๐ƒ๐จ๐œ.๐–๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ž ๐Ž๐ง๐  - ๐Œ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐ˆ๐ง ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐‡๐ž๐š๐ญ๐ก ๐Ÿ

  • Home
  • Philippines
  • Manila
  • ๐ƒ๐จ๐œ.๐–๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ž ๐Ž๐ง๐  - ๐Œ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐ˆ๐ง ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐‡๐ž๐š๐ญ๐ก ๐Ÿ

๐ƒ๐จ๐œ.๐–๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ž ๐Ž๐ง๐  - ๐Œ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐ˆ๐ง ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐‡๐ž๐š๐ญ๐ก ๐Ÿ 17M followers โ€ข 28 following
Kilie Padilla, and 2.710.895 others rated itโญ๏ธโญ๏ธโญ๏ธโญ๏ธโญ๏ธ(4.9/5)

1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal.2. Kumain ng...
17/05/2024

1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal.
2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.
3. Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan.
4. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.
5. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay โ€“ Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.
6. Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.
7. Magkaroon nang mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.
8. Makipag-sex (sa iyong asawa o partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero napatunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at nakababawas din sa stress.
9. Umiwas sa bisyo at peligro.
10. Matulog ng 7-8 oras bawat araw.
11. Mag-ehersisyo.
12. Mag-alaga ng a*o. Nagbibigay ng pagmamahal ang a*o sa kanyang amo.
13. Magsipilyo ng 3 beses bawat araw. Gumamit din ng dental floss.
14. Magpabakuna. May mga bakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trangka*o, at iba pa.
15. Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot o supplement. Mas mainam na magtanong sa 2 doktor para makasiguro na tama ang iyong iniinom.
16.Alamin ang mga sakit sa pamilya at gumawa ng paraan para maiwasan ito. Halimbawa, kung may lahi kayo ng sakit sa puso, magpasuri nang maaga sa doktor.
17. Uminom ng 8-10 ba*ong tubig araw-araw.
18. Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.
19. Umiwas sa usok ng sigarilyo.
20. Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.
21. Huwag magretiro. Laging ituloy ang iyong trabaho.

1. Malakas kumain at may katabaan - Alam natin na masama ang pagiging mataba dahil puwede itong magdulot ng sakit sa pus...
17/05/2024

1. Malakas kumain at may katabaan - Alam natin na masama ang pagiging mataba dahil puwede itong magdulot ng sakit sa puso, high blood at diabetes. Ayon sa mga pagsusuri, ang pagbabawas ng kinakain ay puwedeng makahaba ng buhay. Paniniwala ng ilang eksperto na ang pagbabawas ng 20% sa iyong kinakain ay puwedeng makabawas sa mga toxins (dumi) sa iyong katawan. Kahit sa Bibliya ay itinuturo ang fasting at pag-iwas sa ilang pagkain. Piliin ang pagkaing masustansya at hindi nakatataba. Bawasan ang karne at damihan ang gulay, prutas at isda. Ang mga masustansyang gulay ay ang broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, malunggay, spinach, talong, okra at talbos ng kamote. Sagana ito sa vitamins, minerals at iba pang healthy na sangkap.
2. Takaw aksidente ang bahay โ€“ Kaibigan, huwag maging pabaya sa inyong kaligtasan. Ayon sa mga datos, mas madalas ang aksidente sa loob ng bahay kaysa sa labas. Kadalasan ay nadulas sa banyo o kuwarto. Para makaiwas sa aksidente: (1) Maglagay ng hawakan sa banyo, (2) maglagay ng plastic mat para hindi madulas sa banyo, (3) ayusin ang sirang hadgan at sahig, (4) alisin ang harang o kalat na puwedeng makatisod, (5) ipasuri ang mga kuryente at doorbell, at (6) siguraduhing nakakandado ang mga pintuan sa gabi.
3. Hindi tumutulong sa komunidad โ€“ Minsan ay tinatamad tayong sumali sa mga proyekto ng ating komunidad. Pero ayon sa pagsusuri, ang pagtulong sa komunidad ay nakahahaba raw sa ating buhay. Ayon sa pagsusuri ng 3,617 katao ni Professor Peggy Thoits ng Vanderbilt University, ang mga taong matulungin ay mas masaya sa buhay, mas may kumpyansa sa sarili at mas malusog ang katawan. Kapag tayoโ€™y tumutulong sa kapwa, gagawa ang ating katawan ng endorphins, isang kemikal na nagpapasaya sa atin. Ang pagtulong sa komunidad ay posibleng magbigay ng inspirasyon at sigla. Gusto nilang maging malusog dahil mayroon silang layunin sa buhay.

Kung madalas makaranas ng para bang pagod palagi o sobrang pagkapagod, maaari makaramdam ng pag-aalala sa ganitong kondi...
17/05/2024

Kung madalas makaranas ng para bang pagod palagi o sobrang pagkapagod, maaari makaramdam ng pag-aalala sa ganitong kondisyon. Ang pagod ay pwede ding sintomas ng ibang mga sakit na kailangan gamutin.
Karaniwang dahilan ng physical fatigue o pagod:
1. Hindi maayos na pagkain o wala sa oras ang kain.
2. Kulang sa tulog
3. Ang mga gamot tulad ng gamot sa kirot (pain relievers), gamot sa ubo, sipon, pang-allergy ay maaaring dahilan.
4. Dehydration o kakulangan sa tubig
5. Mainit na panahon
Ngunit ang pagod ay maaaring sintomas din ng ibang sakit tulad ng:
1. Anemia o mababang bilang ng red blood cell
2. Cancer
3. Low thyroid activity o mahina ang thyroid
4. Diabetes
5. Malalang impeksyon
6. Alcoholic
7. Sakit sa puso
8. Rheumatoid arthritis
9. Problema sa pagtulog tulad ng paghilik at sleep apnea
10. Electrolyte imbalance o pagiging mataas o mababa ang potassium at sodium sa dugo.
Kumonsulta sa inyong doktor para masuri maigi. แบจn bแป›t
Bรฌnh luแบญn

Address

Quezon City
Manila
900

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐ƒ๐จ๐œ.๐–๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ž ๐Ž๐ง๐  - ๐Œ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐ˆ๐ง ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐‡๐ž๐š๐ญ๐ก ๐Ÿ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ๐ƒ๐จ๐œ.๐–๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐ž ๐Ž๐ง๐  - ๐Œ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐ˆ๐ง ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐‡๐ž๐š๐ญ๐ก ๐Ÿ:

Share

Nearby media companies