04/10/2021
🚩8 Nakakatakot na katotohanan tungkol sa sanitary pads na dapat natin malaman.🚩
Kapag ang isang babae ay umabot na sa kaniyang adolescent stage o sa tagalog ay ang pagdadalaga, siya ay makararanas ng napakaraming uri ng pagbabago sa kaniyang katawan kagaya na lamang ng pagtubo ng kaniyang p***c hair, paglaki ng kaniyang mga suso, pagbabago ng hugis ng kaniyang katawan, pagiging sensitibo at maging ang pagsisimula ng kaniyang buwanang dalaw o monthly menstruation. Ilan lamang ang mga ito sa pagpapabago na makikita sa kanilang pisikal na anyo ngunit mayroon din ilang pagbabago sa loob na hindi madalas na napapansin ng iilan.
Pagdating naman sa menstruation, ang mga kababaihan ay tuluyan ng nagiging babae at nagsisimula na rin nag kanilang pagkakaroon ng kabuwanang dalaw o monthly periods at sa ganitong panahon, isa na sa kanilang madalas na bibilhin mula sa mga tindahan at malalapit na grocery stores ay ang mga sanitary napkins na siyang tutulong sa kanilang sa panahon na ito. Ang iba naman sa kanila ay mapili kaya iba iba ang mga brands o produkto ang kanilang ginagamit upang malaman kung saan sila komportable at hiyang. May iilang bilang kasi ng mga kababaihan na sa sobrang sensitibo ay nangangailangan ng special na uri ng napkins upang maiwasan ang pagkakaroon ng rashes at iba pang uri ng problema.
Ang pangunahing layunin na mayroon ang mga napkin ay ang matulungan ang mga kababaihan sa pagpapanatili ng kalinisan sa tuwing sila ay mayroong monthly periods, ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami na ang parehas na napkins at tampons ay nagtataglay din ng delikado at negatibong epekto para sa kanilang katawan at kalusugan. Ito ay madalas na kilala bilang silent killer, lalong lalo na kung walang kaalam alam ang isang babae patungkol sa masamang epekto na siyang taglay nito para sa kanila. Nakakalungkot mang isipin ngunit kahit na ang mga napkin na ito ay nakatutulong sa tuwing mayroong monthly periods ang mga kababaihan ay nagtataglay din ito ng hindi magandang epekto para sa katawan lalo na ang maling paggamit ng mag ito kaya nararapat lamang na magkaroon ng sapat na kaalaman ang bawat kababaihan sa kung paano dapat ito gamitin at kung paano magiging maingat sa paggamit ng mga ito lalo na at hindi maiiwasan ang talagang paggamit sa mga napkin na ito.
Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga epekto na siyang naidudulot ng paggamit ng napkins na siyang maaring manggaling sa mismong produkto na iyong ginagamit o sa mga pagkakagawa nito. Narito na ang ilan sa mga ito:
❌Chemicals
Lahat ng mga sanitary napkins na siyang madalas na gamitin ng mga kababaihan ay nagtataglay ng iba’t ibang klase ng mga kemikal at ang ilan pa nga sa mga ito ay maaring makapagdulot ng sakit, karamandaman at impeksyon sa ari ng babae na siyang lubhang delikado kagaya na lamang ng Dioxin na siyang nagiging isa sa mga rason ng pagkakaroon ng abnormal na paglaki sa mga tissue.
❌Gels Pads
Ang cervical cancer ay kilala bilang pangalawa sa mga pangkaraniwang sakit na siyang nagdudulot ng pagkamatay ng dahil sa kanser para sa mga kababaihan. Isa sa mga nagiging rason sa kung bakit nagkakaroon ng ganitong uri ng sakit ang mga kababaihan ay ang kanilang pagkababad sa cellulose na siyang matatagpuan sa mga sanitary napkins na mayroong taglay na gel pads.
❌Deodorants
Ang deodorants na siyang ginagamit sa mga sanitary napkins ay maaring makapasok sa dugo ng mga kababaihan at ito rin ay maaring maging sanhi ng pagkakaroon ng impeksyon at iba pang uri ng abnormalidad na siyang nararanasan ng mga kababaihan na mayroong kaugnayan sa pagkabaog at ilan pang klase ng komplikasyon sa pagsilang ng sanggol na maari ring makapagdulot ng malaking epekto para sa kalusugan ng bata.
❌Tampon
Ang mga kemikal at maging ang mga materyales na siyang madalas na ginagamit upang makagawa ng tampon ay nadiskubre at napag alaman na mayroong kakayahan na makapagdulot ng pagkasira ng mga organ or organ damage na mas kilala sa tawag na Phthalates.
❌Lump
Ang paggamit ng mga pads sa loob ng matagal na oras o panahon ay maaring makapagdulot ng pagkakaroon ng lump o ng bukol sa ari ng babae na siyang maaring magpatuloy sa pagkakaroon ng impeksyon at iritasyon sa bahagi na ito. Kaya kinakailangan at nararapat lamang na makapagpalit ng napkin ang isang babae sa loob lamang ng 4 na oras at huwag hahayaan na mas tumagal pa sa oras na ito. Kapag hindi mo ito kaagad nagawa ng tama ay maari itong magresulta sa pagkakaroon ng toxic shock syndrome o kamatayan.
❌Impermeable Layer
Ang layer na ito ay madalas at karaniwang gawa sa mga synthetic material upang hindi tuluyang tumagos ang regla pero maari rin itong maging dahilan ng pagkakaroon ng hindi tamang ventilation para ari ng mga kababaihan. Kapag nakulong ang parehas na init at moisture sa loob ng ari ng mga kababaihan, maaring kumalat dito ang napakaraming uri ng mga bacteria na makapagdudulot ng hindi magandang epekto para sa kalusugan at katawan.
Maari mong ibahagi ang artikel at impormasyon na ito sa iyong mga kapwa kababaihan, lalong lalo na sa iyong mga mahal sa buhay at mga kaibigan upang matulungan sila at malaman din ang mga impormasyon na ito na siyang patungkol sa paggamit ng mga napkins na ito at upang mabawasan nila rin nila ang paggamit nito para sa kanilang ikaliligtas.
RND Health Tips © 2019. All Rights Reserved.