15/12/2025
68-ANYOS NA LOLO SA SARANGANI, NA-INLOVE AT NAGKA-ANAK SA 20-ANYOS NIYANG MISIS?! 😲💖
💬 “Kakapanganak ko lang noong November 13. Maraming nagugulat na mag-asawa kami. Minsan kapag lumalabas kami, tinatanong nila, ‘Tatay mo ’yan o lolo mo?’ Hinahayaan ko lang ang sinasabi nila. Nakilala ko si Amil dahil magkaibigan sila ng lolo ko. Madalas siyang pumunta sa bahay namin hanggang sa nagkasakit ako, at siya na ang nag-alaga sa akin. Doon ako nag-start na kiligin. Napakabait niya. Wala siyang bisyo. Tinanong niya ako kung gusto ko siya, at sabi ko, oo. Gusto ko siya kasi inaalagaan niya ako. Masaya ang aming buhay mag-asawa. Napakasipag niya. Nagtatrabaho siya para buhayin kami ng mga anak niya. Hindi ko naramdaman na may pagkakaiba kami ni Amil. Totoong nagmamahalan kami, at sobrang mahal ko siya.”
Jinly ❤️
💬 “Bago ko siya niligawan, nagpaalam muna ako sa lolo’t lola niya. Pumayag naman sila. Sinabi ko kay Jinly, ‘Kung gusto mo ako, pakakasalan kita.’ Pumayag siya. Sobrang saya ko! Parang bata ako ulit. Hindi rin naman ako natakot na malaki ang agwat namin. Nagkasundo kami, at nagpaalam ako nang maayos sa pamilya niya. Si Jinly ang naging katuwang ko. Siya ang bahala sa bahay habang nagtatanim ako ng gulay. May mga tanong kung paano siya nagkagusto sa akin. Hinahayaan na lang namin ang opinyon ng iba. Ang mahalaga sa'kin, nagkakaintindihan kami. Mahal na mahal namin ang isa’t isa. Pinapangako ko na hindi ko siya pababayaan.”
Amil ❤️
🌟 Isang kwento ng tunay na pag-ibig at pagtanggap, hindi alintana ang mga opinyon ng iba! Tinutulungan ng mag-asawang ito ang isa't isa upang magsimula ng bagong buhay, at nagpakita ng malasakit sa kabila ng kanilang agwat sa edad.