17/04/2024
"PROUD OFW AKO"🇵🇭🇦🇪
Yesterday was one of the unforgettable experiences that we had here in Dubai. For the past 75 years according to the news here in Dubai, first time nangyari yung ganun kalakas na Rainfall and Thunderstorms.
Despite the bad weather, madaming expats pa din ang nag try na pumasok sa workplaces nila. Unfortunately, lumakas ang ulan. Roads were flooded and marami ang nastranded at nahirapan makauwi ng kanilang mga bahay.
But Today, you will still see them trying to find ways para makapasok sa trabaho...
Ganyan ang Buhay dito sa Abroad, kailangan mo maging matatag at buo ang loob na lumaban sa pangaraw-araw na pagsubok ng buhay. Hindi Madali ang mabuhay sa ibang bansa pero ito lang ang option namin para mabigyan ng maayos na buhay ang aming pamilya lalo na yung may sinusuportahan sa Pilipinas.
Kung may kamag anak man po kayo sa Abroad, Please ask them "Kamusta ka na Anak, Papa, Mama Kuya, Ate, Tito, Tita, Lolo or Lola?", a simple question na magpapadama samin mga OFW na may nagaalala at nagmamahal mula sa aming pamilya...
Proud OFW ako and Sana Proud din kayo sa amin...😊❤️