The Philippine Gazette

The Philippine Gazette A publication of the Presidential Communications Office - Bureau of Communications Services

Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpirma ng memorandum of agreement sa pagitan ng AC Health, i...
18/11/2023

Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpirma ng memorandum of agreement sa pagitan ng AC Health, isang kompanya sa ilalim ng Ayala Corporation, at ng kompanyang Varian Medical Systems mula Amerika upang maitayo ang kauna-unahang cancer hospital sa bansa.

“The initiative is a vital stride in the fight against cancer, and it reflects the Philippines’ growing potential as a leading healthcare destination in Asia,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon din sa Pangulo, nagpalitan ng kaalaman ang dalawang kumpanya upang maayos na mailunsad ang kauna-unahang ospital na tututok sa pangangailangan ng mga cancer patients sa bansa.

Base sa pinirmahang kasunduan, itatayo ng AC Health ang Healthway Cancer Care Hospital na magsisilbing network ng mga oncology clinics sa Metro Manila upang makapagbigay ng komprehensibong cancer care gamit ang state-of-the-art at multi-modality cancer care technologies ng Varian Medical Systems.

Kaugnay nito, isinabatas din sa bansa ang Republic Act No. 11215 o ang National Integrated Cancer Control Act upang mapaigting ang cancer control at makatulong sa mga cancer patients.

Nakatakda namang maglunsad ang Department of Health ng 16 na Cancer Care Specialty Centers sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong Nobyembre.

Saksi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nilagdaang memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Science and...
18/11/2023

Saksi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nilagdaang memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Science and Technology (DOST) at California-based tech company na Atmo upang maitayo sa Pilipinas ang pinakamalaking artificial intelligence (AI)-driven weather forecasting program sa Asya.

Kilala ang Atmo na isa sa mga nangungunang AI meteorology company sa mundo at naglalayon itong magtayo ng high-resolution weather forecasting system sa bansa gamit ang artificial intelligence technology.

Inaasahang magiging malaki ang papel nito sa pagpapatatag ng kapasidad ng bansa sa pagtugon sa climate change.

Sa kabilang banda, nakipagpulong din ang Pangulo sa ilang investors mula Silicon Valley at inihayag ang hakbang ng pamahalaan upang magamit ang AI laban sa cybersecurity threats.

Inihayag din niya na handa ang bansa sa AI technology at hinimok ang mga tech companies na mamuhunan sa bansa.

"The Philippines is ready to become your partner in navigating the AI future. As we look to the horizon, let's 'Make It Happen in the Philippines,' where the promise of a future defined by technological inclusivity and shared growth is not just envisioned but actively realized," pahayag ni Pangulong Marcos.

Tiwala si Pangulong Marcos na malaki ang maitutulong ng AI sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga Pilipino, gayundin sa ekonomiya ng bansa.

"We believe AI can uplift the lives of Filipinos. I'm certain our discussions here today will help the Philippines steer our roadmaps in a direction that maximizes the skills of Filipinos and helps them achieve their aspirations," saad ng Pangulo.

Ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga negosyante sa Amerika ang mga investor-friendly reforms na ipinatupa...
17/11/2023

Ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga negosyante sa Amerika ang mga investor-friendly reforms na ipinatupad ng kanyang administrasyon at hinimok ang mga ito na mamuhunan sa bansa.

"With a solid reform agenda and non-abating growth amid headways, the Philippines is ready to take off as a leading investment hub in Asia. A welcome opportunity awaits you in the Philippines, and we are ready to explore new horizons with your investments in the coming years," pahayag ni Pangulong Marcos sa ginanap na 12th International Philippine Economic Briefing sa San Francisco, California.

Iniulat din ng Pangulo ang mga pagbabagong naganap sa ekonomiya ng bansa simula ng siya’y maluklok.

"More than one year on, in an uncertain global environment beset by slower growth, supply chain disruptions, and geopolitical tensions, the Philippines has continued to rise above the tide.”

Aniya, mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kung ikukumpara sa mga bansang Vietnam, Indonesia, China, at Malaysia. Kumpiyansa rin ang Pangulo na tataas pa ang full-year economic growth ng bansa at lalapit sa target nitong 6-7% para sa 2023.

Nabanggit din ng Pangulo ang naging pagbaba ng inflation rate nitong Oktubre 2023 sa 4.9% mula sa 6.1% nitong Setyembre.

Kaugnay nito, inilahad din ng Pangulo ang mga naging hakbang ng kanyang administrasyon upang maitaguyod ang pamumuhunan sa bansa tulad ng pagpapatupad ng Public Service Act, Foreign Investments Act, Retail Trade Liberalization Act, CREATE Act, at ng Renewable Energy Act.

"These reforms the Philippines' massive infrastructure drive. We are prioritizing the implementation of 197 infrastructure flagship projects worth around $155 billion with a sharp focus on upgrading physical and digital connectivity, water, agriculture, health, transport, and energy," paliwanag ng Pangulo.

Tinalakay din niya ang pagbibigay prayoridad ng kanyang administrasyon sa pamumuhunan sa teknolohiya at iba pang programa at proyektong may kinalaman dito.

Ibinahagi rin ng Pangulo ang pagtatatag sa Maharlika Investment Fund (MIF) na siyang magiging kauna-unahang sovereign investment fund ng bansa.

"It will serve as an additional source and mode of financing for priority projects of the government, including infrastructure flagship. These projects offer high rates of return and significant social economic impact," pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa kasalukuyan, mayroong natukoy na 80 potensyal na infrastructure projects ang pamahalaan na maaaring pondohan ng MIF.

Tumaas ng 109.3% ang kabuuang aprubadong foreign investment pledges ng bansa sa third quarter ngayong taon, ayon sa dato...
17/11/2023

Tumaas ng 109.3% ang kabuuang aprubadong foreign investment pledges ng bansa sa third quarter ngayong taon, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa ulat ng PSA nitong ika-14 ng Nobyembre, umabot sa P27.30 bilyon ang halaga ng investment pledges na nakamit ng bansa sa naturang panahon, higit na mas mataas kumpara sa P13.05 bilyon na naitala sa third quarter noong nakaraang taon.

Sinabi ng ahensya na ang naturang investment pledges ay nagmula sa investment promotion agencies na kinabibilangan ng Authority of the Freeport Area of Bataan, Board of Investments, Clark Development Corporation, Cagayan Economic Zone Authority, Philippine Economic Zone Authority, Subic Bay Metropolitan Authority, at Zamboanga City Special Economic Zone Authority.

Ayon din sa PSA, napunta sa manufacturing industry ang pinakamalaking halaga ng investment pledges, na nasa P16.43 bilyon. Sinundan ito ng mga aktibidad na may kinalaman sa administrative at support service (P4.28 bilyon), at mga aktibidad na may kinalaman sa real estate (P4.22 bilyon).

Napunta naman sa Calabarzon ang pinakamalaking bahagi ng pledged investment sa bansa, na umabot sa P14.56 bilyon. Sinundan ito ng Central Luzon (P6.13 bilyon) at ng Central Visayas (P3.87 bilyon).

Kinilala bilang “Destination of the Year” ang Pilipinas sa ika-9 TripZilla Travel Excellence Awards para sa taong 2023.G...
16/11/2023

Kinilala bilang “Destination of the Year” ang Pilipinas sa ika-9 TripZilla Travel Excellence Awards para sa taong 2023.

Ginawaran din ng titulong “Sustainability Leader of the Year for Asia” ng naturang online platform ang Tourism Promotions Board (TPB), isang ahensya sa ilalim ng Department of Tourism (DOT) na nangangasiwa sa pagsusulong sa Pilipinas bilang isa sa mga pangunahing destinasyon para sa turismo.

“From white-sand beaches and lush mountains to majestic heritage sites, the Philippines has a wide range of destinations that cater to every travel preference. Beyond its popular attractions, the archipelago has plenty of under-the-radar spots that are enough to keep visitors coming back for more,” paglalarawan ng TripZilla sa bansa.

Ayon pa sa TripZilla, nananatiling nangunguna ang TPB sa pagpapanatili at pangangalaga ng mga likas na tanawin sa gitna ng patuloy na pag-unlad ng industriya ng turismo.

“Not only does [the] Tourism Promotions Board Philippines ensure the longevity of natural wonders, but it also continuously showcases ways for both foreign and local tourists to embrace sustainable travel culture, spotlighting attractions and experiences that champion this important travel trend,” dagdag pa ng TripZilla.

Ang parangal na ito ng TripZilla, na isa sa mga pangunahing digital travel media company sa Timog Silangang Asya, ay pagkilala sa pinakamahuhusay na travel brands na nagbibigay ng magagandang karanasang pangturismo at nagsusulong sa pag-usbong ng industriya.

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na nasa 90% na ang palay na naani ng mga magsasaka ngayong panahon ng anihan....
16/11/2023

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na nasa 90% na ang palay na naani ng mga magsasaka ngayong panahon ng anihan.

“We have harvested about 90% of palay across the nation, bought at P22.00 per kilogram,” pahayag ni DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel V. de Mesa.

Dahil sa mataas na antas ng pag-ani, siniguro ng ahensya na mayroong sapat na suplay ng abot-kayang bigas ang publiko sa merkado.

Aabot sa P23.00 hanggang P25.00 bawat kilo ang farmgate na presyo ng bigas. Naitala naman ng DA ang average retail price ng regular well-milled na bigas sa P42.80 habang P45.00 naman ang presyo para sa well-milled rice.

Sa tala ng DA, aabot sa 3.063 million metric tons (MMT) ang magiging kabuuang ani ng palay ngayong Nobyembre at Disyembre. Maaari namang umabot sa 20 MMT ang rice outlook ng bansa ngayong taon.

“Based on data and information from the Philippine Rice Information System, it is generally a good harvest year for the Filipino rice farmers,” saad ni Asec. de Mesa.

Nakatakdang matanggap ng mga empleyado ng pamahalaan ang kanilang year-end bonus at cash gift simula ngayong araw, ika-1...
15/11/2023

Nakatakdang matanggap ng mga empleyado ng pamahalaan ang kanilang year-end bonus at cash gift simula ngayong araw, ika-15 ng Nobyembre, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa pahayag ng DBM, naglaan ang ahensya ng P60.5 bilyon para sa year-end bonus at P8.9 bilyon para sa cash gift ng mahigit 1.7 milyong empleyado ng pamahalaan mula sa national government agencies, kabilang na ang military and uniformed personnels.

Nilinaw naman ng DBM na maaaring tumanggap ng year-end bonus at cash gift ang mga kawani ng gobyerno na naglingkod ng hindi bababa sa apat na buwan simula ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng Oktubre at nanatili sa serbisyo hanggang ika-31 ng Oktubre ng parehong taon.

Hinirang ang Clark International Airport (CRK) bilang isa sa 24 na pinakamagagandang paliparan sa buong mundo ng prestih...
15/11/2023

Hinirang ang Clark International Airport (CRK) bilang isa sa 24 na pinakamagagandang paliparan sa buong mundo ng prestihiyosong Prix Versailles, isang World Architecture and Design Award sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Ang CRK ay ang kaisa-isang paliparan sa Southeast Asia na napabilang sa naturang listahan.

“It is an immense honor to be recognized as one of the world’s most beautiful airports and we are truly humbled by this. It also inspires us to keep on giving Filipinos what they truly deserve, a world-class airport,” saad ni Noel Manankil, President at Chief Operating Officer ng CRK airport operator na Luzon International Premiere Airport Development Corp. (LIPAD).

Ayon sa website ng Prix Versailles na prix-versailles.com, binibigyang-diin ng naturang pagkilala ang pangunahing papel na ginagampanan ng mga pinarangalan sa pagpapaganda at pagpapabuti ng kapaligiran.

Kabilang din sa mga nakasali sa listahan ng “world’s most beautiful airports” ang Arturo Merino Benítez International Airport sa Chile; Berlin Brandenburg Airport sa Germany; Beijing Daxing International Airport, Chengdu Tianfu International Airport, Shenzhen Bao’an International Airport, at Qingdao Jiaodong International Airport sa China; Eleftherios Venizelos International Airport at Thessaloniki Macedonia International Airport sa Greece; General Abelardo L. Rodríguez International Airport sa Mexico; Helsinki-Vantaa Airport sa Finland; at Kempegowda International Airport sa India.

Nakasama rin sa nasabing pagkilala ang LaGuardia Airport, Eagle County Regional Airport, Los Angeles International Airport, Newark Liberty International Airport, Seattle-Tacoma International Airport, at Louis Armstrong New Orleans International Airport sa Estados Unidos; Manchester Airport sa United Kingdom; Mohammed V International Airport sa Morocco; New Plymouth Airport sa New Zealand; Split Airport sa Croatia; Turkistan International Airport sa Kazakhstan; at Van Don International Airport sa Vietnam.

Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marco...
14/11/2023

Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tatlong high-impact projects na inaasahang makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Kabilang sa mga proyektong inaprubahan ng NEDA Board ay ang Pang-Agraryong Tulay Para sa Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka o PBBM Bridges Project na nagkakahalaga ng P28.2 bilyon. Layon ng proyektong mapalawak ang akses ng mga magsasaka mula sa agrarian reform communities sa merkado at serbisyo ng gobyerno.

Inaprubahan din ng NEDA Board ang Phase 3 ng Maritime Safety Capability Improvement Project para sa Philippine Coast Guard (PCG) na nagkakahalaga ng P29.3 bilyon. Gamit ang pondong ito, inaasahang magkakaroon ang bansa ng 5 unit ng multi-role response vessels or MRRVs na mayroong haba na 97 metro bawat isa.

Inaasahang makatutulong ito sa pagpapaunlad ng kapasidad ng PCG sa pagresponde sa mga insidente sa dagat at pagpapanatili ng linya ng komunikasyon sa teritoryong sakop ng Pilipinas.

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na iwasan ang pagsasayang ng kanin at bumili ng locally-produced...
14/11/2023

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na iwasan ang pagsasayang ng kanin at bumili ng locally-produced na bigas upang makatulong sa pag-angat ng kita ng mga magsasaka.

Ayon kay Deputy Executive Director for Development ng DA-PhilRice Dr. Karen Eloisa T. Barroga, hinihimok ng ahensya ang publiko na iwasan ang rice wastage, na naitalang umaabot ang halaga sa P7 milyon bawat taon, sa ilalim ng kampanyang “Be RICEponsible”. Layon din ng kampanya na matulungan ang mga magsasaka at makapagbigay ng masustansyang pagkain sa publiko.

“This time we are involving the consumers para po ang… dahil ang rice ay ating staple food so it’s important that it’s not just a matter of technology pushed na iyong farmers ang inaano nating mag-produce nang mag-produce ng rice,” pahayag ni Barroga.

Inihayag naman ni Dr. Hazel V. Antonio, campaign lead ng “Be RICEponsible” na ipagpapatuloy ng ahensya ang kampanya hanggang 2028 upang makatulong sa mga magsasaka at tangkilikin ng publiko ang lokal na bigas.

“I think our farmers appreciate the hard work. Pero this time, we’re encouraging every consumer to buy their products kasi isa din sa mga goals ng DA, specifically ng PhilRice under the rice program, ay tulungan iyong ating mga farmers to market their products as milled rice na instead na ibenta nila as fresh palay sa farmgate,” saad ni Antonio.

Sa kabilang banda, nagpahayag ng pagkabahala ang DA sa P7 milyong halaga ng bigas o dalawang kutsarang kanin na nasasayang ng bawat tao bawat araw. Sa ulat ni Barroga, maaari ng makakain ang aabot sa 2.5 milyong Pilipino mula sa naturang rice wastage.

“Actually, the campaign says, get only what you need and what we have done in the past was to encourage a half cup serving as default. And some of the provinces actually and cities, restaurants in the cities and provinces partnered with us to make sure that we could have a default serving of half cup of rice para hindi sayang iyong ano… maiwasan natin ang wastage,” paliwanag ni Barroga.

Tumaas ang employment rate o ang bilang ng mga may trabaho sa bansa sa 95.5%, kumpara sa 95% na naitala sa kaparehong bu...
14/11/2023

Tumaas ang employment rate o ang bilang ng mga may trabaho sa bansa sa 95.5%, kumpara sa 95% na naitala sa kaparehong buwan noong 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay National Statistician Claire Dennis S. Mapa, kabilang sa mga industriyang may pinakamalaking pagtaas ng bilang ng mga may trabaho ay ang accommodation at food service (+608,000), administrative at support service (+535,000), konstruksyon (+481,000), transportasyon at storage (+255,000), at pangingisda at aquaculture (+193,000).

Bumaba rin sa 4.5% o 2.26 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong Setyembre, mula sa 5% o 2.5 milyon na naitala sa kaparehong buwan ng nagdaang taon.

Bumaba rin ang underemployment rate ng bansa—o ang antas ng mga nais madagdagan ang oras ng trabaho o magkaroon ng karagdagan o bagong trabaho na may mas mahabang oras—sa 10.7% o 5.11 milyon nitong Setyembre ng taon, kumpara sa 15.4% na naiulat noong Setyembre 2022.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa paghahangad ng mataas na kalidad ng trabaho para sa mga Pilipino kasabay ng patuloy na pagbuti ng lagay ng labor market.

“The government is committed to improving the investment climate of the country to attract businesses that generate high-quality employment. We will continue to pursue enhancements to existing policies to address concerns in investments, particularly in infrastructure development in areas outside the National Capital Region,” pahayag ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan.

Sa tulong ng El Niño National Action Plan, magpapatupad ang pamahalaan ng mga programa upang mas patatagin ang sektor ng agrikultura, na makakatulong naman upang mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa naturang sektor.

“This will be supported by expanding training and re-skilling programs for workers to meet the needs of these innovative [businesses],” saad pa ni Secretary Balisacan.

Lumago ng 5.9% ang year-on-year gross domestic product (GDP) ng Pilipinas sa third quarter ng taon, sapat upang hirangin...
13/11/2023

Lumago ng 5.9% ang year-on-year gross domestic product (GDP) ng Pilipinas sa third quarter ng taon, sapat upang hiranging pinakamabilis na paglago kompara sa ibang tinaguriang “emerging economies” sa Asya.

Tumaas ang naturang antas mula sa 4.3% na paglago ng ekonomiya na naitala noong second quarter nitong taon.

“We remain committed to fully implementing the strategies and the transformation agenda outlined in the Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028. The government is currently assessing our progress concerning the target outcomes and the strategies identified in the PDP. This Philippine Development Report will provide the necessary guidance on the way forward,” pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan.

Mas mabilis ang naging pag-unlad ng ekonomiya ng bansa kumpara sa Vietnam, na nagtala ng 5.3% GDP growth; Indonesia at China, na nagtala ng 4.9%; at Malaysia, na nasa 3.3% ang paglago.

“We would like to assure all Filipinos that we will make every effort to remain on course in attaining the economic and social transformation targets of the Philippine Development Plan 2023-2028 and achieve a matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa lahat,” dagdag pa ng Kalihim.

Ayon pa kay Secretary Balisacan, kinakailangang lumago ng 7.2% ang year-on-year GDP ng bansa sa fourth quarter ng 2023 para maabot nito ang target na 6-7% na paglago ng ekonomiya sa kabuuan ng taon.

Nakatakdang maglunsad ng dekalidad na klase ng bigas ang bansa na inaasahang kayang makipagsabayan sa ibang kilalang pro...
13/11/2023

Nakatakdang maglunsad ng dekalidad na klase ng bigas ang bansa na inaasahang kayang makipagsabayan sa ibang kilalang produkto ng bigas tulad ng Japanese rice o Jasmine rice ng Thailand.

Sa pahayag ng Philippine Rice Institute (PhilRice), ang bigas na ito ay tatawaging Lakambini rice.

Dagdag pa ng ahensya, ilulunsad ang Lakambini rice sa pakikipag-ugnayan sa RestoPH, isang grupo ng mga restaurant owners sa bansa.

Samantala, patuloy pa rin ang ahensya sa paghihimok sa publiko na tangkilikin ang locally-produced na bigas sa halip na imported, partikular ngayong National Rice Awareness Month.

Inihayag naman ni PhilRice Deputy Executive Director Karen T. Barroga na mayroong ‘premium rice’ ang bansa na tinatawag na NSIC Rc 160 na isinusulong na maging batayan ng kalidad na bigas sa bansa.

"[NSIC Rc] 160 is a premium rice… So, iyong mga iyon maging tatak sana ng Philippine rice so that they will have that association na quality rice," pahayag ni Barroga.

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na bilisan ang pamimigay ng tulong na pabahay s...
12/11/2023

Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na bilisan ang pamimigay ng tulong na pabahay sa mga biktima ng Bagyong Yolanda, isang dekada matapos itong manalasa sa Eastern Visayas.

Sa kanyang talumpati sa 10th Yolanda commemoration anniversary, pinag-utos ni Pangulong Marcos na bilisan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng National Housing Authority (NHA) ang pamimiigay ng housing units at titulo ng lupa para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

“Let us continue to work hard so that we can provide them with the tools and the resources to rebuild their lives,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinuri rin ng Pangulo ang disaster risk reduction and management ng Tacloban matapos nitong mapagtagumpayan ang paggawa ng public service and disaster response plans para sa barangay at city levels.

“Your endeavors to establish emergency evacuation SOPs and emergency response teams are noteworthy and serve as examples for other local governments around the country. Equally important is your collective action to protect and rehabilitate your communities through reforestation, river embankment and stabilization, and other environmental conservation programs,” saad ng Pangulo.

Binigyang-pugay din ng Pangulo ang katatagan ng mga Yolanda survivors at ipinagdasal ang mga nasawi dahil sa mapaminsalang bagyo.

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na nasa 63% na ang completion rate ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) ...
11/11/2023

Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na nasa 63% na ang completion rate ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) nitong Oktubre at magiging fully operational na ito sa Nobyembre 2025.

Magkakaroon ang MRT-7 ng 14 na istasyon na magkokonekta sa Quezon City at sa lungsod ng San Jose del Monte sa Bulacan.

Oras na matapos ang proyekton, tinatayang magiging 35 minuto na lamang ang biyahe mula Quezon City papuntang Bulacan na dati’y umaabot ng dalawang oras sa parehong ruta.

Siniguro naman ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez na patuloy ang isinasagawang training para sa mga engineers, technicians, at operators ng naturang linya upang maging maayos ang serbisyo nito sa publiko.

Pinasalamatan din ng opisyal ang mahalagang kontribusyon ng bansang Japan upang maisakatuparan ang training sa mga opisyal at ang donasyon nitong state-of-the-art train simulator room.

Sa kasalukuyan, mayroong 9 na transport projects ang Pilipinas na tumatanggap ng development assistance mula sa Japan na nagkakahalaga ng 1.315 trillion Japanese yen.

Bumaba sa 4.9% ang headline inflation rate ng bansa nitong Oktubre, mula sa 6.1% nitong Setyembre ng taon, ayon sa ulat ...
11/11/2023

Bumaba sa 4.9% ang headline inflation rate ng bansa nitong Oktubre, mula sa 6.1% nitong Setyembre ng taon, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong ika-7 ng Nobyembre.

Mas mababa rin ang headline inflation rate nitong Oktubre kumpara sa 7.7% na naitala sa parehong buwan noong 2022.

Ang core inflation, na kinabibilangan ng mga kalakal, serbisyo at produkto maliban na lamang sa pagkain at petrolyo, ay bumaba rin sa 5.3% nitong Oktubre, kumpara sa 5.9% na naitala nitong Setyembre ng taon.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis S. Mapa, ang pangunahing dahilan ng pagbagal sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay ang mas mababang taunang taas-presyo ng mga gulay, halamang-ugat, saging, at butil, na nasa 11.9% lamang nitong Oktubre, kumpara sa 29.6% nitong Setyembre.

Dagdag pa ni Mapa ang pagbaba ng inflation rate ay bunsod ng mas mabagal na taunang pagtaas ng heavily-weighted na mga pagkain at non-alcoholic beverages, na umabot lamang sa 7.0% nitong Oktubre, kumpara sa 9.7% na naitala nitong Setyembre.

Bumulusok din pababa ang taunang growth rates ng harina, tinapay, at iba pang bakery products; karne at ibang bahagi ng mga kinatay na hayop; isda at iba pang mga pagkaing-dagat; asukal, mga matatamis, at panghimagas; at ready-made na mga pagkain at iba pang food products.

Dumausdos din ang inflation rate ng bigas mula sa 17.9% noong Setyembre na naging 13.2% na lamang nitong Oktubre.

Nakapag-ambag din sa pagbaba ng headline inflation ang pagbaba ng inflation rate ng restaurants at accommodation services sa 6.3% nitong Oktubre, mula sa 7.1% naman nitong Setyembre.

“As inflation eases, it is crucial to continue monitoring the prices of commodities, particularly food, transportation, and energy, amid global challenges such as geopolitical uncertainties and El Niño. Moreover, it is important to ensure that the most vulnerable sectors of the society are protected and provided assistance, especially while food prices remain high and we expect El Niño to affect local and global food production,” pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan.

Lumagda ng memorandum of agreement (MOA) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Securities an...
10/11/2023

Lumagda ng memorandum of agreement (MOA) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Securities and Exchange Commission (SEC) upang paigtingin ang pagtutulungan ng dalawang ahensya sa laban kontra online scams.

Nilagdaan nina DILG Secretary Benjamin C. Abalos Jr. at SEC Chairperson Emilio B. Aquino ang naturang MOA nitong ika-7 ng Nobyembre sa SEC main office sa Makati City.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, bibigyang-suporta ng DILG ang kampanya ng SEC laban sa financial scams, partikular na ang Anti-Scam and Illegal Taking of Investments Group (ASTIG) na kampanya nito.

“This partnership is very timely as we need to educate the public about the fast-growing menace of investment frauds,” saad ni Secretary Abalos.

Dagdag pa ng Kalihim, magtutulungan ang dalawang ahensya upang bigyan ang mga Pilipino ng kaalaman sa pananalapi at sa pag-iwas sa mga patibong at diskarte ng mga investment scammers.

Samantala, ayon naman kay SEC Chairperson Aquino, ang DILG ay magsisilbing “best link to investor education and protection” ng SEC sa mga mamamayan.

“I am confident that the DILG, as purveyor of excellence in local governance, will be a key driving force to the network’s greater success,” pahayag ng opisyal.

Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang tatlong bagong proyekto na pinondohan ng World Bank (WB) bilang bahagi n...
10/11/2023

Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang tatlong bagong proyekto na pinondohan ng World Bank (WB) bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na makamit ang seguridad sa suplay ng pagkain sa bansa.

Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang paglulunsad ng Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up, Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project, at Mindanao Inclusive Agricultural Development Project (MIADP) nitong ika-6 ng Nobyembre.

Ayon kay Secretary Laurel, ang mga proyekto ay alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kapasidad ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng mga climate-resilient na mga polisiya at inobasyon.

“Together with our longtime partner, the World Bank, we are excited to see the immense contribution to increasing agricultural productivity, market access, income and resiliency and significantly improve organized farmer and fisherfolk groups’ access to markets and services,” pahayag ng Kalihim.

Ang PRDP Scale-up ay dinisenyo upang matugunan ang mga kakulangan sa commodity value chain sa pamamagitan ng pagsasaayos ng food supply chain upang mas maging abot-kamay at abot-kaya ang mga pagkain sa merkado. Sakop nito ang 16 na mga rehiyon na kinabibilangan ng 82 na mga probinsya, at ipatutupad ito hanggang sa taong 2029.

Layon naman ng MIADP na palaguin ang kita ng mga magsasaka at mangingisdang kabilang sa Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICC/IPs).

Target naman ng FishCoRe Project na isaayos ang pamamahala ng fishery resources at pataasin ang produksyon ng mga pangisdaan sa Fisheries Management Areas (FMA) 6 at 9 na sumasaklaw sa 11 na mga rehiyon at 24 na mga lalawigan. Bahagi nito ang Fisheries and Coastal Resilient Resource Planning and Management (FishCRRM), Modern and Resilient Livelihood Investments (MARLIN), at Support to Project Implementation and Management (SuPriM).

“We are committed as a world bank, to supporting the Department of Agriculture in implementing all these projects and we look forward to closely working with all the stakeholders and the new leadership to get these projects implemented,” saad ni Dr. Ndiamé Diop, World Bank country director para sa mga bansang Brunei, Malaysia, Thailand, at Pilipinas.

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Region IX (Zamboanga Peninsula) ang umento sa...
09/11/2023

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Region IX (Zamboanga Peninsula) ang umento sa sahod para sa mga mangggagawa sa pribadong sektor at domestic workers.

Nakatakda itong maging epektibo sa darating na ika-12 ng Nobyembre.

Base sa Wage Order No. RIX-22, inaprubahan ng RTWPB ang karagdagang P30.00 sa minimum wage ng mga manggagawa sa rehiyon.

Isasagawa naman ang ikalawang tranche ng umento sa sahod na nagkakahalaga ng P13.00 sa retail/service establishments na mayroong 10 hanggang 30 manggagawa simula ika-1 ng Pebrero 2024.

Inaasahang makikinabang sa dagdag sahod na ito ang aabot sa 56,848 minimum wage earners.

Itataas din sa P381 ang daily minimum wage ng mga manggagawa na nasa non-agriculture sector and retail/ service establishments na mayroong 31 o mahigit pang manggagawa habang P368 naman ang bagong minimum wage para sa mga nasa sektor ng agrikultura.

Sa oras na maipatupad ito, inaasahang aabot na sa P4,600 ang buwanang sahod sa mga siyudad at first-class municipalities sa rehiyon habang P4,100 naman para sa ibang munisipalidad.

Kaugnay nito, inilabas din ng wage board ang Wage Order No. RIX-DW-04 na naglalayong itaas ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa P600. Inaasahang makikinabang dito ang nasa 18,984 domestic workers sa rehiyon.

Nagpahayag ng suporta si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil para sa modernisasy...
09/11/2023

Nagpahayag ng suporta si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil para sa modernisasyon at digitalisasyon ng National Printing Office (NPO) upang mas maitaas ang kalidad ng serbisyo nito sa bansa.

“Atin ding susuportahan ang patuloy na modernisasyon ng operasyon ng NPO, mula sa mga kagamitan nito at pangkahalatang organisasyon,” ayon sa pinadalang mensahe ng Kalihim na inihayag ni PCO Undersecretary Cherbett Maralit sa nagdaang selebrasyon ng anibersaryo ng NPO.

“Hangad din po natin na makasabay ang NPO sa mga pagbabago ng teknolohiya katulad ng digitalization, at tutulong po ang PCO na mapag-aralang mabuti kung paano mas mapapalawak at mapapag-tibay ang mandato ng NPO,” dagdag pa niya.

Kinilala rin ni Sec. Garafil ang naging kontribusyon ng NPO sa matagumpay na Barangay and Sangguniang Kabataan Election na ginanap nitong ika-30 ng Oktubre.

“Malaki ang tungkulin ng NPO sa pagsasagawa ng national at local elections dahil katuwang tayo ng Comelec [Commission on Elections] sa pag-iimprenta ng mga opisyal na balota at iba pang election paraphernalia,” ayon pa kay Sec. Garafil.

Bilang tugon, sinabi ni NPO superintendent Neil Macaraeg na patuloy ang ahensya sa digitalization ng operasyon nito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga moderno at makabagong kagamitan.

Inihayag din niya ang pagkakaroon ng ahensya ng one-stop shop para sa mga naghahanda na sa 2025 midterm elections.

Address

San Rafael Street
Manila
1005

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Philippine Gazette posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share