06/12/2024
Story time: Wala talaga sa plano ko na umattend ng company year end party dahil malayo. Mas matagal pa ang byahe kesa ang party mismo, kaya nag "no" ako sa rsvp.
Then nagtext ang HR na need ko daw umattend para sa loyalty awardee. 5 years na din kasi ako sa company.
Ayun umattend tayo for the awarding.
Before ka makapasok sa venue need mo muna magsign sa list tapos icucut nila yung name mo for the raffle.
Sadly wala yung name ko sa list dahil nga sa initial ko na response ng "no". Akala ko, hindi na ako makakasama sa raffle. Buti na lang nagawaan ng paraan. Pinasulat na lang ang name ko sa blank paper para makasama.
Ayun nabunot tayo sa isa sa mga grand price. After 5 years sa company, ngayon taon pa lang nabunot sa raffle.
Ganun pala talaga noh, kung para sayo ang isang bagay, may mga mangyayari para makuha mo yun.
Kayo ba, anong kwentong year end party nyo?