Digital Jero

Digital Jero Para sa Bayan

07/12/2024

What if nililihis nila ang issue kay Maris para makalimutan natin ang grand prize sa raffle. 😅

Kung pwede lang naman. 😂
04/12/2024

Kung pwede lang naman. 😂

Personalized skin and body care na kasi ang uso. 😅
04/12/2024

Personalized skin and body care na kasi ang uso. 😅

Wala sa picture pero nasa screenshot. Tsismoso tayo today. 😂
03/12/2024

Wala sa picture pero nasa screenshot.

Tsismoso tayo today. 😂

Hello, 15,035,773 Filipinos! 😉
25/11/2024

Hello, 15,035,773 Filipinos! 😉

“TAMA NA ANG PLASTIKAN”The fact na naglalabasan na sila ng kani-kanilang mga baho means ginamit lang nila ang taumbayan ...
24/11/2024

“TAMA NA ANG PLASTIKAN”

The fact na naglalabasan na sila ng kani-kanilang mga baho means ginamit lang nila ang taumbayan para sa pangarap nilang pagkaisahin ang bayan sa ilalim ng isang UNITEAM.

May dalawang option ang kampo ni BBM, ang isulong ang impeachment ni Sara o maghintay siya ng ganti nito sa 2028.

Pero kung anuman ang drama nila, sana, mas sagutin nila ang tanong kung saan napunta ang pera ng bayan.

It’s time to try defying gravity. 😅
23/11/2024

It’s time to try defying gravity. 😅

Hello, Love, Again tells us that kahit anong mangyari, mahirap talaga maglinis pag may tae.
16/11/2024

Hello, Love, Again tells us that kahit anong mangyari, mahirap talaga maglinis pag may tae.

A MOVIE REVIEW OF HELLO, LOVE, AGAIN 🇨🇦1. Love is not just about finding someone who will complete you. It is about find...
13/11/2024

A MOVIE REVIEW OF HELLO, LOVE, AGAIN 🇨🇦

1. Love is not just about finding someone who will complete you. It is about finding your home, your tahanan.

2. Mas mahirap pa sa inaakala natin ‘yung hirap na pinagdadaanan ng mga OFW sa ibang bansa para lang makahanap sila ng bayang aaruga sa kanila, ng bayang magbibigay sa kanila ng pangarap nilang mabuhay ang kanilang mga pamilya.

3. The pandemic changed everything. The isolation changed our humanity. Pinakita ng pelikula ang iba’t ibang lupit ng pandemya.

4. Canada ‘yung naiisip natin kapag magandang buhay pero sa pelikulang ito, pinakita rin kung paanong hindi madali ang buhay rito. Itanong niyo pa sa mga inayawang trabaho ni Ethan rito.

5. Malungkot lang na hindi natin nakikita ang Filipinas bilang tahanan. Para lang itong pansamantalang tuluyan ng marami sa atin dahil para sa kanila, hindi sila aasenso rito. Na hindi para sa kanila ang Filipinas. At hindi rin natin sila masisisi.

6. Gusto ko ‘yung mga punchline sa pelikulang ito. Tungkol sa malalim na dimple. Tungkol sa permanent resident.

7. Kathryn, as always, will not fail you in this movie. Level up pa siya rito dahil kahit kahit sa mga eksenang wala siyang linya, ang daming sinasabi ng kanyang mga mata, ng kanyang mga titig, ng kanyang mga paghinga. Ganon ang level up niya rito.

8. Tinapatan rin naman ni Alden ang maturity ni Kathryn sa pelikula. Maturity in a sense na kahit ‘yung mga pinakamahihirap na eksena, nairaos niya.

9. I must say na grabe ang chemistry ng mga supporting lead dito sa pangunguna ni Joross Gamboa. Deserve niyang maging pambansang lucky charm supporting comedian. Parang walang buhay ang pelikula kung wala siya. Ganon kaimportante si Joross dito.

10. Suprising din ang role ni Jennica Garcia rito. Tawa ako nang tawa sa role niya. Pero kahit nakakatawa, totoong may ganoon sa Filipino migration life.

11. Exciting rin ang pagbabalik-pelikula ni Ruby Rodriguez dito, na alam nating naging masalimuot din ang pinagdaanan noong pandemya. Magandang addition siya sa cast.

12. Si Kakai, Maymay, at Lovely, kahit cameo na lang ang role na lang rito, parang ginawa nila ‘yung best comedic acting pa rin nila.

13. Mahusay ang direction ni Cathy Garcia-Molina ng pelikula dahil bukod sa mga magagandang eksena at casting, hindi siya mahirap intindihin para sa isang pelikulang may sinundan na. Kudos din sa mga nagsulat ng screenplay.

14. Lastly, ang ganda ng theme song at musical scoring ng pelikula. Palagi. Sino ba ang palagi mo? Sino ba ang tahanan mo?

Kwento ito ng ating bayan. Ng ating mga pamilya. Ng ating mga pangarap. At ng walang hanggang paghahanap natin sa ating tahanan.

First time ko ulit manood ng Filipino movie on its opening day at sobrang daming tao. 😉

👊
29/10/2024

👊

When you always follow what is right, you will always win.
27/10/2024

When you always follow what is right, you will always win.

HINDI KO KINAYA SI TEACHER EMMY1. Hindi ko kinaya ang acting ni Marian Rivera rito. Pinakita ni Marian na may iba’t iban...
27/10/2024

HINDI KO KINAYA SI TEACHER EMMY

1. Hindi ko kinaya ang acting ni Marian Rivera rito. Pinakita ni Marian na may iba’t ibang mukha ang mga g**o. May seryoso, kwela, palaban, at palamura. Mapapa-put@ng in@ ka sa mga linya ni teacher Emmy rito.

2. Hindi ko kinaya ang ganitong uri ng thriller movie. Baka hindi mga Zombie ang magpapa-thrill sa atin kundi ang paghahabol sa tunay na kalayaan para sa bayan. Baka ganito ‘yung uri ng thriller movie na naaayon sa ating lipunan.

3. Hindi ko kinaya ang dami ng batang nanood ng pelikula. Habang nakapila ako, maraming mga kabataan ang nasa unahan ko. Inihahanda nila ang id nila. Binibilang ang perang meron sila. Ang sabi ko sa sarili ko, “Kapag Balota ang papanoorin nila, ibig sabihin ay may pag-asa pa tayo sa bayang ito.” At hindi ako nagkamali.

4. Hindi ko kinaya ang intro ng pelikula. Korni. Hindi nakakatawa. Parang mga pulitiko natin. Ganon ang gustong sabihin ng intro ng pelikula.

5. Hindi ko kinaya ang patayan sa pelikula. Laging may patayan tuwing may eleksyon. Laging kapangyarihan ang pumapatay. Habang lagi natin sinasalba natin ang demokrasya ng bayan, may nagbubuwis ng buhay. Ganito ba ang demokrasya?

6. Hindi ko kinaya ang kinampihan ng pelikula. Ang magandang pinakita ng pelikula ay ang piniling kampihan ni teacher Emmy. Ito rin ang ineexpect kong plot ng pelikula. At ito ang gusto at dapat nating sabihin sa ating sistema.

7. Hindi ko kinaya ang ending ng pelikula. Like, na-summarize ng ending hindi lang ang pelikula kundi ang political system ng Filipinas. Like, napapalakpak ako sa ex*****on ng ending.

Kung nais mong makilala ang uri ng thriller na mayroon ang pelikulang Filipino, ito ‘yun.

Pagsaludo ang pelikulang ito sa lahat ng mga katulad ni Teacher Emmy, g**o man o hindi, na nagbabantay sa bawat boto, naninindigan sa katotohanan, at lumalaban para sa bayan nang tunay.

Ang liwanag sa dilim ay laging mananaig at mananatili hangga’t may mga naniniwala at nagsisindi nito. 🌸Oo, ikaw. Ikaw na...
25/10/2024

Ang liwanag sa dilim ay laging mananaig at mananatili hangga’t may mga naniniwala at nagsisindi nito. 🌸

Oo, ikaw. Ikaw na nagbabasa nito ang patuloy na magsisindi ng liwanag. 🌸

Hindi kami nagsisising ikaw ang aming pinili. 🌸Photo by ABS-CBN News
24/10/2024

Hindi kami nagsisising ikaw ang aming pinili. 🌸

Photo by ABS-CBN News

24/10/2024

Leni Robredo
is fulfilling her promise to the Filipino people even without the position.

😅
21/10/2024

😅

We can always choose to be free. ✨
20/10/2024

We can always choose to be free. ✨

Alam niyo ‘yung kwento ni Indigo na ipinalabas sa Hiraya Manawari? Siya ay isa sa mga anghel na inatusan ng Diyos na kul...
19/10/2024

Alam niyo ‘yung kwento ni Indigo na ipinalabas sa Hiraya Manawari?

Siya ay isa sa mga anghel na inatusan ng Diyos na kulayan ang mundo sa loob ng isang araw. Pero bago makapunta sa mundo, kailangan muna nilang sumakay sa mga ulap na nagmumula sa isang makinarya.

Masayang bumiyahe ang mga anghel para kulayan ang ulap. Nauna sina Asul at Berde. Kasama nila ang iba pang mga anghel na masayang kinukulayan ang mundo.

Samantala, si Indigo, habang nasa kalagitnaan ng kalawakan ay bumalik upang ayusin ang makinaryang gumagawa ng ulap upang hindi magkaroon ng delubyo sa mundo.

Dahil nahuli na si Indigo, wala na siyang naabutang kukulayan pa sa mundo. Pero ‘yun ang inaakala niya dahil ang sabi ng Diyos, may isa pang hindi nakukulayan ang mga anghel.

Binulong ng Diyos kay Indigo ang bahagi ng mundong hindi pa nakukulayan ng sinumang anghel. Kinulayan ni Indigo ang buong kalangitan.

“Indigo, paglubog ng araw, makikita ng lahat ang kulay mo bago sumapit ang dilim. Ito ang gantimpala sa isang anghel na nagmamalasakit at tumutulong nang kusang-loob kapag kailangan,” ang sabi ng Diyos.

Sana, mahanap natin si Indigo sa mga puso natin. Sa mundong hindi na malinaw kung sino ang tunay at hindi, piliin nating maging kagaya ni Indigo.

Address

Manila
1016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Digital Jero posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Digital Jero:

Videos

Share

Nearby media companies