01/01/2025
Miyerkules, Enero 1
May inilalabas na lalaking patay, ang kaisa-isang anak ng isang babae. At biyuda na ang babae.—Luc. 7:12.
Pansinin na “nang makita” ni Jesus ang nagdadalamhating nanay, “naawa siya rito.” (Luc. 7:13) Pero hindi lang basta naawa si Jesus; nagpakita rin siya ng malasakit. Kinausap niya ang babae sa mabait na paraan at sinabi: “Huwag ka nang umiyak.” Pagkatapos, may ginawa si Jesus para sa kaniya—binuhay niyang muli ang anak at “ibinigay siya ni Jesus sa kaniyang ina.” (Luc. 7:14, 15) Ano ang matututuhan natin sa himala ni Jesus? Dapat tayong magpakita ng malasakit sa mga namatayan. Matutularan natin ang malasakit ni Jesus sa mga namatayan kung aalamin natin ang sitwasyon nila. Madarama nilang nagmamalasakit tayo kung papatibayin natin sila at tutulong tayo sa abot ng makakaya natin. (Kaw. 17:17; 2 Cor. 1:3, 4; 1 Ped. 3:8) Malaki ang maitutulong kahit ng mga simpleng salita at kabaitan sa kanila.