The Torch Publications

The Torch Publications The Torch Publications is a student institution that publishes periodicals and other printed materials funded, managed and led by the students.
(2)

The Torch Publications is a pro-student publication responsive to the needs of the academe and the community. It upholds the standards and ethics of journalism, functions as a catalyst to tap the holistic development of the students exposing them to the objective social realities and to the people's right and welfare, and contributes to the development of responsible and committed student leaders

and journalists. The Torch shall optionally publish at least seven issues annually with the option of supplements, a special Filipino issue called " Ang Sulo" and a literary folio called "Aklas." The office of the Torch is located at Room C, 2/f Student Center Building, Philippine Normal University, Taft Avenue, Manila. You may contact us at telefax 5284703 or e-mail us at [email protected]. Member:
Progresibong Lupon ng mga Manunulat ng PNU (PLUMA-PNU)

Colege Editors Guild of the Philippines (CEGP)

FROM THE ARCHIVES Langit Lupa: Bukiring NakatayaIsinulat ni Catrina SacaresDibuho ni Eric John Carlos DimasakatNobyembre...
16/11/2024

FROM THE ARCHIVES

Langit Lupa: Bukiring Nakataya
Isinulat ni Catrina Sacares
Dibuho ni Eric John Carlos Dimasakat
Nobyembre 16, 2021

“Langit lupa, impyerno… im..im.. impyerno ang tumuntong sa lupang pinangako.”

Sumingaw ang mabahong amoy ng lupang minsan nang lumubog sa dugo. Nakakabingi ang walang humpay na pag-ulan ng bala at paghandusay ng mga bangkay. Nasaksihan ko kung paano sila sumalangit habang nararanasan ang labang mala-impyerno.
Nauna nang mataya si Ka-Pedro na kanina’y matapang na sinalubong ang mga tayang armado.

Nakita ko namang lumukso at nagtago si Tatang Juan kasama si Mang Gener habang nakikipaghabulan at iniiwasang mataya ng mga mabibilis na paglipad ng mga bala.

“Saksak puso, daming tumulong dugo”
Katatapos lang ng misa at narinig ko ang kasunod na pagputok at pagpihit ng gatilyo. Nataya na si Padre, habang agaw buhay ang ibang mga kakampi. “Ambush na ito,” ang huli niyang nasambit ngunit huli na ang lahat dahil ‘di na niya kayang kumapit.

“Patay? Buhay? Umalis ka na sa Hacienda mong mabaho”
Pito pa ang dumagdag sa listahan ng mga nataya. Mabilis ang paglukso nila, huwag lang maabutan ng mga tayang mahilig mandaya. Ang sabi’y bawal ang sungkitan pero walang habas nilang sinungkit ang kanilang karapatang mabuhay.

“Langit para sa lupa ngunit impyerno ang tumuntong sa bukiring pinangako
Saksak puso sa mga magsasakang umalsa, daming tumulong dugo
Sa kamatayan man o buhay, mag-aaklas ang bayan;
‘Umalis ka na sa Hacienda mong mabaho”

---

Ginugunita ng The Torch Publications ang ang ika-20 anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre, kung saan nagpaputok ng baril ang mga pulis at militar laban sa mga magsasaka at manggagawang bukid sa Hacienda Luisita.

Matatandaang 14 na kasapi ng unyon ng mga manggagawa at mga residente ng Hacienda Luisita ang pinaslang, samantalang 121 ang sugatan at 133 tao naman ang iligal na inaresto sa kabila ng ligal na pagsasagawa ng protesta.

Ang Hacienda Luisita Massacre ay isa sa mga pinakamadugong pangyayari na sinapit ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa ilalim ng nagpapatuloy na bulok na sistemang agrikultura at huwad na reporma sa lupa. Hanggang ngayon, kabi-kabila pa rin ang pandarahas sa mga magsasaka, mangagawang bukid, at mga organisador. Sa ilalim ng rehimeng Marcos-Duterte, patuloy pa rin ang pangangamkam at pag-atake sa lupain ng mga magsasaka sa Lupang Ramos, Lupang Tartaria, at iba pang lupang sakahan.

Isinulat ni Mark Andrew Cadion
Inilapat ni John Paul Arellano





ICYMI | PNU student leaders deliberate on budget increase, MROTC resistancePhilippine Normal University University Stude...
14/11/2024

ICYMI | PNU student leaders deliberate on budget increase, MROTC resistance

Philippine Normal University University Student Council-Central Student Council (PNU USC-CSC) convened an All Leaders Meeting on Tuesday, November 12, via Zoom to address issues emphasizing the need for a higher university budget and opposition to the Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (MROTC).

According to USC-CSC Chairperson Samantha Jabal, the university needed a total of P859, 961,910 to address the inadequate student spaces and shortage in facilities for quality education.

The breakdown of the proposed funding is as follows:

Construction of the National Center for Teacher Education (NCTE) Building (formerly the Philippine Normal University Convention Center and Training Center) - P415,000,000

Repair and Improvement of Geronima T. Pecson Hall - Main Building - P80,000,000

Construction of 3-storey gymnasium - P200,000,000

Rehabilitation of Normal Hall (Students' Dormitory) - P100,000,000

Creation of 30 Instructor I items - P64,961,910

Additionally, the demands sought to enhance education quality and support faculty and staff welfare by creating new items to reduce class sizes from 30-35 students to 20-25.

In light of these needs, all student leaders are encouraged to join the Senate lobbying where the PNU USC-CSC, along with the PNU administration, will propose the amount of needed funds.

"Nakikita natin yung essence na nirerehistro natin yung mga demands at yung mga complain natin sa sektor ng edukasyon,” Jabal stated.

Jabal also noted that the lobbying at the Senate, originally set for November 14 and now rescheduled to November 19, will be attended by student leaders from PNU-Manila to propose the discussed demands.

Meanwhile, the second half of the meeting emphasized students' concerns on the prioritization of the MROTC. Councilor Regina Tolentino pointed out that the program is not genuinely about fostering patriotism or nationalism, but rather serves as a strategy to create a readily available reserve force for potential conflicts between the US and China.

"Minamadali 'yong Mandatory ROTC dahil gusto tayong maging reserved force 'yong mga kabataan, tayong mga kabataang Pilipino, para dun sa mga giyera na pinamamangkaan ng Pilipino," Tolentino emphasized. She also stressed that if this law were passed, those who failed to complete the ROTC would be barred from graduating.

Both Jabal and Tolentino highlighted that amidst the need for higher budgets on education, social services, and other sectors, the government still prioritizes militarization programs such as the MROTC.

The PNU USC-CSC encouraged more student leaders and organizations to join the campaign against budget cuts and MROTC. Aside from the Senate lobbying on November 19, a major mobilization for the education sector will take place on November 22, while the protest against MROTC is set for November 17, in line with International Student's Day.

“Kaya yung mga simpleng bagay na pakikiisa, na pagdadalo sa mga ganitong klaseng talakayan, makikita natin siya na malaking hakbang sa pagmumulat at pag-oorganisa ng mga estudyante para sama-sama nating na-assert ‘yong mga karapatan natin sa isang dekalidad na edukasyon at pati sa iba’t ibang sektor,” Jabal urged.

Written by Ma. Cristina Aviso



HAPPENING NOW | The Philippine Normal University Student Council - Central Student Council (PNU USC-CSC) is holding an A...
12/11/2024

HAPPENING NOW | The Philippine Normal University Student Council - Central Student Council (PNU USC-CSC) is holding an All Leaders Meeting to discuss crucial issues affecting the university and its students, including the need for a higher university budget and opposition to mandatory ROTC via Zoom meeting, today, November 12.

The meeting is also streaming live on the PNU USC-CSC page.

Written by Ma. Cristina Aviso

OPISYAL NA PAHAYAG NG THE TORCH PUBLICATIONS HINGGIL SA UNANG BESES NA PAGTESTIGO NI FRENCHIE MAE CUMPIO SA TACLOBAN REG...
11/11/2024

OPISYAL NA PAHAYAG NG THE TORCH PUBLICATIONS HINGGIL SA UNANG BESES NA PAGTESTIGO NI FRENCHIE MAE CUMPIO SA TACLOBAN REGIONAL TRIAL COURT

Unang beses na humarap si Frenchie Mae Cumpio ngayong araw, ika-11 ng Nobyembre, sa Tacloban Regional Trial Court matapos ang mahigit apat na taong iligal na pag-aresto sa kaniya at iba pang kasapi ng Tacloban 5.

Kagaya ng ibang mga mamamahayag na nag-umpisa sa loob ng pamantasan, nagsilbi si Cumpio bilang punong patnugot ng UP Vista, isang pahayagang pangkampus sa Unibersidad ng Pilipinas Visayas Tacloban College (UPVTC). Bukod pa rito, naging chairperson din ng College Editors Guild of the Philippines Eastern Visayas si Cumpio at kinalaunan ay naging executive director ng Eastern Vista na isang alternative media outlet sa Tacloban. Si Cumpio ay halimbawa ng mga iskolar ng bayan na patuloy na pinipili ang magsilbi sa masa gamit ang pamamahayag.

Ika-7 ng Pebrero 2020, iligal na inaresto ng pulisya si Cumpio at sinampahan ng mga gawa-gawang kaso gaya ng illegal possession of fi****ms at terrorism financing. Bago pa man ang nangyaring pagdakip, nagkaroon na rin ng ilang beses na paniniktik ng militar kay Cumpio. Ika-13 ng Disyembre 2019, naglabas ng alert ang Eastern Vista matapos ang pag-aligid ng mga military kay Cumpio habang nagsasagawa ito ng field research. Matapos naman ang naging pagdakip kay Cumpio, nanredtag ang 8th Infrantry Division ng Philippine Army sa isinagawang conference at sinabing ‘high profile’ na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) umano si Cumpio, bagay na pinabulaanan naman ng mga malapit kay Cumpio.

Ang ganitong uri ng paniniktik, panre-redtag, at pandarahas ay lantarang taktika ng estado upang patahimikin ang mga organisador at mamamahayag na naglalayong isiwalat ang anumang uri ng kabuktutan sa lipunan. Isa lamang si Frenchie Mae sa marami pang mga progresibong mamamahayag na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso. Maging ang matagal na panahong hinintay bago ang pagtestigo ni Cumpio para sa kaniyang sarili ay salamin ng inhustisya at kawalang pakialam ng estado sa masang dapat na pinagsisilbihan nito. Mahigit apat na taon nang ninakawan ng pagkakataon upang magsalita si Cumpio at ang iba pang kasapi ng Tacloban 5, lagpas ilang dekada na rin ang pambubusal ng gobyerno sa mga aktibista at organisador.

Bilang pahayagang pangkampus, naniniwala ang The Torch Publications na hamon sa ating bukod sa sumulat ng mga balita sa loob ng pamantasan, ay lumabas at makiisa sa malawak na hanay ng lipunang ating kinalalagyan. Kagaya ni Cumpio, gamitin natin ang talas ng mga tinta sa ating pluma upang magsilbi sa masa.

Mariing kinukundena rin ng publikasyon ang iba't ibang porma ng panggigipit sa mga mamamahayag tulad ni Frenchie, sa loob o labas man ng pamantasan. Ang simpleng pagpapabura ng mga balitang ipinapaskil, pagsilip sa mga impormasyong nakalap bago tuluyang ilimbag, pagbabanta na patatalsikin sa eskuwelahan matapos ang paglathala ng balitang taliwas sa kagustuhan ng mga administrador, pagbabawal na makiisa sa mga pagkilos, at paglimita sa mga bagay na dapat lamang ilathala, ay hindi nalalayo sa pambubusal at paglabag sa malayang pamamahayag na ginagawa ng estado.

Ang laban ni Frenchie ay laban din nating mga peryodista sa loob ng pamantasan. Ngayon, sikapin nating patuloy na paigtingin ang diwa ng pamamahayag na mula sa masa at tungo sa masa.

Taas-kamao nating isigaw: Palayain si Frenchie Mae at ang Tacloban 5! Isulong ang malayang pamamahayag!





NATIONAL NEWS | Frenchie Mae Cumpio, tumestigo laban sa mga gawa-gawang kasoNapatunayang gawa-gawa lamang ang mga kaso l...
11/11/2024

NATIONAL NEWS | Frenchie Mae Cumpio, tumestigo laban sa mga gawa-gawang kaso

Napatunayang gawa-gawa lamang ang mga kaso laban kina Frenchie Mae Cumpio at kasamahang Maye Domequil nang tumestigo sila sa Tacloban Regional Trial Court ngayong Lunes, Nobyembre 11.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), napatunayan ni Cumpio na isa siyang progresibong mamamahayag mula sa International Association of Women in Radio and Television (IAWRT) at Altermidya na mahigpit na minanmanan hanggang siya ay tuluyan nang arestuhin.

“She showed a factsheet submitted to Altermidya and an alert issued by the Center for Media Freedom and Responsibility detailing incidents of surveillance between December 2019 to February 2020,” tala ng NUJP.

Sa kanyang pagtestigo, ikinuwento ni Cumpio kung paano sila pinasok at inaresto ng militar at pulis noong Pebrero 7, 2020 kung saan pinadapa sila sa sahig at pinalabas sa kwarto. Sa araw ding ito inaresto si Cumpio at ang apat pa niyang kasamahan na sina Maye Domequil, Alexander Abinguna, Mira Legion, at Marissa Cabaljao, mas kilala bilang “Tacloban 5”.

Ayon sa salaysay ni Cumpio, hindi rin nagpakita ng search o arrest warrant ang mga pulis nang pumasok sa lugar na kanilang tinutuluyan.

"We would have allowed them in our room because we're not hiding anything illegal," pahayag ni Cumpio.

Ayon sa NUJP, maihahalintulad ang nasabing taktika sa "tanim ebidensya" noong rehimeng Duterte, na nagdulot ng pagkabasura ng mga gawa-gawang kaso.

Ipinakita rin ng mga abogado ni Cumpio na noong Pebrero 6, 2020, isang araw bago pa mangyari ang panghihimasok ay nagpadala na ng sulat ang Katungod Sinirangan Bisayas sa Commission on Human Right (CHR) Region 8 para sa boluntaryong pagpayag sa inspeksyon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na humarap sa korte si Cumpio matapos ang mahigit apat na taong pagkakakulong.

Patuloy namang nananawagan ang mga progresibong grupo at pahayagan na palayain na ang Tacloban 5 sa mga gawa-gawang kaso. Kaninang umaga lang ay nagsagawa ng kilos-protesta sa tapat ng Kagawaran ng Hustisya (DOJ) ang iba't ibang pahayagang pangkampus sa pangunguna ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) kasama ang Altermidya.

“Ang pagkakakulong ng isang mamamahayag ay isang espesyal o natatangi na paglabag sa karapatan mamamayan para sa impormasyon at pamamahayag. Dapat tanggalin na ng Pilipinas itong kahihiyan na ito at palayain na ang kapwa natin mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio,” giit ni Raymond Villanueva, pangulo ng Altermidya, sa panayam sa publikasyon.

Isinulat ni Almyra Elaine Medina




NGAYON | Nagtipon-tipon sa harap ng Kagawaran ng Hustisya (DOJ) ang iba't ibang grupo ng media outlet at pahayagang pang...
11/11/2024

NGAYON | Nagtipon-tipon sa harap ng Kagawaran ng Hustisya (DOJ) ang iba't ibang grupo ng media outlet at pahayagang pangkampus bilang pagsuporta sa unang beses na pagtestigo ni Frenchie Mae Cumpio sa Regional Trial Court sa Tacloban ngayong araw, Nobyembre 11.

Bitbit ng mga grupo ang panawagang palayain si Frenchie Mae at iba pang mga kasapi ng Tacloban 5 na sina Maye Domequil, Alexander Abinguna, Mira Legion, at Marissa Cabaljao matapos ang iligal na pagdakip sa kanila ng mga pulisya bunsod ng mga gawa-gawang kaso noong ika-7 ng Pebrero 2020.

Larawan ni Mark Andrew Cadion




TINGNAN | Nasunog ang isang residential area sa Brgy. 659 na tapat lamang ng lumang gusali ng Institute of Teaching and ...
08/11/2024

TINGNAN | Nasunog ang isang residential area sa Brgy. 659 na tapat lamang ng lumang gusali ng Institute of Teaching and Learning (ITL), kaninang ika-3 ng hapon, Nobyembre 8.

Naapula naman na sa kasalukuyan ng mga bumbero ang nasabing sunog.

NGAYONG ARAW | Ginugunita tuwing ika-2 ng Nobyembre ang International Day to End Impunity for Crimes against Journalists...
02/11/2024

NGAYONG ARAW | Ginugunita tuwing ika-2 ng Nobyembre ang International Day to End Impunity for Crimes against Journalists bilang pagdiin sa mga bansa na magpatupad ng mga tiyak na hakbang upang wakasan ang represyon ng estado sa mga alagad ng midya.

Ilang rehimen na ang nagdaan ngunit nanatili pa ring isa sa mga mapanganib na bansa ang Pilipinas para sa mga mamamahayag. Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), tinatayang nasa 159 na ang kaso ng red-tagging laban sa mga mamamahayag at organisasyong pangmidya.

Matatandaang noong Oktubre 3, 2022, binaril ang beteranong peryodista na si Percival "Percy Lapid" Mabasa at idineklarang dead on arrival sa ospital. Hanggang ngayon, hindi pa rin natutukoy ang mga tao sa likod ng nasabing pagpaslang.

Samantala, Nobyembre naman noong nakaraang taon nang binaril si Juan Jumalon ng nagkukunwaring tagasubaybay habang nasa kaniyang live broadcast sa Misamis Occidental, gayundin ang pagpatay sa broadcaster na si Crecenciano Bunduqin sa Calapan, Oriental Mindoro noong Mayo 2023.

Kabilang pa sa tumataas na kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag ang sinapit ng radio reporter na si Rey Blanco matapos siyang saksakin sa Negros Island nitong ika-22 ng Hunyo 2024.

Nitong Oktubre 22, 2024, pinatay rin ng mga hindi kilalang suspek ang radio anchor na si Maria Vilma Rodriguez habang nasa kaniyang tindahan sa Zamboanga City.

Matatandaan din ang iligal na pag-aresto at pagsampa ng gawa-gawang kaso kay Frenchie Mae Cumpio, isang mamamahayag, noong ika-7 ng Pebrero taong 2020 kasama ng apat na Human Rights Activist sa Tacloban, Leyte. Ngayong ika-11 ng Nobyembre ay unang beses na sasalang si Cumpio sa regional trial court upang ipagtanggol ang kaniyang sarili matapos ang mahigit apat na taong pagkakakulong.

Ang mga ganitong uri ng paggipit atpagpaslang sa mga mamamahayag ay nagpapakita ng takot ng estado sa mga Pilipinong mamamahayag na nagsisiwalat ng katotohanan at patuloy na impunidad ng mga mapagsamantalang nakaupo sa kapangyarihan.

Nararapat kilalanin ang kritikal at malayang pamamahayag bilang batayang karapatan sa halip na banta. Ngayong Pandaigdigang Araw sa Pagtigil ng Impunidad sa mga Kaso laban sa mga Peryodista, kaisa ang The Torch Publications sa pagkundena sa mga krimen at inhustisyang kinahaharap ng mga Pilipinong mamamahayag bilang pagpapanatili sa mahabang kasaysayan ng kanilang pakikibaka.

Kagaya ng palagiang bitbit ng publikasyong "Tintahan ang pluma, magsilbi sa masa," patuloy na isulong ang karapatan ng mga mamamahayag na magsilbi sa gitna ng umiigting na tiraniya at labanan ang anumang uri ng represyon, censorship, at pang-aabuso ng estado.

Pag-aanyo ni John Paul Arellano



Trick or Treat ni Bossing sa Extrajudicial KillingsInimbestigahan ng Senate Blue Ribbon subcommittee ang giyera kontra d...
31/10/2024

Trick or Treat ni Bossing sa Extrajudicial Killings

Inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon subcommittee ang giyera kontra droga ng administrasyong Duterte nitong Lunes, Oktubre 28, kung saan makikita natin si Bossing ay este si dating Pangulong Rodrigo Duterte na suot-suot pa rin ang maskara habang patuloy na binabaluktot ang malagim na sinapit ng mga biktima ng extrajudicial killings.

Kilala ang rehimeng Duterte sa programa nito kontra droga, aniya sa kaniyang slogan noong halalang 2016, “change is coming.” Bago maging pangulo, alkalde rin si Duterte sa Davao City, kung saan una niyang bitbit ang polisiya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa talang pinaskil ng Kabataan Partylist, higit-kumulang 30,000 ang pinaslang bunsod ng giyera kontra droga, ilan umano sa mga ito ay 122 kabataan. Samantalang 1,161 naman ang iligal na dinakip, 84 ang desaparecidos, at marami pang iba.

Sa kabila ng mga datos at dokumento, taas-noo pa rin si Duterte at kaniyang mga kasama, gaya ni Senador Bato Dela Rosa, nang humarap sa pagdinig. Iba’t ibang naratibo rin ang kanilang inihayag, na taliwas sa nangyari sa loob ng anim na taong pamumuno nito.

Isinulat ni Ricky Reantaso
Pag-aanyo nina Fyra Tumimang at John Paul Arellano



LOCAL NEWS | PNU bares make-up classes schedule, modality due to Typhoon Kristine, Undas 2024Philippine Normal Universit...
31/10/2024

LOCAL NEWS | PNU bares make-up classes schedule, modality due to Typhoon Kristine, Undas 2024

Philippine Normal University - Office of the University President (PNU-OUP) Manila issued the University Memorandum No. 298, s. 2024 on Tuesday, October 29, announcing the new schedule for make-up classes in response to class suspensions brought by Typhoon Kristine and the shift to online modality for October 31 in observance of Undas 2024.

The memorandum stated that make-up classes for October 23 to 25 are set on November 6 to 8 (Wednesday to Friday), while the afternoon classes for today, October 31, are scheduled for November 11 (Monday), afternoon.

Moreover, morning classes today were shifted to an online modality in observance of All Saints’ Day and All Souls’ Day on November 1 and 2, under the Memorandum Circular No. 67 from Malacañang.

Meanwhile, for graduate-level and post-baccalaureate, make-up classes for October 24 and 25 are scheduled for November 4 and 5 (Monday and Tuesday); afternoon classes for October 31 can be held either on November or 7; and November 2 classes are rescheduled for November 8 or 9, depending on the course requirements.

PNU-OUP encouraged that these classes be conducted online, either in synchronous or asynchronous sessions.

Furthermore, PNU-OUP noted the following important dates to be observed: for undergraduates, the last day for final assessments and submission of requirements is scheduled for November 12 (Tuesday), and November 9 (Saturday) for graduate-level and post-baccalaureate students.

The last day for submission of grades for Term 1 of the academic year 2024-2025, for undergraduate, post-baccalaureate, and graduate students, is scheduled for November 29.

The university's Archives and Records Management Unit (ARMU) sent the memorandum to the PNU community's Gmail account.

Written by Darren Escobilla

Pabatid para sa mga PNUans:Nauunawaan ng pamunuan ng Philippine Normal University na maaaring naapektuhan kayo ng bagyon...
24/10/2024

Pabatid para sa mga PNUans:

Nauunawaan ng pamunuan ng Philippine Normal University na maaaring naapektuhan kayo ng bagyong Kristine. Mangyaring tulungan kaming alamin ang inyong mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagsagot sa maikling survey na ito https://forms.gle/QvY461dkfk7wcngG9

Maraming salamat.

ADDENDUM: The local government of Manila City has announced a suspension of online and in-person classes at all levels i...
23/10/2024

ADDENDUM: The local government of Manila City has announced a suspension of online and in-person classes at all levels in both public and private schools for tomorrow, Thursday, October 24. This decision followed the issuance of Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 for Metro Manila due to tropical storm .

Meanwhile, the Philippine Normal University (PNU) has announced earlier that all classes and work in the university will transition to online modalities tomorrow. However, the memorandum also mentioned that this arrangement was made "without any prejudice," which means that it can still be subject to change on any future decisions or announcements made by relevant government agencies that may affect class or work schedules.

The publication has contacted the PNU University Student Council-Central Student Council (USC-CSC) to clarify the class arrangements. They reported that they have reached out as well to the Student Affairs and Services Office (SASO) and were informed that the university is yet to release an announcement following the suspension of classes in Manila City.

Photo from Manila Public Information Office

LOCAL NEWS | PNU temporarily shifts to online modality due to Typhoon KristinePhilippine Normal University (PNU) Manila ...
23/10/2024

LOCAL NEWS | PNU temporarily shifts to online modality due to Typhoon Kristine

Philippine Normal University (PNU) Manila released the University Memorandum No. 294, s. 2024, announcing a temporary shift to online modality for all classes and work tomorrow, October 24, due to severe weather conditions brought by Typhoon Kristine.

According to the memo, a Work-From-Home (WFH) scheme will be implemented for employees, with a skeleton workforce ensuring continuation of essential services in frontline offices.

The implementation of the memorandum is limited to PNU-Manila only, while the Executive Directors and Provosts (EDPs) of PNU North Luzon and PNU South Luzon are advised to issue campus-specific instructions based on their local conditions.

The arrangement remains subject to any announcements from government agencies that may affect class or work schedules.

The memorandum was sent to the PNU Community through Gmail.

Written by Angelo Caigas

TINGNAN | Nagmartsa mula España patungong Plaza Miranda ang mga magsasaka at multisektoral na grupo bilang paggunita sa ...
22/10/2024

TINGNAN | Nagmartsa mula España patungong Plaza Miranda ang mga magsasaka at multisektoral na grupo bilang paggunita sa Buwan ng Magsasaka kahapon, ika-21 ng Oktubre.

Bitbit ang mga panawagang pagsulong sa tunay na reporma sa lupa at pagpapalayas sa mga militar sa kanayunan, inalala ng mga progresibong grupo ang ika-52 anibersaryo ng paglagda ni Ferdinand Marcos Sr. sa Presidential Decree (PD) 27.

“Sa PD 27, inobliga ang farmer beneficiaries sa pagbayad ng mataas na amortisasyon sa lupa kasama ang 6% interes at real property tax. Hindi tunay bagkus huwad ang reporma sa lupa ni Marcos Sr.,” ani Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano mula sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Bukod sa PD 27, binigyang-pansin din ng mga magsasaka ang iba’t ibang repormang isinabatas kagaya ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), Rice Tariffication Law, at New Agrarian Emancipation Act (NAEA), na nagpapahirap sa kalagayan ng sektor.

Tahasang kinundena rin ng mga magsasaka ang intimidasyong nararanasan sa mga lupang sakahan bunsod ng pag-atake ng mga pulis at militar.

“Sa Cavite, nagpapatuloy ang sunugan dahil sa malawakang reklamasyon. Mula Setyembre, iba-ibang alibi ang ginagamit upang makapasok ang mga militar sa Lupang Ramos. Maging ang Lupang Tartaria, tuloy-tuloy na nakararanas ng intimidasyon,” salaysay ni Miriam VIllanueva ng KASAMA-Lupang Ramos (LR).

Kasama ng mga magsasaka, nagpahayag din ng karanasan ang mga mangingisda sa patuloy na reklamasyon sa karagatan.

“Isa sa mga problema ng mangingisda ay ang proyektong reklamasyon sa mga baybaying dagat. Sangkot dito walang iba kung hindi ang mga political dynasties," giit ni Ronnel Arambulo mula sa PAMALAKAYA.

Samantala, nakiisa rin ang sektor ng mga maralita, gaya ng KADAMAY, sa pagggunita ng Buwan ng Magsasaka at binigyang-diin ang ‘pamemeste’ ng rehimeng Marcos sa pamamagitan ng pamamasista sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“Kung ang tingin nila sa atin ay peste, sila ay mas peste pa sa lahat ng mga kapestehan. Dahil, mula sa mga pag-aangkin sa lupa ng magsasaka, sa mga kumbersyong ginagawa, sa mga lumalaganap na demolisyon sa ating komunidad, hindi kailangangang mayanig ang sambayanan dahil tayo ang may pinaka malaking bilang. Tayo ang magwawagi,” diin ni Mimi Doringo ng KADAMAY.

Isinulat ni Fyra Tumimang
Larawan ni Ederlyn Terrado




OPISYAL NA PAHAYAG NG THE TORCH PUBLICATIONS SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA PESANTE Sa paggunita ng Araw ng mga Pesante, ...
21/10/2024

OPISYAL NA PAHAYAG NG THE TORCH PUBLICATIONS SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG MGA PESANTE

Sa paggunita ng Araw ng mga Pesante, taas-kamaong pinagpupugayan ng The Torch Publications ang uring magsasaka at manggagawang bukid na pangunahing prodyuser ng pagkain sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino. Kinikilala rin ng publikasyon ang mahaba’t madugong kasaysayan ng pakikibaka ng mga pesante kontra sa huwad na reporma sa lupa at mga anti-magsasakang polisiya na sinasadlak ang mga magsasaka sa lumalalang kahirapan.

Napaliligiran ang Pilipinas ng katubigan at biniyayaan ng masaganang lupain ngunit patuloy na kontrolado ng mga ganid na panginoong maylupa ang karamihan sa mga ito. Ayon sa tala ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), 7 sa 10 magsasaka ang walang sariling lupang binubungkal.

Nagpapatuloy ang pag-iral ng kawalan ng lupang sakahan buhat ng mga programa at batas na nakasandig sa interes ng naghaharing-uri tulad ng Presidential Decree 27 (PD 27) ng diktaduryang Marcos Sr., Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng rehimeng Aquino, Rice Tariffication Law, at proyektong Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) ng mismong Kagawaran ng Repormang Pansakahan at World Bank na layong wasakin ang nagkakaisang samahan ng mga magbubukid at padaliin ang pagkontrol ng mga korporasyon sa lupa. Malinaw na taktika ng estado ang mga mapanupil na programa upang itaguyod ang kanilang sariling interes at higpitan ang kapit sa kanilang halang na prayoridad na gawing komersyalisado ang mga lupang sakahan.

Habang nagpapakasasa sa kitang nakukuha mula sa pangangamkam at kumbersyon ng mga lupain ang mga panginoong maylupa, patuloy na nararanasan ng mga magsasaka ang kawalan ng sariling lupang sakahan at pagkabaon sa siklo ng utang. Sa kasalukuyan, nadadagdagan pa ang mga gawa-gawang kasong agraryo kagaya ng pagpapalayas ng mga magsasaka mula sa sariling lupang sakahan, karahasan, pagdukot, at lantarang pagpaslang sa mga magsasaka na dinedepensahan ang kanilang karapatan.

Kamakailan lamang, pinaslang ang mag-asawang magsasaka na sina Mylene Salgado Vargas at Christian Job Vargas ng mga sundalong militar at pinalabas na isa itong engkwentro sa pagitan ng Philippine Army at NPA. Batay sa datos ng KARAPATAN, 72 sa 105 biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng rehimeng Marcos-Duterte ay mga magsasaka. Naitala rin ng KARAPATAN na 755 na ang bilang ng mga bilanggong pulitikal at karamihan sa mga ito ay parte ng malawak na hanay ng magsasaka.

Bukod pa sa kabi-kabilang pag-atake sa mga magsasaka, nanatili pa ring atrasado ang estado ng ating agrikultura bunsod ng kawalan ng pambansang industriya at pagkatali sa pyudal na sistema ng bansa. Sa gitna ng mga nagtataasang bilihin, napipilitang ibenta ng mga lokal na magsasaka ang kanilang produkto sa mas mababang halaga bilang pagsabay sa pag-aangkat ng mga bagsak-presyong produkto sa karatig-bansa, dahilan sa pagkalugi at pagkalam ng sikmura ng mga magsasaka.

Hindi hihinto ang pagdanak ng dugo sa mga kabukiran kung patuloy na iiral ang mapagsamantalang sistema at malupit na pagtrato sa mga magsasaka ng estado. Mula kanayunan tungong kalunsuran, nagmartsa ang mga pesante at manggagawang bukid ngayong araw bitbit ang kanilang panawagan, maso, at karit upang singilin ang estado sa kanilang kapabayaan sa sektor ng agrikultura.

Kaya naman, nakikiisa ang The Torch Publications sa pagtatambol ng karapatan at panawagan ng uring magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa, pagtigil ng militarisasyon sa kanayunan, pagwaksi sa mga anti-magsasakang programa, at pagpapalitaw sa mga desaparecidos. Gayundin, tahasang kinukundena ng publikasyon ang mga mga sunod-sunod na pag-atake ng mga reaksyunaryong pwersa ng estado sa batayang karapatan ng mga magsasaka at organisador.

Hangga’t hindi naisasakatuparan ang tunay na reporma sa lupa, patuloy na kakapal ang linya ng mga mamamayang nakikibaka at kikilos upang makamtan ang tunay na malaya at mapagpalayang lipunan.

TUNAY NA REPORMA SA LUPA, IPAGLABAN!






Pag-aanyo ni John Paul Arellano

ALERT | 29 Mangyan Iraya sa Occidental Mindoro, iligal na inaresto ng pulis at militarDinakip ng pitong private goons at...
20/10/2024

ALERT | 29 Mangyan Iraya sa Occidental Mindoro, iligal na inaresto ng pulis at militar

Dinakip ng pitong private goons at apat na unipormadong Police Regional Mobile Group ang 12 menor de edad at 17 matatandang residente ng Hacienda Almeda sa Abra de llog, bandang alas-2 ng hapon, Oktubre 18.

Ayon sa grupong Mindoro Youth for Environment and Nation (MYEN), kababalik lamang mula sa trabaho ng mga biktima nang sapilitan itong hinuli ng sanib puwersang mga militar.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin tiyak ang lokasyong pinagdalhan sa mga dinakip at naputol ang kanilang komunikasyon sa mga residente.

Binigyang-diin ng MYEN na hindi ito ang unang beses na ginamitan ng dahas ang mga katutubo para agawin ang kanilang lupain.

“Ang Hacienda Almeda ay bahagi ng 31 ektaryang lupaing ninuno ng mga Iraya na patuloy na inaagaw sa kanila sa pamamagitan ng panggigipit, militarisasyon, at panloloko sa pamamagitan ng armaduhang private goons at mga ahente ng estado,” ayon sa MYEN.

Kinundena ng mga progresibong grupo ang karahasang naranasan ng 29 Mangyan Iraya sa pulis at militar, pati na ang pagpaslang sa batang Hanuno-Mangyan na si Jay-El Maligday noong Abril 7, pawang mga bahagi ng pambansang minorya.

“Karahasan ang naging tugon ng gobyerno sa pagpapanawagan ng pambansang minorya sa lupang ninuno,” diin ng Anakbayan.

Patuloy rin ang panawagan ng mga grupo sa agarang pagpapalaya ng 29 Mangyan Iraya at pagpapalayas sa berdugong militar sa Isla ng Mindoro.

“Panagutin si Marcos Jr. sa patuloy na pagpapalayas at pagpaslang sa mga pambansang minorya sa lupaing ninuno. Patuloy na babagtasin ng pambansang minorya ang landas na pakikibaka hanggang sa ganap na pagbawi sa lupang ninuno,” giit ng Anakbayan.

Isinulat ni Juan Cyrus Coloso



Address

Rm. 304-A, Main Building, PNU-Manila, Taft Avenue
Manila
1000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Torch Publications posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Torch Publications:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other Media in Manila

Show All