
04/07/2024
Divine De Ocampo Guerrero
BINAGOONGANG TOKWA AT TALONG
INGREDIENTS:
1/2 kilo Talong
3 pcs. Tokwa
Sibuyas
Bawang
3 tbsp. Alamang
2 kamatis
Paminta
Kaunting asukal
1/4 cup tubig
Sili (depende sa anghang na gusto mo)
Mantika pamprito
PROCEDURE:
1. Hiwain ang talong at tokwa sa serving size. Iprito ang talong hanggang maluto, set aside. Iprito din ang tokwa hanggang maging crispy, set aside.
2. Sa isang kawali, magpainit ng kaunting mantika. Igisa ang sibuyas, bawang at kamatis. Pagkagisa, ilagay ang alamang para maigisa rin saglit. then, saka lagyan ng kaunting tubig. Timplahan ng paminta, at kaunting asukal. Lutuin hanggang sa kumulo ang sauce.
3. Pag okay na ang sauce, ilagay ang tokwa at talong. Ilagay na rin ang sili. Haluin ng dahan-dahan para ma-coat ng sauce ang sangkap.
Enjoy!