Ututang-Dila Podcast

Ututang-Dila Podcast Makisali sa tsismisan, bardagulan, at paminsang kritikal na kwentuhan ng mga miron ng Malabon.

Mga miron with a purpose! Ututang-Dila is a certified kakampink! Kasama niyo kami sa laban, mga miron. Dahil sa Gobyerno...
27/03/2022

Mga miron with a purpose! Ututang-Dila is a certified kakampink! Kasama niyo kami sa laban, mga miron. Dahil sa Gobyernong Tapat, Makikinig ang lahat. 💟



"Kababae mong tao..."Marami puwedeng kasunod ang tatlong salita na 'to. At lahat ng puwedeng isunod dito ay masyadong ma...
10/03/2022

"Kababae mong tao..."

Marami puwedeng kasunod ang tatlong salita na 'to. At lahat ng puwedeng isunod dito ay masyadong mapandikta sa kung ano, sino, at paano "dapat" maging babae. E teka, may formula ba?

In this day and age, hindi natin maitatanggi na marami pa ring low-key misogynist na hirit ang lipunan tungkol sa mga babae. Joke man o coming from a place a love, meron talaga. Baka yung iba hindi nila alam na degrading pala yung mga sinasabi at ginagawa nila para sa mga babae. Di rin natin sure.

Para sa unang agenda sa ating 3rd Season ~uwu~ susubukin nating ipaalam sa madla ang mga bagay na maaaring iniisip nila ay maliit na bagay lang pero sa totoo ay may malaking epekto sa mga babae. Kasi koya, minsan, hindi na pagiging gentleman yung ginagawa/sinasabi mo. Paki-check din kasi baka misogynist ka na pala.

We know, we know, wala pa sa kalingkingan ang mga mapag-uusapan namin. Kaya join the discussion, mga miron! Na-miss namin mag-record jusko! Ayan tuloy pati youtube pinatos na namin.

"Kababae mong tao..."Marami puwedeng kasunod ang tatlong salita na 'to. At lahat ng puwedeng isunod dito ay masyadong mapandikta sa kung ano, sino, at paano ...

Kumusta, mga miron? Heto na nga. Nagbabalik ang mga may sakit na ganda-gandahan.Tapos na ba magtrabaho lahat? Aba dapat ...
10/03/2022

Kumusta, mga miron? Heto na nga. Nagbabalik ang mga may sakit na ganda-gandahan.

Tapos na ba magtrabaho lahat? Aba dapat lang! 7pm na e. Syempre Philippine time tayo kayâ pasintabi sa mga miron na nasa Germany, Canada at iba pang panig ng daigdig. WUW. UTUTANG-DILA GLOBAL YARN??? Eat your lunch and breakfast!

Anywaaaay, takits later, mga bhie. And yes, makikita ninyo kami.

Ito na ang buwan na pinakamasaya ang sangkabaklaan! Charot! Ngayong Hunyo, ipinagdiriwang ang Pride Month sa buong mundo...
07/06/2021

Ito na ang buwan na pinakamasaya ang sangkabaklaan! Charot! Ngayong Hunyo, ipinagdiriwang ang Pride Month sa buong mundo- ipinagdiriwang at ipinaglalaban ang karapatan ng LGBTQ+ Community upang makamtan ang pagkakapantay-pantay at alalahanin ang mga lumaban para sa komunidad. Naks naman!

Sa agenda na ito, mag-barbie-han tayo tungkol sa aming mga kabaklaan. Mga chika na malamang sa alamang ay napagdaanan din ng mga kapatid natin sa pananalig. At siyempre, hindi naman mawawala ang mga kuwentong ally rin na nakatulong sa atin sa kalupitan ng mga chaka sa mundo! Happy Pride, mga mahal!!! We are valid! Trew????



https://open.spotify.com/episode/5GhTy6fhRHzvzJng21oQWl?si=FFgcfeTKTw-033Gnj-Z9GQ

Uxta mga miron!Dahil sa inyong patuloy na pagsubaybay, nandito na ang season 2 ng Ututang Dila! New season, same people ...
07/06/2021

Uxta mga miron!

Dahil sa inyong patuloy na pagsubaybay, nandito na ang season 2 ng Ututang Dila! New season, same people because we are perfect. Charot.

Sa unang agenda ng season 2, pag-uusapan ng mga miron ang kanilang mga idolo (syempre hindi si Idol) at kung bakit sila humanga sa kanila. Magandang meron tayong hinahangaan at sinusubaybayan (gaya ng mga miron, ehem!), ngunit mas maganda kung kaya nating punahin ang pagkakamali nila at huwag i-tolerate lalo na sa ibang may idolong politiko. Dili na lang talaga kami mag-tell.

We solemnly swear that we got smarter, we got harder in the nick of time and we are confidently beautiful with a heart. Can I get an amen up in here?



https://open.spotify.com/episode/42ynkoLzTY4sc5JUKXFgwq?si=QcUhCoAbRyWohSSDD5IbBw

Mapakikinggan din ninyo kami sa Spotify, Apple Podcast, Google Podcast, Breaker, RadioPublic at Pocket Casts!https://ope...
29/05/2021

Mapakikinggan din ninyo kami sa Spotify, Apple Podcast, Google Podcast, Breaker, RadioPublic at Pocket Casts!
https://open.spotify.com/episode/2bO8KLzvn7SVppG3FPp4rc?si=ae0d3bca05c449c3

Ututang-Dila is your virtual barkada. Mga taong makakasama mong tumawa; magkukuwento ng mga maaaring kuwento mo rin; at hindi ka hahayaang mag-isa. Sa podcast na 'to, marami kang puwedeng masagap na kuwento -- mula sa pinakasabaw hanggang sa mga kontrobersiyal na usapan. Kaya mga kapuwa miron, welco...

From magpa-load ng Combo20 para lang ma-replyan si crush to gumamit ng gayuma galing sa Siquijor para lang mapansin, gaa...
30/04/2021

From magpa-load ng Combo20 para lang ma-replyan si crush to gumamit ng gayuma galing sa Siquijor para lang mapansin, gaano ka ka-desperadang hinayupak ka? Hahaha.
Aminin mo, nagpanggap kang gm yung text mo pero kay crush mo lang naman talaga sinend.

Samahan ang mga miron mula sa pagpapakilala ng kanilang mga nakakikilig na crush na talagang nagpaihi sa kanila hanggang sa pagkasura sa ibang mga crush dahil hindi naman pala sila totoong mga guwapo at magaganda at mababait at matatalino.

Looks can be deceiving talaga, mga miron!

https://open.spotify.com/episode/22WaNac2IocgNaJ9GbkWeG?si=ea7XM-G6TD67GhGLvLQWEA

Travel has always been a privilege kahit bago magkaroon ng pandemic. Pero lalong ipinamukha ng pandemya na privilege nga...
23/02/2021

Travel has always been a privilege kahit bago magkaroon ng pandemic. Pero lalong ipinamukha ng pandemya na privilege nga itong talaga dahil sino nga ba ang mga nakabibiyahe ngayon? Edi mga may pera! Swab test pa lang magkano na, 'di ba?

Sa agenda na 'to, pag-uusapan ng mga miron kung ano ang kaniya-kaniyang travel essentials at mga tinatangay pauwi sa bawat biyahe nila (kahit currently bahay ng isa't isa lang talaga ang destination nila madalas). Ikaw ba ay solo traveler o di kayâ ay dependent sa friend mo pagdating sa mga galà? Ang agenda na 'to ay para sa 'yo! Dahil lahat naman talaga ng agenda ay para sa 'yo, kayâ nga kami nagre-record e.

Yung status ng friends mo sa Facebook on the way to Boracay, La Union, Siargao samantalang ikaw on the way to banyo, kusina, higaan. Ano naaaa?

Paalala: BE A RESPONSIBLE TRAVELER. Otherwise, sa loob ka ng bahay mo maglibot!

https://open.spotify.com/episode/34rwk1OZQNrMhXqmoB0LFk?si=C7TT7TGaTvG2H_yIP1V44w

BABALA: maingay, puro tawanan, malupitang throwback, AND ALL ABOUT US.Sa quickie na 'to, napili ng mga miron na balikan ...
08/02/2021

BABALA: maingay, puro tawanan, malupitang throwback, AND ALL ABOUT US.

Sa quickie na 'to, napili ng mga miron na balikan ang mga first impression nila sa isa't isa. May mga first time marinig at ay mga hindi naman na talaga nakagugulat. Alam naman nating lahat ang kasabihan na "first impressions last", di ba? Naniniwala ka ba ron? May mga judgment ka ba sa isang tao nang una mo siyang nakita tapos later on natuklasan mong mali ka pala?

First time nila pag-usapan ang mga unang impression sa isa't isa. Masaya paláng isipin lalo kung magkakaibigan kayo ngayon.

Makitawa kasama ng mga miron! Marami kayong matutuklasan tungkol sa kanila sa not so quickie na 'to. Sa susunod na quickie, dahil nabitin kami sa isang 'to, first impressions naman namin sa iba. *wink wink*

https://open.spotify.com/episode/32ZT82Ung1It4dsxrDWq9S?si=gOHfkDK4QVW96Mk67ZUieg

Isa ka ba sa mga biktima ng 1.1, 2.2, 11.11, at 12.12? Marami sa atin ang palaging abangers pagdating sa mga sale lalo n...
03/02/2021

Isa ka ba sa mga biktima ng 1.1, 2.2, 11.11, at 12.12? Marami sa atin ang palaging abangers pagdating sa mga sale lalo na ngayong online ang lahat ng bilihin—mas madali. Pero paano pa nga ba natin masasabi na mahalaga at kailangan pa ang mga binibili natin?

Ang agendang ito ay para sa mga taong bigla na lang naglalaho ang sahod matapos ang payday dahil sa mga bayarin, bilihin at higit sa lahat...PAGKAIN! Samahan ang mga miron at tuklasin kung sila ba’y magaling sa paghawak ng pera at kung paano nila inaayos ang kanilang mga budget.

Laging tandaan, sina Lee Min Ho at Kathryn man ang nagsabi na "add to cart now", hindi ka dapat magpadala sa mga mata nila. Pagsubok lang 'yan, girl. Kumapit ka! 'Wag kang marupok!



https://open.spotify.com/episode/6uylbpkvBV5MgAGVJEIYoy?si=SNfK9rNQTByCTGyqV8SiCg

Ikaw ba ay active sa Tinder, Bumble, Grindr, Blued, Her, at iba pang dating apps? Nakipagkita ka na ba sa naka-match mo ...
01/02/2021

Ikaw ba ay active sa Tinder, Bumble, Grindr, Blued, Her, at iba pang dating apps? Nakipagkita ka na ba sa naka-match mo online? Baka ito na ang quickie na para sa 'yo!

Alam naman namin na kating-kati na tayong makipagkita sa kung kani-kanino at makipag-date. Pero para sa "new normal" na mayroon tayo ngayon, ano kaya ang mas magandang celebration ng balentayms? Virtual na lang ba o face to face? Go, Tiyang Amy and Hanz Mortel!

https://open.spotify.com/episode/0oYdieAREtMMK4PU1cbmff?si=_SQKeKJ6R5aNgwsHrFt5Dg

Meron ka bang notebook nung elementary na hindi mo maitapon dahil nandun ‘yung Flames niyo ng childhood crush mo? O pict...
23/01/2021

Meron ka bang notebook nung elementary na hindi mo maitapon dahil nandun ‘yung Flames niyo ng childhood crush mo? O picture niyo ng ex mo na hindi mo madispatya dahil hopia ka pang may second chance??? Pwes! Ito na ang agenda for you.

Samahan ang mga miron na bumalik sa nakaraan at pag-usapan ang mga bagay na either may halaga o hindi lang mabitiwan.



https://open.spotify.com/episode/0A9KNU5x3vikHRIz3Raohr?si=qEfne5rfQQGiiKwaghymBA

Kapag bata ka at nagsimula na ang Christmas countdown sa TV pagtungtong ng BER months, excited ka dahil magkakaroon ka n...
09/01/2021

Kapag bata ka at nagsimula na ang Christmas countdown sa TV pagtungtong ng BER months, excited ka dahil magkakaroon ka ng pera at regalo, at malamang sa malamang ay may bagong damit. Pero kapag matanda ka na, bakit nga ba bida-bida yung lungkot kapag malamig ang simoy ng hangin? Ikaw din ba ganito?

Sa unang linggo ng January, napili ng mga miron na balikan ang December bilang fan sila ni Taylor Swift. Charot. De, alam mo lang kasing may nabago sa pagkatao mo kapag malungkot ka na tuwing pasko kahit may mainit na tsokolate sa mesa ninyo.

Sama-sama nating damhin ang lamig at lungkot na dala ng December. Yakap sa mga naka-relate!

https://open.spotify.com/episode/7fn1fDHIE1yXuTYr8yvvMF?si=jgXXrfaORROxsdAm1Qhkiw

https://open.spotify.com/episode/15PjXfmWIzPpnNLvxk8oPa?si=AwsQKJO-Tdm2Bx5ztq-p0g&context=spotify%3Ashow%3A7sLGjRD1nQPXp...
07/01/2021

https://open.spotify.com/episode/15PjXfmWIzPpnNLvxk8oPa?si=AwsQKJO-Tdm2Bx5ztq-p0g&context=spotify%3Ashow%3A7sLGjRD1nQPXpG4sTozKA2

Tanong ng bayan: Bakit may mga taong mahadera?

Madalas nating marinig ang salitang mahadera at makita sa mga post sa Facebook ngunit ano nga ba ang ibig sabihin nito at bakit sila ganito? Paano ba natin sila kauusapin at paano ba tayo mabubuhay sa paligid nila?

Samahan ang mga miron na pag-usapan ang mga mahadera at sabayan kaming maging mahadera with a heart. Charot!

Tag your kapit-bahay na po nang matauhan! Hahaha!

https://open.spotify.com/episode/12GY6MpNd54WX6O1H8AAlj?si=xf75WNBmThKkOqFu_Xps1AMay mga bagay ka bang pinagsisisihan da...
01/01/2021

https://open.spotify.com/episode/12GY6MpNd54WX6O1H8AAlj?si=xf75WNBmThKkOqFu_Xps1A

May mga bagay ka bang pinagsisisihan dahil hindi mo nagawa? O dahil ginawa mo? Panigurado namang may mga risk worth taking at nakabuti sa pagkatao mo, 'no?

Sa agenda na ito, pinili ng mga miron na simulang magpakilala nang paunti-unti. Let's talk about risks! Maraming klase 'yan, e. Puwedeng studies, career, personal growth, o di kayâ ay pag-ibig. Kahit nga paghuhulog sa PhilHealth ay risky dahil ninanakaw---oops!
Pili ka na lang kung anong chant ang gusto mo: "Oyy si papa lumaban, matapang!" o "O di ba, binawi mo rin?" o "Ayy si papa, nilaban, nasayang?" (S*xbomb Girls, National Artists for Dance)

Happy New Year, mga miron! Sana sa susunod na taon ay magawa ninyo ang mga gusto ninyo nang walang tákot na magkamali. At sana rin mawala na ang COVID19 para hindi na talaga tayo matakot lumabas man lang.

Ang tanging Christmas Bonus na hiling namin ay ang inyong requests and suggestions.Mag-comment lang ng gusto ninyong top...
13/12/2020

Ang tanging Christmas Bonus na hiling namin ay ang inyong requests and suggestions.

Mag-comment lang ng gusto ninyong topic o kahit ano na gusto ninyong pag-usapan at himayin ng mga miron. Let’s goooo!

Pero tumatanggap din kami ng pera. Kahit via GCash. Charot! 🤣

hahahaha

Gising pa ba ang mga marurupok?Tanong ng isang miron: “Puwede bang maging magkaibígan ang dáting magjowa?”Magbabagà b...
12/12/2020

Gising pa ba ang mga marurupok?

Tanong ng isang miron: “Puwede bang maging magkaibígan ang dáting magjowa?”

Magbabagà ba ulit ang mga puso at magsisilab ng apoy? E baka naman kasi hindi lang sila nag-click as couples and were better off as friends?

At kailan naman kayâ hindi dapat maging friends ang mag-ex? 'Di pa naka-move on? Toxic? O may hidden agenda?
Ano sa tingin ninyo, mga miron?



https://open.spotify.com/episode/4pAq8PK2uJel0m2ZRNYS96?si=lCJGG-s3Q2COejbkexpgew

S*x is s*x. Kantutan ay kantutan. Pareho ng gamit, pareho ng sarap! Bakit ba tayo natatakot pag-usapan at tukuyin ang mg...
11/12/2020

S*x is s*x. Kantutan ay kantutan. Pareho ng gamit, pareho ng sarap! Bakit ba tayo natatakot pag-usapan at tukuyin ang mga katotohanan ng buhay? Sabi ni Vlad sa GSP, "don't be scared of the word, it's not an insult." Kayâ bakit táyo matatakot sabihin ang puke at tite e bahagi lang naman ng katawan 'yon?

Ang agendang ito ay may maseselang tema, lengguwahe, seksuwal, at katotohanan na dapat angkop sa lahat ng mga tagapakinig.

Follow Love Yourself Ph: https://www.facebook.com/loveyourself.ph



https://open.spotify.com/episode/5YyblkorCB3NYQEL3RjnTj?si=F1dYnQInQZuyDcSYQh5QNQ

"Kayo ba'y gáling sa opisina at medyo pagod? Wala kayong ibang gagawin kundi magrelaks, umupo sa sofa, magtanggal ng sa...
25/11/2020

"Kayo ba'y gáling sa opisina at medyo pagod? Wala kayong ibang gagawin kundi magrelaks, umupo sa sofa, magtanggal ng sapatos, magsuot ng tsinelas at magsalin ng... Banayad Whiskey... LASANG BLADE TALAGA ANG TAPANG E!"

- Comedy King Dolphy

Makitagay sa mga miron at makipagwalwalan sa pinaghalong alak at tawa. Masakit ito sa tiyan at sa ulo pero walang hangover dito. O wala nga ba? Let's gooooo! 🍻

https://link.tospotify.com/cHpMzIGyHbb

Lumabas na po ang aming unang agenda! Samahan ninyo kami sa aming kuwentuhan tungkol sa laro! Laro lang ba? Ge. Let’s go...
18/11/2020

Lumabas na po ang aming unang agenda! Samahan ninyo kami sa aming kuwentuhan tungkol sa laro! Laro lang ba? Ge. Let’s go!!! 😁 link.tospotify.com/3iLIlnEUvbb

https://link.tospotify.com/VsrBpIOZvbb Para sa unang episode (na nagtagumpay) ng mga mirón, let's talk about games! Ala...
18/11/2020

https://link.tospotify.com/VsrBpIOZvbb

Para sa unang episode (na nagtagumpay) ng mga mirón, let's talk about games! Alam mo ba ang Secret Hi**er, Quelf, at ang lolo ng lahat na Monopoly? Kung alam mo ang Among Us, alam mo ba ang Spy Hunt? Fun-fun lang talaga tayo rito, e. Pero ang laro, 'di ba, masaya man ay may cultural (and political) basis naman talaga kadalasan?

Tara! Magkuwentuhan tayo. Malay mo maging friends tayo, 'di ba? Masaya kaming friends, pramis! O sige, kapag hindi ka natuwa sa amin libre mo kaming 24 Chicken.

twitter:

Para sa unang episode (na nagtagumpay) ng mga mirón, let's talk about games! Alam mo ba ang Secret Hi**er, Quelf, at ang lolo ng lahat na Monopoly? Kung alam mo ang Among Us, alam mo ba ang Spy Hunt? Fun-fun lang talaga tayo rito, e. Pero ang laro, 'di ba, masaya man ay may cultural (and political)...

Address

Malabon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ututang-Dila Podcast posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ututang-Dila Podcast:

Share

Category


Other Podcasts in Malabon

Show All

You may also like