Lhen : Real Life Paranormal Stories

Lhen : Real Life Paranormal Stories Upcoming real life stories! Lhen's own experiences! Keep sharing!
(1)

10/02/2023

Game?

28/11/2020

Minsan pag nagbbrowse ako ng newsfeed sa FB personal account ko, may mga nakikita ko o nararamdaman sa mga pictures ng mga friends ko. Iniisip ko lang minsan, kailangan ko bang sabihin? Ang ending, palalagpasin ko na lang. Baka matakot lang. 😥

22/11/2020

Been gone for a while. Will be back for more stories!

Praying for everyone's safety! Be safe!
11/11/2020

Praying for everyone's safety! Be safe!

Throwback muna. Had searched on one of my group chatbox "halloween" to recall a particular pic lang sana.  Isa to sa mga...
03/11/2020

Throwback muna. Had searched on one of my group chatbox "halloween" to recall a particular pic lang sana. Isa to sa mga lumabas lang. Tandang tanda ko ito na halos walang tao sa waiting area sa loob ng isang hospital.

ISANG MAHALAGANG PAALALA na maaaring hindi mo alam kaya basahin mo. NOVEMBER 1 - All Saints Day o Kapistahan ng mga Sant...
31/10/2020

ISANG MAHALAGANG PAALALA na maaaring hindi mo alam kaya basahin mo.

NOVEMBER 1 - All Saints Day o Kapistahan ng mga Santo. Eto ang araw na pinahihintulutan ng Diyos na dumalaw ang mga santo o mga taong nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang pananampalataya. ANG TIRIK NG KANDILA AY SA LOOB NG BAHAY! Kahit anong oras sa araw na ito dapat itong gawin. Tatlong kandila na sumasagisag din sa tatlo nating kahilingan. Ang mga santong papasok sa ating mga tahanan ay siyang tutulong sa atin na ipagdasal ang katuparan ng mga ito.

NOVEMBER 2 - All Souls Day o Kapistahan ng mga Patay. Eto rin ang araw na pinahuhintulutan ng Diyos ang mga taong yumao na dumalaw sa kanilang mga puntod o mahal sa buhay. Sa araw na ito, ang TIRIK NG KANDILA AY SA LABAS NG BAHAY! Sa may pinto lalong lalo na pagtungtong ng alas-sais ng gabi, kung saan maraming kaluluwang ligaw ang magkakalat. Gawin ito upang hindi sila makapasok sa ating mga tahanan. Mga kaluluwang maaring makapinsala sa ating kalusugan at pagiisip. Sa araw na ito, alalahanin at ipagdasal natin ang mga taong namayapa.

Ito ay aking napakinggan sa isang misa. Na tiyak kong eksaktong nagsasabi ng mga dapat gawin. Maniwala ka.

Paranormal story  # 21 | BABAENG NAKABELOSiguro kung may kwento akong pang-Undas / pang halloween o pang gabi ng lagim, ...
27/10/2020

Paranormal story # 21 | BABAENG NAKABELO

Siguro kung may kwento akong pang-Undas / pang halloween o pang gabi ng lagim, eto na yon. Isa ito sa mga ayoko sana ikwento. Pero dahil medyo matagal ako nawala at papalapit naman ang Undas, let's give it a shot.

https://youtu.be/K11oeB9GEp8

https://youtu.be/K11oeB9GEp8

Please FOLLOW and SUBSCRIBE:

FB PAGE : https://www.facebook.com/Lhen-Real-Life-Paranormal-Stories-101616134975702

YOUTUBE : https://www.youtube.com/channel/UCCdBI-hxtjEk0UzEOnVwaog

Paranormal story # 21 | BABAENG NAKABELO Siguro kung may kwento akong pang-Undas / pang halloween o pang gabi ng lagim, eto na yon. Isa ito sa mga ayoko sana...

Siguro kung may kwento akong pang-Undas / pang halloween o pang gabi ng lagim, eto na yon. Isa ito sa mga ayoko sana ikw...
19/10/2020

Siguro kung may kwento akong pang-Undas / pang halloween o pang gabi ng lagim, eto na yon. Isa ito sa mga ayoko sana ikwento. Pero dahil medyo matagal ako nawala at papalapit naman ang Undas, let's give it a shot. Abangan ang buong kwento sa susunod na video post.


*Photo not mine

08/10/2020

Paranormal Story # 20 | IYAK NG BATA

Taong 2016. Kinabukasan ito ng kasal ng kapatid ko. Sa isang hotel sa Quezon City. So early in the morning, right after namin mag breakfast ng family ko. We decided to swim with my husband at 2 kids pa lang noon. Sinadya namin agahan ito para kami lang ang tao sa pool. Nag enjoy sila at syempre we captured those moments. At ako mismo ang kumuha nito.

Until we learned nang pinanonood na ng mga anak ko ang video, may part dito na may umiyak na bata. Nagulat kami noon dahil walang ibang tao sa pool side kundi kami lang. Kung pakikinggan nyong mabuti halos malapit na malapit sa recorder ang iyak ng bata. Hindi ito ang panganay kong lalaki dahil kung papansinin nyo kumakanta pa sya dito at medyo mahina ang boses nya. Sa actual video kausap ko din ang asawa ko pero ang boses nga nya hindi na masyadong maintindihan. Pero ang iyak ng bata ay parang katabi ko lang.

Maaring nagtatanong kayo kung bakit hindi ko siya naramdaman sa oras na yan mismo. Eto ang sagot ko— sa kahit saang lugar ako magpunta pag mabigat ang pakiramdam ko meron sigurado. Ito din yung pagkakataon na bago kami natulog the night before, nagdasal na ako at sinabi na ayoko ng iistorbo sa akin dahil pagod nga ako sa kasal ng kapatid ko. Pinagdasal ko na sila nung gabi pa lang na yon.

Sadyang may mga nakukuha lang talagang mga tunog na hindi inaasahan.


*THIS video is not edited. Ito mismo ang raw video.

Please FOLLOW and SUBSCRIBE:

FB PAGE : https://www.facebook.com/Lhen-Real-Life-Paranormal-Stories-101616134975702

YOUTUBE : https://www.youtube.com/channel/UCCdBI-hxtjEk0UzEOnVwaog

02/10/2020

Gusto nyo bang malaman ang ilan sa mga panaginip at visions ko ang nagkatotoo na?

01/10/2020

2 days nang nakakaamoy ng bulaklak / sampaguita
😥😥😥

Ngayon ko lang napanood yung mga videos ng   regarding sa kanilang opisina. I am watching with my husband. After nung un...
27/09/2020

Ngayon ko lang napanood yung mga videos ng regarding sa kanilang opisina. I am watching with my husband. After nung unang video na ang nag-uusap pa lang ay si Raffy at Sheri. Tinanong ako ng asawa ko kung ano sa palagay ko. Ang sabi ko, may babae don at bata. Sabi ko, meron sa kanila sa opisina ang takot na takot na syang nakaka attract sa babae at nagpapalakas dito So, para maliwanagan din kami, we watched from Ed caluag to Misteryo..Ana Liza Dela Cruz.

Bawat tanong ni Raffy , I also tried to figure it out at may mga images na pumapasok sa isip ko. I started na mangilabot at walang tigil ang paglaki ng ulo ko sa kilabot. Sumakit na rin ng sobra ang ulo ko lalo na nung si Ana dela Cruz na ang kausap.

Eto ang opinion ko:

Ang sagot ng espiritu ng babae na "Paano?" — hindi nya rin kasi alam kung san siya magsisimula. Hindi niya kilala yung taong may gawa ng masama sa kanya nung nabubuhay siya. Gusto nya ng hustisya pero batid nya na lumipas na ang panahon. Yung lalaking may sala, buhay pa. That's what keeps her haunting until now. At ang tingin ko nalibing din siya don mismo sa area. Andon pa siya, yun yung tinatanaw nya sa bintana. Gayunpaman, tama ang ginawa ng grupo ni ipinagdasal ang babae. Tumawag ng pari at nagpamisa.

Yung bata naman na palaboy laboy sa area nila. Ito at playful lang naman at harmless.

Yun lang po at God bless everyone and PRAY!

Anong gagawin mo kung may makita ka at akala mo isa syang taong buhay, yun pala ay isa ng espiritu? Abangan ang buong kw...
22/09/2020

Anong gagawin mo kung may makita ka at akala mo isa syang taong buhay, yun pala ay isa ng espiritu? Abangan ang buong kwento sa susunod na video post na nangyari sa isang hotel sa Ilocos.

God bless everyone and PRAY!

20/09/2020

During my college days, there's one time na may nagtanong sa akin na stranger ng daan. Along recto yon as I was also on my way kung san ang punta nya. Madaldal si ate. Pupuntahan daw nya yung anak nya at ang dami niyang dala. Maayos ang itsura nya at mukhang may kaya naman sa buhay. On our way, kwento sya ng kwento. Nakikinig lang ako.I cannot remember exactly ng way namin kung pa-mendiola o pa divisoria. Sabay kaming naglakad noon. And all the time na kasabay ko si ate, SOBRA ANG KILABOT KO. Sobrang kinikilabutan ako sa bawat salita nya, she even touched me. Yung pangingilabot ko nung time na yon, ganon yung pakiramdam ko pag nakakakita ko ng paranormal. Napaka ingay sa tenga! Sobrang nanlaki ang ulo ko sa kilabot hanggang sa naghiwalay kami. I even thought, totoong tao kaya tong kausap ko?? Buhay pa ba to o kaluluwa na? Pero sure ako na buhay na buhay sya.

Kaya ko naaalala itong kwento na ito kasi nangyari na naman yung ganung scenario. May isang bagong kilala akong kinausap for the first time. Sobrang kilabot ko habang kausap ko sya, gustong gusto ko na sanang sabihin sa kanya na nanlalaki ang ulo ko at nabibingi ako sa energy nya. Baka lang kasi matakot sya kung sasabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko habang kausap ko sya. Kaya hinayaan ko na lang. Naisip ko rin na maaring isang mabuting senyales yon o warning for me.

Ganyan yung mga pagkakataon o pangyayari sakin na kaya ko nasasabi na hindi ako expert. May mga bagay parin na sa sarili ko wala paring sagot. Kaya sa mga scenario na ganyan, walang ibang makaka alam kundi ako lang. I need to observe things more. At ang pinaka importante yung maniwala ako sa gut feeling ko.

I Prayed na rin para sa kanya at para sa sarili ko. Sana sa susunod na makausap ko sya, hindi ko na maranasan yon.

17/09/2020

Paranormal story #18 | ANG BABAE SA KUSINA AT ANG ELEMENTO

Ang kwento ng isang babae, isang bata at isang kapre.

Minsan may mga espiritu o elemento na magsislbi na din nating kasama sa bahay. May mga pagkakataon na sila mismo ang magiging bantay ng bahay sa tuwing walang maiiwan dito. Wala namang masamang espiritu o elemento, kung walang taong gagambala sa kanila.

Ikaw, may ganito ka rin bang kwento?

God bless everyone and always PRAY!

Please FOLLOW and SUBSCRIBE:

FB PAGE : https://www.facebook.com/Lhen-Real-Life-Paranormal-Stories-101616134975702

YOUTUBE : https://www.youtube.com/channel/UCCdBI-hxtjEk0UzEOnVwaog

16/09/2020

Thank you po 1,000 followers!!!
God bless! 🥰

Ang kwento ng espiritu at isang elemento. Abangan susunod na video post. God bless and PRAY!
14/09/2020

Ang kwento ng espiritu at isang elemento. Abangan susunod na video post. God bless and PRAY!

10/09/2020

Paranormal Story # 17 | BAHAY SA CUBAO

Iilan lang ito sa mga pagkakataon na sinubukan kong gawin. Ito rin yung mga senaryo na hindi ko na rin ginawang ulitin sa kadahilanang, hindi ko gugustuhin na manggulo sa kanila o mabulabog sila. Mas mabuti na para sa akin na sila ang lalapit at hihingi ng tulong o kailangan kaysa ako ang lalapit. God bless everyone and PRAY!


Please FOLLOW and SUBSCRIBE:

FB PAGE : https://www.facebook.com/Lhen-Real-Life-Paranormal-Stories-101616134975702

YOUTUBE : https://www.youtube.com/channel/UCCdBI-hxtjEk0UzEOnVwaog

Isang bahay sa Cubao, Quezon City ang minsan kong sinubukang makita ang NAKARAAN nitong itsura. Abangan ang buong kwento...
08/09/2020

Isang bahay sa Cubao, Quezon City ang minsan kong sinubukang makita ang NAKARAAN nitong itsura. Abangan ang buong kwento sa susunod na video post.

07/09/2020

Naaalala ko noong highschool ako, meron kaming teacher na ayokong tinitignan. Pag nakikita ko kasi sya, pakiramdam ko ang dami kong problema. Later on, na realize ko na nakikita ko ang aura nya. Mabigat lagi at malungkot. Sana maayos na lagay nya ngayon.

Sa panahon naman ngayon, kapag may mga nag me-message sa akin at nagtatanong tungkol sa mga bagay na hindi maipaliwanag, sumasakit ang ulo ko. Dalawa lang ang dahilan. Una, yung presence ng kausap ko. Pangalawa, yung presence ng paligid nya.

Pray lang lagi and God bless!

Naisip nyo ba minsan kung mayron akong karanasan na ayokong i-share? Oo. Marami at may mga dahilan. Pero may isa na napa...
02/09/2020

Naisip nyo ba minsan kung mayron akong karanasan na ayokong i-share? Oo. Marami at may mga dahilan. Pero may isa na napagdesisyunan ko na rin na ikwento. Abangan sa susunod na video post.



*Photo not mine

THIRD EYE. Yan ang isa sa pinaka hindi matapos tapos at laging tinatanong sa akin sa inbox ko. Paano raw ma-open. Paano ...
29/08/2020

THIRD EYE. Yan ang isa sa pinaka hindi matapos tapos at laging tinatanong sa akin sa inbox ko. Paano raw ma-open. Paano raw makakakita ng mga espiritu. Ano raw ang mga pakiramdam or naranasan ko nung mga unang araw. Ilan dyan ay nasagot ko na sa isang live video ko. Pero napagdesisyunan ko na sagutin ulit at ipaliwanag pa nang mas klaro ang nga yon sa isang video post. Abangan ang buong kwento at sariling opinyon ko dito. God bless everyone and pray!



photo not mine

Isa rin sa mga hindi ko makalilimutan na karanasan ko, ang pagbisita naman ni Tatang (grand dad ng husband ko). Abangan ...
23/08/2020

Isa rin sa mga hindi ko makalilimutan na karanasan ko, ang pagbisita naman ni Tatang (grand dad ng husband ko). Abangan ang buong kwento sa susunod na video post.

19/08/2020

Paranormal Story # 13 | ANG BATA AT SI LOLO

Ito yung first time na sumama sa akin pauwi ng bahay namin.Happened during my highschool days. Please PRAY! God bless us!

Ngayong gabi sana ang schedule ko to film another story. But this day is very hard. 2 of my friends has left today. 😭😭Na...
17/08/2020

Ngayong gabi sana ang schedule ko to film another story. But this day is very hard. 2 of my friends has left today. 😭😭Nasa piling na sila ni Lord. May mga pakiramdam ako at nakita and I am deciding na hindi na yon i-ignore. Ipinagdarasal ko lang na sana hindi ito related sa mga naamoy kong bulaklak ng patay as i mentioned sa live video ko. Please pray and God bless!
*Photo not mine

This is one of my goals why I decided to share my experiences, to ENCOURAGE everyone to PRAY MORE! Sa lahat ng paranorma...
16/08/2020

This is one of my goals why I decided to share my experiences, to ENCOURAGE everyone to PRAY MORE! Sa lahat ng paranormal na naranasan ko, it leads me closer to God. Kaya walang hanggang pasasalamat at paghingi rin ng gabay pa ang hiling ko. God bless everyone and PRAY!

Address

Malabon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lhen : Real Life Paranormal Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Lhen : Real Life Paranormal Stories:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other Video Creators in Malabon

Show All