Tulong - tulong po ang mga council ng Brgy 548 zone 54 na alisin ang mga pansamantalang naputol na sanga ng punong bumagsak sa kalsada ng Craig.
Salamat po sa mabilis na aksyon ng ating mga kagawad na sina Kagawad Donnie Ray, Kagawad Batang, BPSO Aone at Chairman Rogie Roxas.
Ingat po ang lahat.
Magandang Gabi Brgy 548
Nais lamang po namin na ipabatid sa inyo ang biglaan pagbuhos ng napakalakas na ulan ay nagdulot ng mataas na kabahaan sa paligid ng Maynila. Pati po sa ating nasasakupan ay naranasan ito.
Bunsod po nito ay nais din po namin ipaabot sa inyong kaalaman na hnd lamang po ito nangyari sa ating brgy bagkos ay maging sa ating mga karatig na kumunindad.
May mga bagay at pagkakataon po na di natin inaasahan na mangyayari pero po nangyayari at ang amin lamang po sanang hiling ay laging maging handa sa ano mang kaganapan at ng maiwasan natin ang sakuna.
Hindi po natin kontrolado ang bawat pangyayari kaya po ibayong pag iingat ang aming hiling sa ating nasasakupan.
Kami po mula sa pamunuan ng ating nasasakupang Brgy ay nagnanais ng kaligtasan sa bawat isa at sa ating mga pamilya.
Makakaasa po kayo na kami ay nakamasid din sa mga kaganapan sa ating kapaligiran at ipapa-abot natin sa mga kinauukulan ang ating nga hinaing ukol sa mga kaganapan.
Muli po mula sa pamunuan ng Brgy 548
Matiwasay na Gabi sa inyong lahat.
BARANGAY ASSEMBLY DAY 2022 AT BARANGAY HALL.
Magandang Umaga Brgy 548
May naganap na nakawan kaninang madaling araw sa kahabaan ng Craig street. Aksidenteng nakita ng ating constituent na si ate Ana Harina mula sa kanyang bintana ang mga magnanakaw kaya po agad niya itong sinigawan para mabugaw. At ang napuntirya ng magnanakaw ay ang kotse na nakaparada at pag aari ng isa sa nakatira sa 620. Ang kinuha sa kanya ay yung logo or emblem ng toyota ng kanyang nga gulong.
Maging mapagmatyag dahil di natin alam kung kailan aatake at susulpot ang mga mapagsamantalang mga nilalang na hulog ng impyerno.
Naka 2x beses pang naikutan ng tanod ang craig bago sumalisi ang mga loko.
Paulit-ulit po naming paalala sa inyo ang pag iingat gaya ng sa mga sasakyan ninyo.
Baka po may pagkakakilanlan kayo sa mga ito at ipagbigay alam lamang po sa barangay.
Maraming Salamat po at manatiling safe.
Salamat po muli kay ate Ana Harina sa agarang aksiyon niya para mataboy ang mga masasamang loob.πππππππ
Mabuhay po kayo!!!!