11/01/2024
Ngayon, alam ko na kung bakit trending 'tong Rewind.
1. Pinapaalala ng pelikulang 'to na ang lahat ng bagay dito sa mundo, hindi mo madadala sa hukay. Awards at recognitions mo sa office? Hanggang dito lang 'yan. Talino mo? Itsura? Kukupas 'yan. Sa huli, ang maaalala sa'yo eh kung paano mo tintrato ang mga tao sa paligid mo; ang asawa mo; ang pamilya mo.
2. Pinapaalala ng pelikulang 'to na napakaiksi ng buhay. Life is shorter than what you think. Malakas ka ngayon, pero baka bukas, wala ka na. Kaya live better; love better. Magpatawad kasi lahat naman, nagkakamali.
3. Pinapaalala ng pelikula na 'to na mahalin mo pamilya mo. Bigyan mo sila ng oras. Hindi pwedeng mahal mo ang isang tao pero wala kang oras para sa kanila. Umuwi ka sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay nila. Yakapin mo asawa mo sa umaga at sa gabi. Kiss mo anak mo. Kumain kayo sa labas. Celebrate life with them.
4. Pinapaalala ng pelikula na ito na hindi sa lahat ng oras, may second chance. Kaya gawin mo na lahat. Don't hold back in loving and in forgiving. We are not guaranteed of tomorrow. At kung sakaling bigyan ka man ng second chance, huwag mong sayangin. Itama mo ang mali. Matuto ka. Maging mabuti kang tao.
5. Ito yung pinaka gusto ko: "Have Faith". Magtiwala ka, kahit sa mga oras na ang hirap magtiwala. Even death has a reason. Even the misfortunes in life have reasons. Na bakit ina-allow ng Diyos yung mga masasakit na bagay na mangyari, may dahilan at Siya nalang ang nakakaalam.
Sabi nga sa Romans 8:28, "All things work together for good to them that love God, to them who are the called according to his purpose."
***
All in all, the movie is a great movie. To be honest, yung plot was not really new. Malamang, napanood na natin ito sa mga Korean series or Western movies. But it hits different because it was applied in Filipino humor and emotions. The cast was perfect. Dingdong and Marian are husband and wife in real life. The pambansang bestfriend, Joross Gamboa, never disappoint.