Army of Jesus

Army of Jesus You can only find real happiness and peace through JESUS Christ, our Lord and Savior

30/10/2024

SAAN KA ABALA NGAYON? Panginoong Hesus, tulungan mo po kaming gawin ang iyong kalooban dito sa lupa. Hindi mula sa aming sariling kakayanan o lakas, kundi dahil sa inyong banal na espiritu.

Matthew 7:21-23
21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22 Sa Araw ng Paghuhukom marami ang magsasabi sa akin, ‘Panginoon, hindi po ba't sa iyong pangalan ay nangaral kami, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga himala?’ 23 Ngunit sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi ko kayo kilala. Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan.’”

16/10/2024

SAAN KA ABALA KAPATID? Saan ka naka focus? Anong problema ang nagpipigil sayo upang makausad sa pagsunod sa kalooban ng iyong Ama na nasa langit? Lahat ng tinatamasa mo ngayon ay mawawala pagdating ng panahon, lahat ng iyong pinoproblema.

What truly matters is your life after all these things on earth

Hebrews 13:14 Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na lungsod natin, at ang hinahanap natin ay ang lungsod na darating.

Hebrews 13:14 For this world is not our permanent home; we are looking forward to a home yet to come.

07/10/2024

WALANG NANGYAYARI NA HINDI NIYA IPINAHINTULOT | Kapatid, huwag kang matakot. Alam niya ang ginagawa niya. Magtiwala ka sa kanya at gawin ang kalooban niya. Mahal na mahal ka ng Panginoon at ikaw ay mahalaga sa kanyang paningin, ito ay iyong panghawakan.

Mateo 10:29-31
29 Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:
30 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.
31 Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.

Matthew 10:29-31
29 What is the price of two sparrows—one copper coin[a]? But not a single sparrow can fall to the ground without your Father knowing it. 30 And the very hairs on your head are all numbered. 31 So don’t be afraid; you are more valuable to God than a whole flock of sparrows.

02/10/2024

PERFECT TIMING PALAGI ANG DIYOS | Kapatid, palagi nating tatandaan na alam ng Diyos ang pinagdadaanan natin ngayon at alam niya ang mangyayari bukas. Hindi siya nagkakamali sa kanyang mga panahon na itinakda. Sa panahon ng iyong paghihintay, paano mo ito gagawing kalugod lugod sa paningin niya? God wants the best for you, HE is for you and not against you. May plano ang Diyos, magtiwala ka kapatid :-)

Galacia 6:9
9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko.

Galatians 6:9
9 So let’s not get tired of doing what is good. At just the right time we will reap a harvest of blessing if we don’t give up.

30/09/2024

PAUSE KAPATID, LISTEN TO HIS VOICE AND FOLLOW | Maglaan ng oras upang basahin ang kanyang salita. Maaring hindi mo siya maintindihan ngunit walang imposible sa Diyos. Bibigyan ka NIYA ng pang-unawa at karunungan upang maintindihan mo ang gusto NIYANG sabihin sayo. Makinig sa KANYANG mga payo para sa buhay mo at buhay ng mga malalapit sa puso mo. HE knows your past, present and future. HE KNOWS EXACTLY WHAT YOU NEED, listen kapatid....

Heavenly Father, sorry if most of the time we just tell things that we want to tell you. Times, when we are so much in a hurry praying and not spending quality time with YOU. Now we are ready to listen and please enable us through the power of YOUR HOLY SPIRIT to follow YOU.... This we ask in the name of YOUR SON, JESUS... Amen. 'sWord

JOSHUA 1:8
8 Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.

JOSHUA 1:8
8 Study this Book of Instruction continually. Meditate on it day and night so you will be sure to obey everything written in it. Only then will you prosper and succeed in all you do.

22/09/2024

BAGONG PUSO, HINDI PA HULI ANG LAHAT | Kapatid, huwag mong hayaan na tumigas ang iyong puso. AGAPAN mo ang nanlalamig mong paglilingkod sa KANYA...Hayaan mong tulungan ka ng Panginoong Hesus. SIYA lamang ang makakapagpalambot muli ng iyong puso. Alam NIYANG marami kang pinagdaanan, maraming sakit, maraming kabiguan... Pero hayaan mong hilumin NIYA ang puso mo upang maintindihan mo lahat ng gusto NIYANG iparating at iparamdam sayo, ang naguumapaw na pagmamahal at presensiya NIYA...

EZEKIEL 36:26
26 Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin.

EZEKIEL 36:26
26 And I will give you a new heart, and I will put a new spirit in you. I will take out your stony, stubborn heart and give you a tender, responsive heart.

16/09/2024

BANGON SUNDALO, TANDAAN MO, IKAW AY SUNDALO NG PANGINOONG HESUS. Huwag kang maging abala sa walang kaugnayan sa pagiging kawal. Lord Jesus, help us to make you smile each day

2 Timothy 2:3-4
3 Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus. 4 Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno.

2 Timothy 2:3-4
3 Endure suffering along with me, as a good soldier of Christ Jesus. 4 Soldiers don’t get tied up in the affairs of civilian life, for then they cannot please the officer who enlisted them.

10/09/2024

HUWAG KANG MAKAKALIMOT SA PANGINOON SA IYONG KASAGANAAN | Thank you Jesus for all the blessings, provision and protection. 'sLove 'sAllHim

DEUTORONOMY 8:15-17
15 Siya ang pumatnubay sa inyo sa inyong paglalakbay sa malawak at nakakatakot na ilang na puno ng makamandag na mga ahas at alakdan. Nang wala kayong mainom, nagpabukal siya ng tubig mula sa isang malaking bato. 16 Kayo'y pinakain niya roon ng manna, isang pagkaing hindi ninyo kilala. Pinaranas niya kayo ng hirap para kayo'y subukin, at turuang magpakumbaba; ang lahat ng iyo'y sa ikabubuti rin ninyo.
17 Kaya, huwag na huwag ninyong iisipin na ang kayamanan ninyo'y bunga ng sariling lakas at kakayahan.

DEUTORONOMY 8:15-17
15 Do not forget that he led you through the great and terrifying wilderness with its poisonous snakes and scorpions, where it was so hot and dry. He gave you water from the rock! 16 He fed you with manna in the wilderness, a food unknown to your ancestors. He did this to humble you and test you for your own good. 17 He did all this so you would never say to yourself, ‘I have achieved this wealth with my own strength and energy.’

02/09/2024

GIVE OTHERS WHAT THEY TRULY NEED | Gusto mo ba talagang makatulong sa iyong kapwa? Ibahagi sa kanila ang mabuting balita. Ibahagi sa kanila kung ano ang ginawa ng Panginoong Hesus sa krus. Ibahagi sa kanila ang pagmamahal ng Diyos. Ang tao ay limitado, ang Panginoon ay hindi kailanman nagkulang at magkukulang. Ang Panginoon ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan at sagana sa kabutihan

ACTS 3:6
6 Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala akong pilak o ginto, ngunit kung ano ang mayroon ako ay siya kong ibibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad.”

ACTS 3:6
6 But Peter said, “I don’t have any silver or gold for you. But I’ll give you what I have. In the name of Jesus Christ the Nazarene, get up and walk!”

HINDI MO NABA MAPIGILAN ANG PAGSUSUGAL? | Palagi mo bang iniisip na makakabawi ka? Palagi mo bang iniisip na kaya mo nam...
29/08/2024

HINDI MO NABA MAPIGILAN ANG PAGSUSUGAL? | Palagi mo bang iniisip na makakabawi ka? Palagi mo bang iniisip na kaya mo naman makontrol ang sarili mo? Sa Panginoong Hesus ka kumapit kapatid, kaya niyang baguhin ang takbo ng buhay mo.

Proverbs 21:5
Good planning and hard work lead to prosperity,
but hasty shortcuts lead to poverty.

Panuorin ang buong video upang inyong malaman. 😊 ...

28/08/2024

ANG DIYOS AY TAPAT | Ano ang hindi niya kayang ibigay sa'yo ng masagana ng naaayon sa kalooban niya?
:16

ROMANS 8:32
32 Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay?

ROMANS 8:32
Since he did not spare even his own Son but gave him up for us all, won’t he also give us everything else?

27/08/2024

HINDI KA GUSTO IPAHAMAK NG PANGINOON | Kagustuhan ni Hesus na magkaroon ka ng buhay na walang hanggan kasama siya. Tatanggapin mo ba ang buhay na nais niya para sayo? Binibigyan ka niya ng pagkakataon tumalikod sa kasalanan at lumapit sa KANYA

2 Peter 3:9
9 Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako gaya ng inaakala ng ilan. Sa halip, nagbibigay siya ng pagkakataon sa lahat sapagkat hindi niya nais na may mapahamak, kundi ang lahat ay makapagsisi at tumalikod sa kasalanan.

2 Peter 3:9
9 The Lord isn’t really being slow about his promise, as some people think. No, he is being patient for your sake. He does not want anyone to be destroyed, but wants everyone to repent.

26/08/2024

GUSTO MO MANALANGIN PERO MAY GALIT KA SA PUSO? Isuko mo sa Panginoon ang iyong nararamdaman, magpakumbaba at humingi ng tawad kung ikaw ay may nasaktan. Huwag ng makipagtalo pa dahil nakikita naman ng Panginoon ang lahat ng bagay.

1 TIMOTHY 2:8 Ibig ko ngang ang mga tao'y magsipanalangin sa bawa't dako, na iunat ang mga kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo.

1 TIMOTHY 2:8 Therefore I want the men everywhere to pray, lifting up holy hands without anger or disputing.

21/08/2024

IKAW BA AY NAWAWALA? MATAGAL KA NA NIYANG HINAHANAP KAPATID | Ganito ang pagmamahal sayo ng Diyos. Ibinigay niya ang kaisa-isa niyang anak upang bayaran ang iyong mga kasalanan at makasama ka magpakailanman. Tatanggapin mo ba ang kaligtasan at panibagong buhay na binibigay niya sayo?

Matthew 18:12-14
12 “Ano sa palagay ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung nawala ang isa sa mga iyon? Hindi ba't iniiwan niya ang siyamnapu't siyam na nasa bundok upang hanapin ang naligaw? 13 Tandaan ninyo: kapag ito'y kanyang natagpuan, higit niyang ikagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw. 14 Gayundin naman hindi ayon sa kalooban ng inyong Ama na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”

Matthew 18:12-14
12 “If a man has a hundred sheep and one of them wanders away, what will he do? Won’t he leave the ninety-nine others on the hills and go out to search for the one that is lost? 13 And if he finds it, I tell you the truth, he will rejoice over it more than over the ninety-nine that didn’t wander away! 14 In the same way, it is not my heavenly Father’s will that even one of these little ones should perish.

19/08/2024

LIFE IS SHORT, LET JESUS WORK IN YOUR LIFE | Kapatid, saan mo ginugugol ang iyong oras? Ano ang mga pinagkakaabalahan at iniisip mo? Paano mo ginagastos ang biyaya na binibigay sayo ng Panginoon? Saan napupunta ang kakayahan na binigay NIYA sayo at paano mo binabalik ang lahat ng ito sa paglilingkod sa KANYA? Lord JESUS, tulungan mo kami na mamuhay ng ayon sa kalooban mo. 'sPlanIsTheBest

Matthew 7:21 “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Matthew 7:21
“Not everyone who calls out to me, ‘Lord! Lord!’ will enter the Kingdom of Heaven. Only those who actually do the will of my Father in heaven will enter.

17/08/2024

HANGGAT MAY ORAS PA KAPATID, BUMALIK KA NA SA KANYA | Hindi mo alam kung mayroon ka pang matatawag na bukas. Tutulungan ka NIYA upang talikuran ang mga hindi nakalulugod sa KANYA. Alam NIYA na hindi mo ito kaya, ngunit makakayanan mo sa pamamagitan ni Hesus 'sTooLate 'sHolySpirit

ISAIAH 55:6-7
6 Hanapin mo si Yahweh habang siya'y matatagpuan,
manalangin ka sa kanya habang siya'y malapit pa.
7 Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama,
at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko.
Sila'y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan;
at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.

ISAIAH 55:6-7
6 Seek the Lord while you can find him.
Call on him now while he is near.
7 Let the wicked change their ways
and banish the very thought of doing wrong.
Let them turn to the Lord that he may have mercy on them.
Yes, turn to our God, for he will forgive generously.

16/08/2024

WALANG DISIPLINA NA HINDI MASAKIT, PERO ITO ANG PATUNAY NA ANAK KA NIYA | Kapatid, kumusta ang puso mo ngayon? Ginagawa niya ang nararapat sayo kasi mahal ka niya at ayaw ka niya muling mapahamak. Alam niya ang buong pagkatao mo at alam niya ang mangyayari bukas. Alam niya ang makakabuti sa'yo. Pagtuunan ng pansin kung ano ang mabuting idudulot nito sa buhay mo at mas piliing bumangon at matuto.

Hebrews 12:6-8
Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,
at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”

7 Tiisin ninyo ang lahat ng hirap tulad sa pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y tinatanggap ng Diyos bilang tunay niyang mga anak. Sinong anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama? 8 Kung ang pagdidisiplina na ginagawa sa lahat ng anak ay hindi gagawin sa inyo, hindi kayo tunay na mga anak kundi kayo'y mga anak sa labas.

Hebrews 12:6-8
6 For the Lord disciplines those he loves,
and he punishes each one he accepts as his child.”
7 As you endure this divine discipline, remember that God is treating you as his own children. Who ever heard of a child who is never disciplined by its father? 8 If God doesn’t discipline you as he does all of his children, it means that you are illegitimate and are not really his children at all.

15/08/2024

HUWAG KA NG BUMALIK SA DATI MONG PAMUMUHAY | Kapatid, binago ka na ng Diyos. Humingi ng tulong sa kanya upang mamuhay ng naayon sa kanyang kalooban.

Ephesians 4:21-24
21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutunan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.

Ephesians 4:21-24
21 Since you have heard about Jesus and have learned the truth that comes from him, 22 throw off your old sinful nature and your former way of life, which is corrupted by lust and deception. 23 Instead, let the Spirit renew your thoughts and attitudes. 24 Put on your new nature, created to be like God—truly righteous and holy.

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Army of Jesus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Army of Jesus:

Share