HappyNanay

HappyNanay Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from HappyNanay, Digital creator, Manila.

26/10/2024

ANG MULING PAGBANGON
A Donation Drive for Bagyong Kristine Victims in Sitio Paso and Mahabang Buhangin

Matapos ang matinding pananalasa ng Bagyong Kristine ang ating komunidad na kinabibilangan ng ating paaralan ay nahaharap sa tungkulin na muling ibangon at bigyang pag-asa ang mga apektadong pamilya lalo't higit ang mga mag-aaral na naninirahan sa Sitio Paso at Mahabang Buhangin, mga lugar na lubusang nasalanta ng matinding hangin, ulan at pagguho ng lupa.

Nakalulungkot na marami sa kanila ay nawalan ng tirahan, kabuhayan at ari-arian. Kung kaya't buong puso kaming lumalapit sa inyo upang sila ay matulungang makabangon at makapagsimulang muli.
Dagdag pa rito maging si Aya, ang ating bangka na katuwang natin sa pagbibigay ng accessible education para sa lahat, ay nawasak at kinakailangang muling maiayos para sa ating mga mag-aaral.

Maaari po kayong maging tulay ng pag-asa para sa aming mga mag-aaral at magpaabot ng inyong malasakit at pagmamahal sa pamamagitan ng in-kind o cash donation na kanilang kakapitan upang muling makabangon.

Maliit man o malaki, anumang tulong ay magbibigay kaluwagan sa mga nasalanta. Samahan po ninyo kaming maghatid ng LIWANAG sa mga mag-aaral at kanilang pamilya upang muli silang MAKABANGON at makahanap ng lakas sa ganitong kahirap na pagkakataon.

Para sa mga nais tumulong maari po kayong makipag ugnayan sa aming paaralan, hanapin po lamang ang aming SSLG President, Sean Laurence T. Maligalig at BNHS SRCY Council President, Aizel Jhovanna M. Anillo. Maari rin po kayong magpadala sa aming GCASH 09461755255 - Ro*e je*n R.

Maraming salamat sa inyong kabutihang loob.

27/09/2024
18/09/2024

HAPPY NATIONAL TEACHERS’ MONTH! πŸ₯³

Ipakita ang pasasalamat at pagmamahal para sa ating mga g**o, halina’t samahan ang Kagawaran ng Edukasyon mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, para sa makulay na pagdiriwang ng National Teachers’ Month 2024.

Nakatuon sa temang β€œTogether4Teachers,” ating ipagdiwang at kilalanin ang husay at walang katumbas na dedikasyon ng mga Pilipinong g**o na pangunahing katuwang ng DepEd sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral.

Makiisa sa pagbubukas ng NTM2024 ngayong araw, panoorin ang livestream ng Kick-Off Program sa DepEd Philippines official website, page, at YouTube Channel.

21/08/2024

On Ninoy Aquino Day, we remember the power of courage and conviction. Let his legacy remind us that true change begins with standing up for what we believe in, and that every act of bravery can inspire a brighter future.

my nonchalant friend πŸ’š
19/08/2024

my nonchalant friend πŸ’š

19/08/2024

TINGNAN: Dahil sa umiigting na banta ng volcanic activity ng Taal Volcano, naglabas si Secretary Sonny Angara ng memorandum kung saan binibigyan ang mga apektadong paaralan na magsuspindi ng klase kung hindi pa nag announce ang mga LGU nito.

Para sa learning continuity, ang DepEd ay nag-iinstruct na gumamit ng alternative learning modalities tulad ng modular at online learning upang maipagpatuloy pa rin ang pag-aaral sa public schools.

Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang DM 046, S. 2024 sa: https://www.deped.gov.ph/2024/08/19/august-19-2024-dm-046-s-2024-class-suspension-in-region-iv-a-and-the-national-capital-region-due-to-volcanic-smog-from-the-taal-volcano-eruption/

For your awareness
18/08/2024

For your awareness

18/08/2024

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π’πŽπŠ | Dahil sa patuloy na pagbuga ng volcanic smog ng Bulkang Taal at batay na rin sa rekomendasyon ng ating CDRRMO, atin hong sinususpinde ang klase bukas ika-19 ng Agosto, araw ng Lunes, sa lahat ng antas ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan.

Mariin ko hong inaabisuhan ang lahat na manatili sa loob ng inyong tahanan, isarado ang bintana at takpan ang anumang lagusan na pwede pagpasukan ng , mainam din na magsuot ng facemask o anumang proteksyon na makapipigil sa paglanghap ng vog. Stay safe mga kababayan!

18/08/2024

| As of 11:00 PM, KANSELADO na ang PASOK sa ilang bayan sa Ikatlong Distrito ng Batangas at karatig bayan dulot ng patuloy na pagbubuga ng Volcanic smog ng ating Bulkang Taal.

Ang mga sumusunod na bayan sa Ikatlong Distrito ay:

β€’ Tanauan City - (suspended, all levels)
β€’ Municipality of Laurel (Pre-school to Senior High School, all levels)
β€’ Sto. Tomas City (suspended, all levels)
β€’ Municipality of Balete (suspended, all levels)

Patuloy rin na inaabisuhan ang lahat na magsuot ng face mask upang maiwasan ang masamang maidudulot sa ating kalusugan.

Mag-iingat po tayong lahat!





For your awareness po
18/08/2024

For your awareness po

27/07/2024

After the devastation, cities and towns are now doing their best to recover from
the destruction of Typhoon Carina

27/07/2024
27/07/2024

This is so devastating!!!
The Aftermath of Typhoon Carina
Please pray for our country

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HappyNanay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share