105.9 True FM

105.9 True FM Awarded as Philippine's Best FM Radio Station of the year! Kaya dito na tayo sa totoo!

Programs that tackle news and public affairs, news personalities and newsmakers, shakers and movers, entertainment, health, sports, business, finance, life and inspiration.

03/02/2025

Mayroong mangilan-ngilang kaso ng bird flu sa bansa, ayon kay Gregorio San Diego, chairman ng Philipine Egg Board Association.

Giit ni San Diego, mayroon namang bakuna na maaaring magamit para labanan ang sakit sa mga manok.

Panoorin ang naging buong panayam kay San Diego sa aming FB Page at Youtube channel ng News5Everywhere.

03/02/2025

Pinabulaanan ni Gregorio San Diego, chairman ng Philippine Egg Board Association, ang sinasabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na tila magkakaroon ng shortage sa itlog sa buwan ng Abril ngayong taon.

Ayon kay San Diego, base sa kanilang forecast, marami ang itlog sa bansa at nakita nila ito dahil bumababa na ang presyo nito sa mga pamilihan.

Panoorin ang naging buong panayam kay San Diego sa aming FB Page at Youtube channel ng News5Everywhere.

03/02/2025

Isang miyembro ng BINI, babaklas na raw? Maris Racal at Anthony Jennings, grabe ang kissing scene. Willie Revillame, ano na ang plataporma?

Tutok na sa sa One PH, TRUE FM, at Cignal Play App.

03/02/2025

Humarap sa mga batikang mamamahayag si COMELEC Chairman George Gacia. Sinagot niya ang ilang isyu bago ang .

03/02/2025

Tutol si COMELEC Chairman George Garcia sa mga political dynasty. Aniya, napagkakakitaan ang oportunidad na magsilbi sa bayan.

03/02/2025

Imbitado ang nasa 40 na social media personalities sa isang pagdinig sa Kamara. Layunin daw nitong imbestigahan ang pagkalat ng fake news.

03/02/2025

Napag-alamang ilang dekada nang naninirahan sa Pilipinas ang ilang Chinese na umano’y spy. Ayon sa Bureau of Immigration, may working visa ang ilan sa kanila.

03/02/2025

Dalawang bagong barko ng China ang namataan ng Philippine Coast Guard malapit sa Pangasinan. Nagpadala na ng mga barko ang PCG para itaboy ang mga ito.

03/02/2025

Heart-2-Heart Livestream | February 3, 2025

Pumanaw na ang Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa edad na 48, pagkumpirma ng kaniyang kapatid sa TVBS, sa pamamagitan...
03/02/2025

Pumanaw na ang Taiwanese actress na si Barbie Hsu sa edad na 48, pagkumpirma ng kaniyang kapatid sa TVBS, sa pamamagitan ng kanyang manager, at sa ulat ng Shanghai Daily.

Nasawi ang aktres dahil sa flu-related pneumonia habang nasa trip sa Japan.

Nakilala si Hsu sa pagganap bilang si Shan Cai sa hit series na "Meteor Garden."

Gusto mo bang manalo ng ₱250 cash prize sa ating  I-share at magcomment na sa ating   of the day. Huwag din palagpasin a...
03/02/2025

Gusto mo bang manalo ng ₱250 cash prize sa ating

I-share at magcomment na sa ating of the day. Huwag din palagpasin ang huling araw na rebelasyon sa ating at na aabangan ninyo araw-araw.

Tutukan ang kasama si Kuya Poy mamayang 12PM hanggang 1PM sa 105.9

03/02/2025

Tila may pattern ang umano’y mga Chinese spy, ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval.

Giit ni Sandoval, ang mga foreign national na ito ay ibinilang ang kanilang sarili sa Filipino society sa loob ng mahabang taong nasa Pilipinas.

Panoorin ang naging buong panayam kay Spox. Sandoval sa aming FB Page at Youtube channel ng News5Everywhere.

03/02/2025

Sinabi ni Rep. Joel Chua, chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na hindi pa natatapos ang ginagawang pagdinig hinggil sa umano'y paggasta ng confidential fund ni Vice Pres. Sara Duterte.

Panoorin ang naging buong panayam kay Rep. Chua sa aming FB Page at Youtube channel ng News5Everywhere.

03/02/2025

Ikinababahala ng Forum for Family Planning & Development ang pagdami ng bilang ng mga kabataang nagkakaroon ng partner na higit na mas matanda sa kanila, ayon kay Dr. Juan Antonio Perez, vice president ng naturang organisasyon.

Ani Perez, mas tumaas ang bilang na ito matapos ang COVID-19 pandemic.

Tumaas din aniya ang bilang ng mga edad 10-14 na nabubuntis.

Panoorin ang naging buong panayam kay Dr. Perez sa aming FB Page at Youtube channel ng News5Everywhere.

03/02/2025

Narito na ang balitang entertainment ngayong Lunes, February 3:

•BINI, ibinahagi ang paborito nilang OPM songs at artists
•Global idol group search na ‘Be the Next: 9 Dreamers,’ magsisimula na sa Feb. 8
•Beyoncé, nangunguna sa pinakamaraming Grammy nominations ngayong taon

03/02/2025

Narito na ang mga balita sa mga lalawigan ngayong Lunes, February 3:

•Tatlong hinihinalang miyembro ng gun-for-hire, patay matapos umanong manlaban sa mga pulis
•Driver na nang hit-and-run ng 10 sasakyan, arestado sa checkpoint
•Bangkay na nakasilid sa sako, nakita sa dalampasigan

03/02/2025

Narito na ang mga balita sa Metro ngayong Lunes, February 3:

•Mahigit 100 sangkot umano sa online lending collection scam, arestado sa raid
•Babae, sugatan matapos tutukan ng holdaper ng patalim

03/02/2025

Narito na ang mga balitang pambansa ngayong Lunes, February 3:

•COMELEC Chairman George Garcia, tutol sa political dynasty
•EDCOM II: Kalidad ng edukasyon sa bansa, patuloy na bumababa
•EDCOM II: K-12 program, hindi maayos na naipatupad

Address

Reliance Street
Mandaluyong
1550

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 105.9 True FM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 105.9 True FM:

Videos

Share

Category