01/01/2025
"Hindi lahat ng kamag-anak, PAMILYA."
May mga taong kadugo mo nga,
pero sila rin ang nagiging dahilan ng stress,
sakit ng ulo, at minsan, paghinto ng pag-usad mo sa buhay.
Hindi mo man maiiwasan ang ganitong klase ng tao,
puwede kang gumawa ng paraan para hindi sila makaapekto sa'yo.
Kapag wala kang maibigay, mayabang ka. Ayaw mong makisama sa plastik, mapagmataas ka raw. Para bang lahat ng galaw mo, mali sa paningin nila.
Swapang at palaging may kumpetisyon. Gusto nila, sila lang lagi ang nasa taas. Kapag mas umangat ka, hindi nila matanggap. Sa kanila, lahat ng bagay ay paligsahan, kahit wala ka namang pake.
Respeto nila, nakadepende sa pera. Kapag may pera ka, bigla kang mapapansin. Kapag wala, parang hindi ka kilala. Pansin ka lang nila kapag may makukuha sila sa’yo.
Hindi ka susuportahan. Sa halip na magtulungan, mas pipiliin ka nilang hilahin pababa. Mas totoo pa ang suporta ng ibang tao kaysa sa kanila.
Kapag hindi mo napautang, masama ka na. Kakapit lang sila sa may pera at iiwasan ang wala silang mapapala. Sa kanila, mahalaga lang kung may makukuha sila.
Mabait sa harap, maninira sa likod. Paninirang-puri ang libangan nila, kaya hindi sila umaasenso. Hindi nila kaya ang pagiging totoo.
Bastos ka kapag sumagot ka. Pero nung sila ang nangbabastos, okay lang. Kapag ipinagtanggol mo ang sarili mo, ikaw pa ang masama.
Parang may ambag, pero wala naman. Ang daming sinasabi at reklamo, pero sa totoo, wala naman silang naitulong sa’yo.
Kapag tahimik ka, nagmamalaki ka raw. Ayaw nila kapag mas pinili mo ang kapayapaan. Gusto nila lagi kang nakikisali sa gulo nila.
Pakialamero sa buhay mo. Pero ang sarili nilang buhay, hindi nila maayos. Ayaw ka nilang umangat dahil sila hindi nila magawa.
Magkakaaway buong taon pero bati tuwing Pasko at Bagong Taon.
Pagkatapos, mag-aaway at magsisiraan ulit sa susunod na taon.
Kung may ganito kang kamag-anak,
huwag mo nang sayangin ang oras mo.
Lumayo ka para sa kapayapaan ng isip
at para makapag-focus sa sari