Madiskarteng nanay si Mila

Madiskarteng nanay si Mila Ako ay isang nanay na gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng mga anak❤️❤️❤️

11/11/2024

mga KaNanay baka naghahanap kayo ng non stick grilled pan na budget friendly..bagay na bagay ito sa mga mahihilig sa inihaw na pagkain,sa mga mahilig sa sisig,sa mga mahilig sa samgyupsalan..



https://vt.tiktok.com/ZSjDWY9PQ/

31/07/2024

gusto mo ng shake or smoothie?

what are you waiting for? gamit ang ating DREEPOR PORTABLE JUICER BLENDER kayang kaya mo ng mkgawa ng khit anong klase ng shake nd smoothie..

perfect ang smoothie na ito para sa mga dry skin and makakatulong pa ito para maboost ang immune system nyo..

10/12/2023
Mga KaNanayIsang ngiti naman dyan😊
27/11/2023

Mga KaNanay

Isang ngiti naman dyan😊

Ang pag-ibig ay nagsisimula sa tahanan.Nagsisimula ito sa pag aalaga ng magulang sa kanilang mga anakAt para sa mga anak...
27/11/2023

Ang pag-ibig ay nagsisimula sa tahanan.

Nagsisimula ito sa pag aalaga ng magulang sa kanilang mga anak

At para sa mga anak na nagbibigay ng pagmamahal pabalik sa kanilang mga magulang.

Ang pag ibig na ito ay nagiging buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kwento,dalamhati at tagumpay. Sa pagpapalam at pagpapadama sa kanila kung gaano sila kahalaga dahil binibigyan natin sila ng ating mahalagang oras❤️

Kailanman ay hindi humihinto o tumitigil ang "pagiging isang ina"Nagbabago lang.Kapag ang kanyang mga anak ay bata pa,ti...
26/11/2023

Kailanman ay hindi humihinto o tumitigil ang "pagiging isang ina"
Nagbabago lang.

Kapag ang kanyang mga anak ay bata pa,tinitingnan nya ang lahat ng bagay sa kanilang buhay mula sa pagkain hanggang sa kanilang pag-ibig.

At kapag tumanda na sila,
hindi na sya lahat
pero hinding hindi sya
titigil sa pagiging Ina👩‍🦰

Mas magulo ang isip ng Nanay👩‍🦰Kapag maraming kalat ang Bahay🏠
02/09/2023

Mas magulo ang isip ng Nanay👩‍🦰
Kapag maraming kalat ang Bahay🏠

Ang mga NANAY at MAGULANGng kasalukuyangHENERASYON Ang nag aadjust paraMagkaroon ng magandaAt  mabuting relasyonang pags...
01/09/2023

Ang mga NANAY at MAGULANG
ng kasalukuyang

HENERASYON

Ang nag aadjust para
Magkaroon ng maganda
At mabuting relasyon
ang pagsasamahan ng
mga anak sa kanilang
mga AMA AT INA sa
Loob ng tahanan...

Hindi na uso ang PAMAMALO,dahil kapag ginawa mo ito ikaw ay mababantay bata,dahil silay makatwiran na sa batas

Hindi na din uso yung "MAKUHA KA SA TINGIN" dahil kapag tiningnan mo sila mas matalim na titig ang ibabalik nila sayo..

At wag mo din silang sasabihang "LUMAYAS KA SA PAMAMAHAY KO" sapagkat sa bandang huli baka itoy pagsisihan mo dahil ito ngay kanilang gagawin..

Sa HALIP,

Bilang mga nanay at magulang,ang dapat nating gawin ay i adjust natin ang ating mga sarili para maging maayos ang lahat..

NGUNIT..

siguraduhin lang natin na sa pagitan ng ating pag aadjust ay hindi mawala ang Respeto,paggalang,pagsunod at pagmamahal sa atin ng ating mga anak..

Big shout out to my newest top fans! 💎 Noor Maria Abdullah
01/09/2023

Big shout out to my newest top fans! 💎 Noor Maria Abdullah

Ang pagiging Ina ay ang pinakamasaya at pinakamasarap na pakiramdam sa buhay ng isang babae👩‍🦰
24/08/2023

Ang pagiging Ina ay ang pinakamasaya at pinakamasarap na pakiramdam sa buhay ng isang babae👩‍🦰

Kwentuhang KaNanay👩‍🦰Ang mga Ina ang lahat lahat sa kaniyang pamilya.Sya ang nagsisilbing pandikit na nagbubuklod sa lah...
11/08/2023

Kwentuhang KaNanay👩‍🦰

Ang mga Ina ang lahat lahat sa kaniyang pamilya.

Sya ang nagsisilbing pandikit na nagbubuklod sa lahat..

Sya ang manggagamot sa kanilang mga sugat
At sa wasak na puso

Sya ang sikat ng araw para sa kanyang mga anak,at sa lahat ng mga bagyo sa buhay na kanilang pinagdadaanan

Ang lakas,kapag silay mahina
Ang kaligtasan,kapag nakakatakot na ang kanilang mundo.
At ang kanilang pinakamatalik na kaibigan na kanilang karamay hanggang sa pagtanda.

Inuuna nya muna ang iba.
Sya ang huling naliligo
Ang huling umaalis ng bahay
At laging may nakakalimutan para sa sarili.

Nalilimutan na halos minsan ang magsuklay
Ang magpalit ng damit
Ang bumili ng sariling pangangailangan

At ginagawa nya ang lahat para sa kanyang mga anak..

Matyaga nyang itinuturo ang lahat ng mga bagay bagay sa kanyang mga anak..

Isa isa
Unti unti

Nagtitiis sya sa paghihintay sa gabi hanggat makita nyang nakauwi ng ligtas ang kaniyang mga anak..
May mga pagkakataon pa nga na minsan ay nagkakaroon ng mga alitan,tampuhan at away ngunit mtyaga syang umuunawa at namamagitan..

Sa kabila ng lahat
Bawat sakit,pagkakamali at laban
Mahal nya sila lahat.

Maraming pwedeng pumalit sa kanya sa paligid,
Ngunit walang maaaring pumalit sa kanyang pagiging dakila at mapagmahal..

At anu paman ang ating sabihing mga papuri hindi ito sapat,
Maging ang salitang salamat ay hindi sapat..

Ngunit ganun pa man.

Salamat aming Ina..

IKAW ANG AMING LAHAT..❤️❤️😘

To my dearest KaNanay na mga content creator na katulad ko,👩‍🦰Alam ko na ang iba sa inyo ay pinanghihinaan na ng kalooba...
10/08/2023

To my dearest KaNanay na mga content creator na katulad ko,👩‍🦰

Alam ko na ang iba sa inyo ay pinanghihinaan na ng kalooban dahil pakiramdam ninyo wala namang progress na nagaganap sa inyong pag ko content,pakiramdam nyo wala namang nanonood ng inyong mga video,pakiramdam nyo nauubusan na kayo ng mai co content.
Ang solusyon dyan,magpatuloy lang tayo kasi ang success naman ay hindi biglaan,hindi one night lang yung tipong pag nagsimula ka ngayon umaasa ka kagad na bukas makalawa ay malaki na agad ang growth mo..

Isipin mo na lang na kung nakakatulong ang content mo sa mga tao hindi ka mawawalan ng viewers na matutulungan sa araw araw,masarap sa pakiramdam yung nakakatulong tayo kahit sa maliit na paraan lang diba? At mapapansin mo na lang yan isang araw na sa kakagawa mo ng quality,engaging at informative content ay narating mo na pala yung gio goal mong marating..
So keep on going lang po
Keep on posting as long as alam natin na nag eenjoy tayo at tayo mismo ay natutulungan natin ang ating sarili na lumago,emotionally and physically ay isa ng malaking reward..

Have a nice day mga KaNanay..❤️

Ang maging Ina ay isang dakilang propesyon.Wala itong kontrata.Kaya dapat ay handa kang tanggapin sa sarili mo ang katot...
07/08/2023

Ang maging Ina ay isang dakilang propesyon.
Wala itong kontrata.

Kaya dapat ay handa kang tanggapin sa sarili mo ang katotohanang
Kapag naging nanay ka
Wala itong day off
Walang sahod
Walang log in,log out at
Wala itong katapusan

Simula ng isilang mo ang iyong unang sanggol ay simula nadin ng walang katapusan mong mga tungkulin bilang isang Ina.

Address

456A-Ipil Street Brgy Cembo Makati City
Makati
1214

Telephone

+639203720897

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Madiskarteng nanay si Mila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share