17/03/2024
Oo, mahirap mag-travel ng may kasamang bata.
Oo, maaaring hindi pa rin nila ito maaalala.
Oo, maaring dagdag lamang sila sa gastusin.
Oo bata lamang sila at hindi pa nakakaunawa
Pero para sa mga magulang, hindi kumpleto ang paglalakbay kung hindi sila ang kasama.
Kasama sa saya
Kasama sa kulitin
Kasama sa paguran
At kasama na bubuo ng mga alaala nila habang silay maliliit pa lamang.
Di bale ng pagod.
Di bale ng umiinit ang ulo
At sa huli hindi dito matatapos ang salitang memorya dahil babaunin nila ito hanggang sa pagtanda nila.
Maliit man o malaking bagay isama nyo sila sa lahat ng masasayang bagay sa mundo dahil ang mundong ginagalawan natin ngayon ay puno na ng pait at galit.
Sainyo dapat mag simula ang kasiyahan ng isang BATA.