SEA SALDY

SEA SALDY Travel Vlog, Seaman Life Onboard,Journey

31/07/2024

POV: Nahuli ka ni C/O nag Seselpon sa Gangway🤣

22/01/2024

Minsan mapapa isip kanalang bakit ako nag seaman🤔.
Pero kapit lang tumataas ang dollar💸


17/01/2024

ISANG LINGO WALANG KAPITAN

A long post⚠️⚠️⚠️

A week ago sinubukan ko kung ano ang magiging reaction ng crew if walang kapitan sa barko.I tried to keep on myself wala akong pinagsabihan ni isa even my family and crew onboard.It is an understudy if what will be the effect sa crew kung walang kapitan sa barko. Pero literal ilI just do my job pagkatapos nun eh kabina na agad.Ang tahimik ng paselyo.Ung maingay na rinig mo ung tawa ay napalitan ng katahimikan.Its a bold move when i didnt dine with them nung sunday na usually yan ung araw na sabay sabay kami kumakain walang Officers and ratings.Tulungan maihanda ang hapunan at yan ung paalala na natapos na nmn ang lingo.

Lumipas ang mga araw at nagsasabi c chief mate na sir hinahanap ka na ng mga tao.Hindi ka na raw nila nakikita.Tinataon ko na pag balik trabaho na ang lahat ay un ang time na kakain na ako sa officers messroom pero minuto lng un then balik agad sa bridge or sa room ko.

Sabi ko sa sarili ko kaya nmn pala na maging kapitan na kapitan ka lng then walang compassion or interaction sa crew .Pero mahirap din pala pag hindi yan un ung ugali mo.

I recieved numerous chat from the crew sa messenger checking on me if ok lng ako.Namiss na raw nila na wala na ung masayahin na kapitan na pakalat kalat sa barko.Pero wala akong nireplayan.Focus sa goal na 7 days.

On the 6th day d na talaga napigilan ni CE at kinatok ako sa room.Chineck nya muna sa bridge kung andun pa ako or nakababa na.Unang katok sir usap tau. Sabi ko pasok.Pag pasok sabay sabi may problema ka ba sa amin.Hindi ka pa kumakain. At aun biglang tumulo ang luha.Hindi na nakayanan ang bigat ng damdamin. Sabay sabi ko wala sir.May tinatapos lng ako na series sa netflix kaya d ako bumababa or nagpapakita.Ang bigat sa araw araw na nag uusap ang crew kung kamusta ka na. Kung meron ka ba problema sa pamilya,lovelife or sa amin.Sabay tumawa ako.Sabi nya prank ba to?Akala ko dalawa tau mang prank.Natawa tuloy ako basta sabi ko dont worry sir walang problema sasabay ako kakain sa lingo. Mamaya samahan kita sa dinner.Ung bigat ng naramdaman nya ay napalitan ng saya.

On the next day, isang crew attempt to talk to me na ratings.Pagkakatok sir pwedi ka makausap.Sabi ko pasok. Aun chineck nya lng if ok ako if meron ba ako problema.Sabi ko nmn na ok ako.Sabay naluha rin.Hindi raw sila sanay na isang lingo walang presence ng kapitan.Ang kapitan na approchable at masayahin ay hindi na nila nakikita. Sabi ko just do your job well and tell all the crew na ok ako.

After that talk sabi ko tapusin ko na ang isang lingo na walang kapitan. Dinner time and nagmamasid ang crew na may papasok na kapitan sa messroom and aun dumating nga ako.Kita mo ung pagod sa sa mga mukha nila na napalitan ng saya.Namiss ko rin pagmumukha ng lahat. Usual prayer ni inday na first time nya na kinaban mag lead ng prayer. at aun balik sigla na nmn ang barko.Then biggest loser kick off as per our activities onboard.

My realization after one week of being a captain na trabaho lng ang ginawa ko without checking my crew. Iba pala impact nya sa mental health .A lot of them thinking kung ano ba mali na nagawa nila. Mas nakakapagod ang mag isip over sa physical na trabaho. Ang tagal ng araw pag hindi maaus ang samahan sa barko. Nakasalalay sa kapitan ang kaausan ng barko.If you treat the ship like a home mararamdaman mo talaga ang pamilya sa barko. Marahil marami pa rin sa ibang barko ang nakakaexperience ng wala sa aus na kapitan.Authoritarian,Corrupt,Mayabang or sometimes bully.Iba ung effect nya na stress sa barko.Ever wonder why marami rin nadidiscourage na crew mag barko or ung iba nawawala dahil sa hindi na magandang management onboard. If wala kang kwentang tao or hindi maaus ang ugali sa barko they will not care for you.

So i hope na this understudy will reflect on how captain manage and lead the ship. Because if hindi maaus ang pamamalakad sa barko u cannot sail the ship safely to its destination.

KUDDOS TO ALL PANGANAY NA NAG SUSUMIKAP PARA SA PAMILYA.
23/12/2023

KUDDOS TO ALL PANGANAY NA NAG SUSUMIKAP PARA SA PAMILYA.

20/12/2023

"Isa sa pinaka masayang araw ng isang seaman ay ang matapos ang kontrata at maka uwi ng buo sa pamilya."

Salamat sa masayang samahan mga Papss.
Alam nating hindi ito ang huling pag sasama natin kita kitss ulit soon🫡.

Enjoy sa bakasyon⚓️✈️



Disclaimer: No intention for copyright infringement , credit to rightful owner of the music.
Song Title: Salamat
By: The Dawn | Tropavibes Reggae

Address

Manila City
Manila
1012

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SEA SALDY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SEA SALDY:

Videos

Share

Category