
03/10/2024
You are a truly public servant💚💋✌️🫡
SULIT ANG PANGUNGULIT! IBINASURA NA ANG SINGLE PERIOD OF CONFINEMENT POLICY NG PHILHEALTH
Masaya si Senator B**g Go, Chairperson ng Senate Committee on Health, na nakinig ang PhilHealth sa hinaing ng maraming Pilipino na itigil na ang ipinapatupad nila na single period of confinement (SPC).
Nagbunga na ang paulit-ulit na panawagan ni Senator B**g Go sa PhilHealth, gayundin ang mga public hearings ng Senate Committee on Health na kanyang pinangungunahan.
Nitong Biyernes, September 27, napabalitang nagtipon ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) board para pag-usapan ang pagtatanggal sa polisiya. Ayon kay PhilHealth spokesman Israel Pargas, inaprubahan na ng board en banc ang pagtanggal sa SPC bilang pagsunod sa layunin ng Universal Health Care law.
Matatandaan na noong September 10, nangako si PhilHealth president AT CEO Emmanuel Ledesma Jr. na irerekomenda nila sa board na wakasan na ang polisiya na nagpapahirap sa mga Pilipino.
Maraming Pilipino ang matutulungan sa pagtanggal ng patakarang ito. Ang payo naman ni Senator B**g Go sa mga kapwa niya lingkod bayan, palaging aksyunan ang pangako, lalo na kung buhay at kalusugan ng ating mga kababayan ang nakataya.
**gGo
🇵🇭👊🏼