04/01/2025
Namaalam na ang pinakamatandang tao sa buong mundo sa edad na 116, ayon sa ulat ng international news agency na Reuters ngayong Sabado, January 4.
Kinilala ng Guinness World Records ang Japanese na si Tomiko Itooka, na ipinanganak noong May 23, 1908, bilang oldest person in the world noong August 2024.
Ayon sa ulat, noong December 29 pa pumanaw si Itooka, habang nananatili sa isang nursing facility sa lungsod ng Ashiya.
Sa kanyang pagpanaw, ang 116-anyos na Brazilian na si Inah Canabarro Lucas na ang pinakamatandang tao sa buong mundo. Mas bata siya nang 16 na araw kay Itooka.