SINASALUBONG ang taong 2025 bilang isang malinis na simula. Matapos magbalik-tanaw sa mga nabuong ngiti at napawing luha sa nakalipas na 2024, ipinagkakaloob sa bawat isa ang pagkakataong makaaninag ng bagong pag-asa at makaalpas mula sa mga naipong kahapon. Nawa'y matupad ang maraming pangarap at makahanap ang lahat ng kaginhawahan sa anomang sorpresang hatid ng susunod na 12 buwan.
Manigong bagong taon mula sa Ang Pahayagang Plaridel!
Likhang-sining ni Christina Jean Lui
PANOORIN: Ipinadarama ng De La Salle University-Manila ang diwa ng Pasko sa makulay at mahimig na presentasyon sa St. La Salle Hall Facade na magtatagal hanggang Disyembre 24.
Paiilawan ang facade mula ika-5:30 n.h., samantalang matutunghayan ang lights and sounds show rito mula ika-7:00 n.g. hanggang ika-9:00 n.g. sa mga naturang petsa.
| mula De La Salle University
MULING PASIKLABIN ang naging tapatan ng DLSU Green Archers at UP Fighting Maroons, 62–66, at pakinggan ang mga sentimiyento ng mga nagkamit ng pilak na parangal matapos ang #UAAPSeason87 Men’s Basketball Tournament Finals Game 3 sa Smart Araneta Coliseum, Disyembre 15.
#StrongerBetterTogether
#AnimoLaSalle
#PlaridelUAAP87
IPINAABOT ng De La Salle University (DLSU) ang kanilang malugod na pagbati sa #UAAPSeason87 Men's Basketball Tournament champions UP Fighting Maroons sa isang presentasyon sa St. La Salle Hall Facade, Disyembre 16.
Tinuldukan ng koponan mula Diliman ang pagratsada ng DLSU Green Archers sa Finals Game 3 kagabi.
#StrongerBetterTogether
#AnimoLaSalle
#PlaridelUAAP87
PANOORIN: Binuksan na sa pamayanang Lasalyano ang Enrique K. Razon Jr. Hall sa De La Salle University Laguna Campus, Disyembre 6.
Matatagpuan dito ang Enrique K. Razon Logistics Institute na inaasahang magiging kauna-unahang Leadership in Energy and Environmental Design-certified school sa bansa.
| mula De La Salle University
ANALISAHIN ang mga naisakatuparan at nais pang gawin ng standard-bearer ng Santugon sa Tawag ng Panahon bilang tumatakbong pangulo ng University Student Government (USG) sa #PASPASAN2024. Pasadahan ang mga pangako sa kaniyang pinal na kampanya sa USG elections.
#SpecialElections2024
#SE2024
#PlaridelSE2024
PAGNILAYAN ang mga perspektiba ng tumatakbong vice president for internal affairs ng University Student Government sa unang araw ng botohan. Siyasatin ang bawat aspekto ng kaniyang mga plataporma sa #PASPASAN2024.
#SpecialElections2024
#SE2024
#PlaridelSE2024
REPASUHIN ang mga inihandang reporma ng kandidato para sa posisyong executive secretary ng University Student Government sa #PASPASAN2024. Timbangin din ang kaniyang pananaw sa makabuluhang usapin sa bansa.
#SpecialElections2024
#SE2024
#PlaridelSE2024
KILALANIN ang tumatakbong executive treasurer ng University Student Government sa unang bidyo ng #PASPASAN2024 para sa mga kandidato sa executive board. Siyasatin ang kaniyang mga plano at pananaw hinggil sa kapakanan ng mga Lasalyano at Pilipino.
#SpecialElections2024
#SE2024
#PlaridelSE2024
DINGGIN sa #PASPASAN2024 ang mga plataporma at saloobin ng nagnanais kumatawan sa pinakamalaking kolehiyo sa De La Salle University, ang Ramon V. del Rosario College of Business, bilang college assembly president.
#SpecialElections2024
#SE2024
#PlaridelSE2024
KILATISIN ang mga plano at prinsipyo ng kandidatong naghahangad na maging susunod na college assembly president ng College of Computer Studies sa #PASPASAN2024.
#SpecialElections2024
#SE2024
#PlaridelSE2024
ABANGAN ang pagbibigay-rason ng mga kandidato sa kani-kanilang platapormang pangkampus at katayuan sa mga isyung panlipunan sa pagpapatuloy ng #PASPASAN2024.
Matapos ang mga tumatakbong batch legislator, kilatisin ang pangangatuwiran ng mga kandidato para sa college assembly president at executive board ng University Student Government.
#SpecialElections2024
#SE2024
#PlaridelSE2024