23/03/2024
NAPAKA-HOPELESS NG GENERATION NGAYON
I am a public school teacher. 8 years teaching.
Married. No loan ever since. Nalulungkot. Naiinis. Napapagod. Nawawalan ng gana. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Iba na talaga generation ngayon ano po?
Habang tinatype ko ito. Nakatingin ako sa klase ko. At nakaupo sa likod. Kasi tumigil ako sa pagtuturo dahil sa kawalang disipilina nila.
Generation nowadays napaka hopeless na.
Tinuturuan ko ay Grade 2 dito sa probinsiya.
Napagod na ako maging mabait , masipag at maging mabuting tao. Kwento ko lang po.
Nagtuturo ako kanina. And nobody listens. I am very prepared with everything. May pa energizer, nagpapakanta ako. Bumili pa ako ng projector para lang maging interesado at interactive ang lesson ko everyday. At para naman di ma left behind sila sa technology.
Kahit mahal sige binili ko para sa mga bata.
Pero what did I get? Walang nakikinig. Walang modo kung sumagot sakin. Dadaanan daanan ka lang. Sasagot sagutin ka lang nila.
Walang disiplina. Kahit nung beginning of school yr ay nag set ako ng rules. Pero walang epekto.
Alam niyo po mga bata ngayon, di na madaan sa positive discipline. Napaka malumanay ko sa klase ko. As much as possible ayoko nagagalit kasi ayoko ma-stress. Pero napapansin ko ngayon, kahit idaan mo sa mabuting paraan di nagiging behave ang mga bata. Pero pag sinagad na nila pasensya mo at nagalit kana. Saka sila titigil at magbebehave. It should not always be like this. Wala silang pakialam sa teacher. Wala na pakialam kung matuto sila o hindi. Kasi alam nila makakapasa naman kahit pasang awa ang grades.
Nakakalungkot mga kabataan ngayon. Kahit gRade 2 marunong na mag mura, magsabi ng masasamang Salita. Nakakagawa na ng krimen. Exposed na sa mga adult things. Yes totoo po. Nangyayari yan sa klase ko. And I can't even imagine kung saan galing ang ganito nilang pag uugali.Kaya naniniwala ako na kahit bata kayang gumawa ng krimen. Dahil may pag iisip na sila.
Napapagod na ako. Gusto ko ng mag resign.
I am very passionate in teaching but I cannot see myself retiring in DepEd. Di ko kayang bastusin na lang ako ng mga batang ito. Ayokong magkasakit dahil sa stress sa pagsasaway. Wala akong problema sa paper works at colleagues. But everyday is a misery sa pag-tuturo sa mga batang tulad nito.
I asked my husband that I want to resign and apply abroad. And he said, he supports me. Maghahanap na ako online jobs abroad at hopefully makapag resign ako agad.
Dear parents, pls raise a child properly. They really need your help. DISCIPLINE STARTS AT HOME.
I'm sorry to say this. Ang kabataan ay HINDI pag-asa ng bayan.
Salamat sa pagbabasa.
ORIGINAL POST: CFO PESO SENSE