19/05/2023
Ang dami kong pangarap sa buhay, dati sabi ko sa sarili ko by the age of 25 dapat may sarili na akong bahay. Tapos pagkatong-tong ko ng 27 dapat may sasakyan na ako. Pero now na I am already 27, kahit isa nito wala. Gumigising ako everyday na may takot. Nakikita ko yung mga kakaklase ko dati, ang saya nila tapos ako dito struggling everyday.
Pero kahit man ganito, di ko ginagawang competition yung mga bagay na meron sila. Sadyang may mga araw lang talaga na feel mo ang bigat ng pakiramdam mo na para bang wala nang liwanag sa dulo. Don’t question yourself because that’s normal and that’s okay! Isipin mo yung dahilan kung bakit ka nagsimula. Isipin mo yung mga sacrifices mo sa simula palang. Isipin mo yung mga gabi na di ka natulog kaka-isip pero bumabangon ka parin!
Ngayon ka pa ba susuko? Malayo ka pa pero malayo na din yung inabot mo. Magpahinga ka! Matulog ka! Umiyak ka! Gawin mo lahat. Pero I hope bukas makalawa tatayo tayo ulit. Iyak nalang muna tayo today. And that’s okay.
Lahat ng mga bagay na nangyayari sayo ngayon are destined na mangyari sayo. Life comes at us in waves. We can't predict or control those waves, but we can learn to surf. Success comes in waves too! Dadating din yung araw na magiging masaya ka. Patuloy ka lang!