Nakakasilaw na break light, nakunan ng video.
Aesthetic man sayong paningin pero disgrasya naman ang posibleng abutin ng nasa likod mo.
Kuha ito ng isa sa mga kasama dito sa Inside Features na kung saan kita na ang tricycle na ito ay binabagtas ang kahabaan ng Bacarra Road sa Syudad ng Laoag.
Ang tricycle na ito ay gumagamit ng projector lamp bilang signal light at break light at diretso din nitong sinisilaw ang mga nasa likod na driver.
Nanawagan ang ibang motorista na sana ay maging mas mahigpit sa pagpapatupad ang ating mga traffic enforcers o di kaya ay mga pulis.
Kung sino man po nakakakilala sa may-ari ng tricycle na ito, maari po ninyong imessage ang page na ito at magbibigay kami ng reward.
Traffic Situation in Laoag City.
Traffic Situation sa #Laoag City.
#Undas2022 Bacarra
Sitwasyon sa Bacarra Public Cemetery sa Ilocos Norte.
#Undas2022
Aglipay Cemetery
Sitwasyon sa Aglipay Cemetery kaninang alas-kwatro sa Laoag.
#Undas2022
Pagudpud, Ilocos Norte.
LOOK: Sitwasyon sa Sitio Banquero, Pagudpud Ilocos Norte.
Nararanasan Ang pabugsobugsong lakas ng ulan at malakas na hangin sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.
Sta. Monica Church aftermath
LOOK | Napinsala ang kampanaryo at ilang bahagi ng lumang kombento at Simbahan ng Sta. Monica sa Sarrat, Ilocos Norte pagkatapos ang malakas na pagyanig na sumentro sa Abra.
Pinatayo ang simbahan at torre noong 1779. Ngunit bago pa tumayo ang simbahan ay may kumbento na rito mula 1769 na nagsilbing pansamantalang simbahan. Nasunog noong 1816 at nagpatayo ng bagong kombento ngunit nasunog ulit ito noong 1882. Nagpatayo ng ikatlong kombento na natapos noong 1896.
Noong ika-17 ng Agosto taong 1983, tumama ang 7.6 na lindol sa Ilocos Norte at nasira ang altar, ang harapan ng simbahan at pinatumba ang kampanaryo. Unti-uniting inayos ngunit hindi na naibalik ang orihinal na itsura ng harapan ng simbahan.
Center Barricade ng LGU San Nicolas
Exclusive na ipinarating sa inside features ng isang source ang nangyayari sa dulo ng mga linagay na barikada sa gitna ng National Highway ng Bayan ng San Nicolas Ilocos Norte ang ginagawa ng mga ilang motorista pagkalagpas sa center barricade.
Aton sa source, nagiging sanhi daw ito ng disgrasya minsan dahlil wala raw di umano traffic enforcer sa lugar. Ayon sa mga nasa malapit sa area mas nagdudulot daw ng trapiko ang center barricade.
Sa ngalan ng patas na pamamahayag kinukuha pa natin ang panig ng LGU sa bagay na ito.
Drag Race sa Laoag City
DRAG RACE SA BY-PASS ROAD LAOAG CITY
Pinarating satin ang video ng dalawang kotse na di umano nagsasagawa ng drag race sa By-Pass Road sa syudad ng Laoag noong ika-30 ng Agosto ngayong taon na to.
Ayon sa isang source, nagkaroon pa ng habulan sa pagitan ng mga otoridad at mga dumalo sa drag race ngunit nakatakbo daw di umano ang mga 'to.
Ang mga drag race na ito ay napaka-delikado dahil hindi lamang mga sarili nila ang kanilang pinapamahak kundi pati na rin ang mga ibang motorista.
Sinisikap pa naming makuha ang pahayag ng PNP sa naturang video.
#Mayor Miguel Hernando
Mayor Miguel Hernando ng Bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte, may open door policy sa munisipyo na kung saan lahat ng mamamayan ay maaring magbigay ng suhestyon o reklamo. Agad namanh inaaksyonan ng naturang mayor ang mga suhestiyon o reklamo.
#Habagat #Hinnamnor
LOOK | Epekto ng habagat na pinalakas ni bagyong #Hinnamnor sa San Nicolas, Ilocos Norte bandang 4:40 ng umaga.
#Viral ngayon sa social media ang pambubog ng isang lalake sa isang Special Needs Child.
Exclusive na pinarating ng pamilya ng biktima ang bidyo ng isang special needs child na pinagtripan at binugbog daw di umano ng isang alyas Angelo Junior sa Pagudpud Ilocos Norte.
Sa bidyo maririnig na tumatawa pa ang kasama ng suspek na kung saan ay maaring ito ay plinano talaga at sinadya.
Ang naturang insidente ay ipinarating na raw sa himpilan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa Pagudpud, Ilocos Norte at sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng naturang stasyon ngunit wala parin hanggang sa kasalukuyan.
Sinadya ng Inside Features na takpan ang pagkakakilanlan ng biktima bilang respeto sakanya.
*This is a developing story.
Sa Bayan ng Pasuquin Ilocos Norte
Tinangay ng hindi pa nakikilalalang holdaper ang hindi bababa sa isan daang libong piso na pera ng 67 gas station na matatagpuan sa Barangay Naglicuan, Pasuquin, Ilocos Norte.
Ayon sa Cashier ng naturang Gas Station, Pasara na dapat ito nang biglang pinasok ito ng suspek. Biglang hinawakan ang kamay ng biktima habang nakatutok naman sa kanyang leeg ang dalang patalim ng suspek.
Pagkakuha ng holdaper ng pera ay agad itong umakyat sa bakod ng naturang gas station at tumakbo pakanluran sa may bukiran.
Hindi raw namukhaan ng biktima ang suspek ngunit nasa pagkitan daw ng 5' to 5"3 ang tangkad ng naturang suspek at hindi kalakihan ang pangangatawan.
Agad namang rumesponde ang kapulisan ng Pasuquin at agad na tumawag ng SOCO upang iproseso ang naturang crime scene.
Patuloy naman na hinahanap ng kapulisan ang suspek.
Pasuquin, Ilocos Norte
Dumating na sa 67 Gas Station sa Naglicuan, Pasuquin, Ilocos Norte ang mga kawani ng Scene of the Crime Operative at kasalukuyang nangangalap ng mga ebidensya.
Matatandaan na pinasok ng isang lalake ang 67 Gas Station kaninang alas-otso ng gabi. Tinutukan ng kutsilyo at nagkasugat pa ang kahera ng naturang gas station. Ayon sa kapulisan, ang suspek ay diumano umakyat sa bakod ng naturang gasolinahan at tumalon. Tumakbo na raw diumano ito pakanluran sa kabukiran.
Tinatayang nasa 5' hanggang 5'2" ang suspek at may katamtamang laki ang katawan.
Holdup sa Pasuquin, Ilocos Norte.
BREAKING | Gas Station sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte nilooban ng hindi pa nakikilalang holdaper.
Ayon sa Cashier natangay ng holdaer ang 117K mula sa kaha ng naturang gas station, hinawakan ang cashier sa kamay at tinutukan ng kutsilyo sa leeg ng suspek. Nagtamo naman ng sugat ang naturang cashier.
Agad namang rumesponde ang kapulisan ng Pasuquin at kasalukuyang nagsasawaga na ng imbestigasyon.
LOOK | Pahayag ni Provincial Director Col. Suriben ng Ilocos Norte Police Provincial Office patungkol sa pagkakabaril ng isang babae at bata sa Pagudpud, Ilocos Norte.
Ayon sa PD, nahuli daw ang suspect sa manhunt operation. Kasalukuyan pang pinaghahanap ang kasama ng suspect sa pamamaril.
LOOK | Security Guard ng Department of Public Works and Highways, First Engineering District, Ilocos Norte nahuli sa buy-bust operation na isinagawa ng mga kawani ng Laoag City Police Station.
Video Credits to Bombo Radyo Laoag.
Inauguration and Oathtaking Ceremony of Ferdinand Alexander Marcos or popularly known as #Sandro #Marcos on June 27, 2022 at Laoag City Centennial Arena.
Sandro is the son of the President-Elect #Ferdinand Marcos Jr. who is also to take oath at the National Museum on June 30, 2022.
Inauguration and oath-taking ceremony of Ferdinand Alexander Marcos or popularly known as #Sandro #Marcos.
Sandro is the son of President-Elect #Ferdinand Marcos Jr. who is also set to take his oath at the National Museum on June 30, 2022.
Inauguration of Ferdinand Alexander Marcos, popularly known as Sandro Marcos, as Congressman of the 1st District of Ilocos Norte. #Sandro is the son of President-Elect #Ferdinand #Marcos Jr. who is set to
Senator #Imee #Marcos: Yes Good Morning Karen, it's nice to see you're still here in the Philippines.
#Karen #Davila: (Laughs) First of all congratulations...
Senator Imee Marcos: Akala ko mag ma-migrate ka 'pag nanalo ang Marcos.
Karen Davila: Hoping always for the best for the country. (inaudible)
Senator Imee Marcos: Thank you very much, we need that... Uniteam.
Source: Contributed Screen Recorded Video. Original video deleted from original source.