niyang “bastardized” ang pambansang budget at kinuwestiyon kung bakit zero subsidy ang PhilHealth habang malaki ang alokasyon para sa infrastructure projects.

Ayon kay Magno, tila naisantabi ang mga mahahalagang programa ng gobyerno. Nanawagan din siya kay Pangulong Marcos na makipagkonsulta sa mga eksperto upang maayos na matutukan ang mga pangangailangan ng bansa.

Ikaw, ano ang masasabi mo sa zero subsidy para sa PhilHealth? Dapat bang unahin ang healthcare o mas bigyan ng pondo ang imprastraktura?

Philhealth News: "Pangako ni Pangulong B**gbong Marcos,Walang Bawas sa Serbisyo ng PhilHealth."Sa pinakahuling pahayag n...
19/12/2024

Philhealth News: "Pangako ni Pangulong B**gbong Marcos,Walang Bawas sa Serbisyo ng PhilHealth."

Sa pinakahuling pahayag ni Pangulong B**gbong Marcos, tiniyak nito na walang magiging pagbabago sa serbisyo ng Philippine Health Insurance Corporation kahit na may mga isyu tungkol sa subsidy o kontribusyon ng bawat isa. Ayon sa kanya, "Hindi mababawasan ang serbisyo ng PhilHealth, at padadami pa ang ibibigay na serbisyo."

Paliwanag pa ng Pangulo, kahit may mga adjustments sa mga kontribusyon, ang benepisyo at bayad para sa mga insurance claims ay mananatiling buo. Ibinida niya na tataas pa ang halaga ng mga binabayaran ng PhilHealth sa mga claims upang mas maraming Pilipino ang makinabang mula rito.

Sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng sektor ng kalusugan, iniinspeksyon ni Pangulong Marcos na ang sistema ng PhilHealth ay mananatiling malakas at patuloy na magsisilbi sa mamamayan.

Tanong sa mga followers:
Naniniwala ka ba na kayang tugunan ng gobyerno ang mga isyu ng PhilHealth at mapanatili ang kalidad ng serbisyo sa kabila ng mga hamon? Ikomento ang inyong opinyon!



Philhealth News: "PhilHealth Contributions, Posibleng Suspendihin: Ginhawa Ba Ito Para sa Taumbayan?"Pinag-uusapan ngayo...
19/12/2024

Philhealth News: "PhilHealth Contributions, Posibleng Suspendihin: Ginhawa Ba Ito Para sa Taumbayan?"

Pinag-uusapan ngayon sa Kongreso ang posibilidad ng isang taong suspensyon ng PhilHealth monthly contributions. Layon nitong maibsan ang bigat na dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, dapat siguruhing ang bawat pisong hinuhulog ng miyembro ay para sa kanilang kapakanan. Kung sapat ang pondo ng PhilHealth, bakit hindi magbigay ng ginhawa?

Sang-ayon ka ba sa panukalang ito? O may iba kang nais na solusyon? Komento na!"



Robin Padilla News: "Sen Robin Padilla for President sa 2028? Pahayag ni Atty. Salvador Panelo, Usap-usapan!"Sa isang pa...
14/12/2024

Robin Padilla News: "Sen Robin Padilla for President sa 2028? Pahayag ni Atty. Salvador Panelo, Usap-usapan!"

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Salvador "Sal Panalo” Panelo na posible umanong tumakbo si Robin Padilla bilang Pangulo sa 2028. Ayon kay Atty. Panelo, nagkaroon siya ng pag-uusap kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at iminungkahi niya na si Padilla ang maaaring maging susunod na lider ng bansa kung sakaling hindi na makatakbo si Sara Duterte. Aniya, “Yun ang walang tatalo.”

Agad na naging usap-usapan ang pahayag na ito, kasalukuyang nagsisilbing Senador at isa sa mga may pinakamaraming boto noong eleksyon 2022.

Marami ang nagtatanong kung handa na ba si Sen. Robin Padilla na humawak ng pinakamataas na posisyon sa bansa?

Sa tingin mo, karapat-dapat bang tumakbo si Sen. Robin Padilla bilang Pangulo sa 2028? Ano ang iyong opinyon sa pahayag ni ito ni Atty. Salvador Panelo?

Edison B**g Nebrija News: "Sino ang may karapatang husgahan? Opinyon ng PDEA vs. Kongresista!”Mariing ipinahayag ni Edis...
13/12/2024

Edison B**g Nebrija News: "Sino ang may karapatang husgahan? Opinyon ng PDEA vs. Kongresista!”

Mariing ipinahayag ni Edison B**g Nebrija ang suporta kay dating PDEA Director General Wilkins Villanueva matapos itong akusahan ng pagsisinungaling dahil lang hindi nagustuhan ng isang kongresista ang sagot nito.

Aniya, si DG Wilkins ay paulit-ulit na isinugal ang kanyang buhay para sa bayan, taglay ang prinsipyo ng "Courage, Integrity, and Loyalty" mula sa Philippine Military Academy.

Tanong ni Nebrija sa kongresista: “Nasaan ka sa laban ng bayan? Anong prinsipyo ang iyong isinasabuhay?”
Sa gitna ng isyung ito, sino nga ba ang tunay na may karapatang husgahan?

Ano ang pananaw mo? Sino ang sa tingin mo ang dapat managot sa isyung ito—ang opisyal na naglilingkod, o ang mambabatas na nagtatanong?

Inday Sara Dutere News: "‘Malinis at Walang Impeachable Issue’ – Dr. Lorraine Badoy-Partosa kay VP Inday Sara Duterte!"S...
12/12/2024

Inday Sara Dutere News: "‘Malinis at Walang Impeachable Issue’ – Dr. Lorraine Badoy-Partosa kay VP Inday Sara Duterte!"

Sa pahayag ni Dr. Lorraine Badoy-Partosa, dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC, sinabi niyang mahirap kalabanin si VP Inday Sara Duterte dahil, “malinis, wala ka talagang mahanap na totoong isyu na impeachable.”

Sa kabila ng mga kontrobersya at puna sa pondo ng Office of the Vice President, nananatili siyang isang malakas na political figure.

Ano ang masasabi mo sa pahayag na ito ni Dr. Lorraine Badoy?

France Castro News: "Pulis Nagpaputok ng Baril sa Harap ng Sasakyan ni Rep. France Castro."Isang insidente ang naiulat k...
12/12/2024

France Castro News: "Pulis Nagpaputok ng Baril sa Harap ng Sasakyan ni Rep. France Castro."

Isang insidente ang naiulat kung saan isang pulis ang umano’y nagpaputok ng baril sa harap ng sasakyan ni Rep. France Castro habang pauwi mula sa isang event sa Taguig City nitong Disyembre 11.

Ayon kay Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list, kailangang maimbestigahan ito at malinawan kung anong dahilan ng nasabing aksyon.

"Hinihingi namin ang paliwanag ng PNP. Lehitimo bang operasyon ito, o pananakot?" tanong ni Tinio. Patuloy na hinihintay ang pahayag ng PNP ukol sa isyu.

Inday Sara Duterte News: "Narinig Ko Talaga: VP Sara Duterte, Binunyag ang Planong Pagkapangulo ni Romualdez sa 2028"Ibi...
12/12/2024

Inday Sara Duterte News: "Narinig Ko Talaga: VP Sara Duterte, Binunyag ang Planong Pagkapangulo ni Romualdez sa 2028"

Ibinunyag ni Vice President Inday Sara Duterte na narinig niya mismo ang plano ni House Speaker Martin Romualdez na tumakbo bilang presidente sa 2028. Sa isang press conference, sinabi niya, “This is personal knowledge, kasi narinig ko talaga, I was there.”

Tinanong rin niya ang taumbayan kung nais nilang si Romualdez ang maupo bilang bise presidente, kasunod ng mga impeachment complaints laban sa kanya. Ayon kay Duterte, “Kailangan magdesisyon ng taumbayan. Gusto n’yo ba ng Vice President Martin Romualdez, na hindi n’yo naman binoto?”

Sa tingin niyo, dapat bang suportahan ang plano ni Romualdez?

Inday Sara Duterte News: "VP Inday Sara Duterte, Tinanggihan ang Alok ni Cong. Rodante Marcoleta na maging Abogado."Nagp...
11/12/2024

Inday Sara Duterte News: "VP Inday Sara Duterte, Tinanggihan ang Alok ni Cong. Rodante Marcoleta na maging Abogado."

Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte kay Congressman Marcoleta matapos itong mag-alok na maging abogado niya kaugnay sa impeachment case na kinakaharap.

Gayunpaman, magalang niya itong tinanggihan, sabay pahayag ng pasasalamat sa tiwala at suporta ng kongresista.

Sa inyong palagay, dapat bang tanggapin ni VP Inday Sara Duterte ang alok na ito bilang dagdag na suporta? Ano ang opinyon ninyo? Magkomento na!

Inday Sara Duterte News: "VP Inday Sara Duterte, Tinutulan ang Paratang na 'Evasive' Sa Isyu ng Confidential Funds."Sa i...
11/12/2024

Inday Sara Duterte News: "VP Inday Sara Duterte, Tinutulan ang Paratang na 'Evasive' Sa Isyu ng Confidential Funds."

Sa isang pahayag, binigyang-linaw ni Vice President Sara Duterte na hindi siya "evasive" sa mga tanong ukol sa paggasta ng confidential funds. Ayon sa kanya, hindi aniya dapat itanong ang mga ito dahil may mga limitasyon sa pagbibigay ng impormasyon tungkol dito. “It is wrong to say that I am evasive. We have freely cooperated with the audit process of COA,” dagdag pa ni VP Inday Sara Duterte.

Sa palagay mo, tama lang ba ang ginawa ni VP Inday Sara Duterte na hindi sagutin ang mga tanong ukol sa confidential funds? Ano ang iyong pananaw tungkol sa isyung ito?


France Castro News: "Nanawagan ang IP Leader: Bakit Nananatili si France Castro sa Gobyerno?"Nanawagan si Andigao Agay, ...
11/12/2024

France Castro News: "Nanawagan ang IP Leader: Bakit Nananatili si France Castro sa Gobyerno?"

Nanawagan si Andigao Agay, isang IP leader mula Talaingod, Davao del Norte, na alisin na sa pwesto si France Castro. Aniya, may mga ulat ukol sa aksyon nito noon na nakaapekto sa mga bata sa kanilang komunidad.

Hiniling din niyang ipaliwanag kung bakit hindi pa nasususpinde ang kongresista?

Sa tingin mo, nararapat bang tanggalin si France Castro sa gobyerno? Bakit o bakit hindi?

Inday Sara Duterte News: "Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang malinis ang Gobyerno."N...
11/12/2024

Inday Sara Duterte News: "Mga senador, dapat pumabor sa impeachment vs VP Sara kung gusto nilang malinis ang Gobyerno."

Naniniwala si Makabayan President Liza Maza na ang pagsuporta ng mga senador sa impeachment complaint laban kay VP Inday Sara Duterte ay mahalaga para sa pagbabago sa pamahalaan. “Kung nais nilang linisin ang gobyerno, ito ang tamang hakbang,” aniya.

Any ingay ng mga ito ngayon, ano masasabi niyo dito?

Rodante Marcoleta News: "Nalulunod na sa Utang: Pahayag ni Cong. Marcoleta Tungkol sa Korapsyon”Binatikos ni Cong. Rodan...
10/12/2024

Rodante Marcoleta News: "Nalulunod na sa Utang: Pahayag ni Cong. Marcoleta Tungkol sa Korapsyon”

Binatikos ni Cong. Rodante Marcoleta ang patuloy na korapsyon sa bansa at ang malaking kakulangan sa pondo. Ayon sa kanya, gumagastos ang Pilipinas ng P15.8 bilyon araw-araw ngunit kumikita lamang ng P11.7 bilyon, dahilan upang umutang ng P4.1 bilyon kada araw.

Dagdag niya, hindi dapat puro ayuda ang tutok ng Kongreso, kundi ang pagsugpo sa korapsyon at pag-ayos ng ekonomiya.

"Eh bigay nang bigay ng AKAP. AKAP dito, AKAP doon, puro AKAP. Hindi po ’yan ang gawain ng House of Representatives." -Cong. Marcoleta

Sang-ayon ba kayo na mas bigyan ng pansin ang korapsyon kaysa sa ayuda? Ibahagi ang inyong opinyon!

B**gbong Marcos News: "P4.56 Billion: Office of the President sa Ilalim ni Pang. B**gbong Marcos Jr., Nangunguna sa Conf...
10/12/2024

B**gbong Marcos News: "P4.56 Billion: Office of the President sa Ilalim ni Pang. B**gbong Marcos Jr., Nangunguna sa Confidential Funds!"

Ayon sa ulat ng Commission on Audit, nanguna ang Office of the President sa confidential at intelligence fund spending ngayong 2023, umabot sa kabuuang P4.56 bilyon. Patuloy itong mataas, katulad noong nakaraang taon. Sa tingin ninyo, sapat bang naisasapubliko kung saan napupunta ang ganitong kalaking pondo?

Address

Manila
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippines Trending Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Philippines Trending Online:

Videos

Share

Category