15/12/2024
Tuwing panahon ng kapaskuhan naging kaugalian na ang pagdaraos ng "Simbang Gabi" sa Pilipinas, ito ay ang Santa Misa na ginaganap sa gabi o madaling araw. Mula sa salitang Kastilang "Misa de Gallo" o "Misa ng tandang" dahil ang pag-tilaok ng manok ang hudyat sa pagbangon noon ng mga mag-anak para makinig sa misa sa pinakamalapit na parokya. Tinatawag din ang Simbang Gabi na "Misa Aguinaldo" o "Misa de Aguinaldo" na nangangahulugang Misa ng mga handog o alay. Sa huli, tinawag itong Misa-de-notse o Misa-de-Noche, misa ng gabi.
Ang Simbang Gabi ay pagdaraos ng Santa Misa, bawat madaling araw sa loob ng 9 na araw bago ang araw ng Pasko. Parating nagsisimula ang Misa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre. Kadalasang isinasagawa ito sa pagitan ng 4:00 AM - 5:00 AM ng madaling araw. Ito ay isinasagawa ng mga Katolikong Pilipino. Nagsisilbi rin ang Santa Misa bilang nobena para sa Birheng Maria. May mga pagkakataon na isinasagawa kasama sa Simbang Gabi ang tinatawag na "panuluyan" lalo na sa pinakahuling misa nito, ang tunay na Misa Aginaldo, o Misa-de-galyo.
Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino, karamihan ng mga tinatawag nating Kastila na pumaparito sa Pilipinas ay mga taga-Mehiko na o Mexicans na. Sa totoo lang noong Nobyembre 19 o 20 taong 1564 lang nagkaroon ng matagumpay na espedisyon ang mga Kastila sa pangunguna ni Miguel López de Legazpi pabalik ng Pilipinas, simula noong pinatay si Magellan ng mga katutubo. Ang paglalayag na ito ang tinawag na tornaviaje, kung saan si Andrés de Urdaneta, isang Agustinong Prayle ang pangalawang nakaikot sa mundo. Sila ay galing ng Mehiko. Si Urdaneta ay tinatawag na tagapagtanggol ng mga indio dahil sa kanyang mabuting pagtrato sa mga katutubong Pilipino. Si Urdaneta rin ang nakadiskubre ng ruta mula Pilipinas hanggang Mehiko na naging simulain ng Manila galleon trade na tumagal ng higit sa 2 siglo.
Sa Mehiko, taong 1587, pinayagan ng Santo Papa ang Mehikanong pari na si Diego de Soria na magdaos ng simba sa labas ng simbahan upang mapaunlakan ang napakaraming tao na nais makarinig ng misang panggabi. Sa Mehiko, tuwing gabi at magmimisa sila, kailangang ikalembang ang kampana para marinig sa kalayuan, kapag nagsimula na, ang mga pintuan ng simbahan ay bukas upang marinig sa labas ang Santa Misa.
Mula sa Mehiko, nadala ng mga Kastila ang tradisyong ito. Nag-umpisa sa bansa ang tradisyon ng simbang gabi noong 1669. Sinimulan ito ng mga pari dahil sa dami ng mga magsasakang nais dumalo sa misa tuwing kapaskuhan ngunit hindi nila maaaring iwan ang kanilang sakahan. Idinadaos nila ang simba sa madaling araw tuwing Adbieyento bilang paghahanda sa pagdating ng araw ng pagsisilang kay Hesus. Kadalasang isinasagawa nila ito tuwing hatinggabi, kaya't binansagan itong Simbang gabi. Nilipat ng mga pari sa madaling araw ang misa upang may gana pa ang mga tao, mga masisipag na magsasaka na dumalo. Ang mga mananampalatayang Pilipino ay nagsisigising ng madaling araw para dumalo sa misa upang ipakita ang malalim na pananampalataya nila sa Diyos bilang paghahanda sa araw ng kapanganakan ni Kristo na tinawag nating "Pasko".
Dikit na rin sa Simbang gabi ang mga nakaugaliang pagkain para sa mga galing sa Misa, ang p**o bungbong na kulay ube at ang p**ong bibingka. Dati, kasama ang tinatawag na suman sa pasko, suman sa ibos, pandesal at inuming salabat, tsokolate, tsaa at kape.
Ito ang mahalaga...
tanong, ano ang una, ang gabi o madaling araw?
Ito ang kinalilito ng karamihan.
Ang una po ay ang GABI.
Sinasabing nagsisimula ang "Simbang Gabi" sa December 16, dahil ang opisyal na oras ng simba ay "Madaling Araw" ngunit, dahil sa iba't ibang schedule ng modernong Pilipino, may mga call center agents na madaling araw magtrabaho, may mga iba't ibang schedule na kahit noon pang 80's and 90's era, may "Simbang Gabi" sa gabi na. Kaya ang nauunang "misa" ay December 15 ng Gabi, ito ang pinaka una.
Kaya ang Misang Gabi 8:00 pm ng December 15 ay iisa lang sa misa ng Madaling Araw 4:00 am ng December 16.
Kailangan daw mabuo ang 9 na Simbang Gabi. Ito ang breakdown nyan:
1st mass
(Dec 15 @8:00pm or Dec 16 @4:00 am)
2nd mass
(Dec 16 @8:00pm or Dec 17 @4:00 am)
3rd mass
(Dec 17 @8:00pm or Dec 18 @4:00 am)
4th mass
(Dec 18@ 8:00pm or Dec 19 @4:00 am)
5th mass
(Dec 19 @8:00pm or Dec 20 @4:00 am)
6th mass
(Dec 20 @8:00pm or Dec 21 @4:00 am)
7th mass
(Dec 21 @8:00pm or Dec 22 @4:00 am)
8th mass
(Dec 22 @8:00pm or Dec 23 @4:00 am)
9th mass, the last "Simbang Gabi"
(Dec 23 @8:00pm or Dec 24 @4:00 am)
Ibig sabihin, kung nagsimba ka sa 3rd Mass, Dec. 18 ng 4:00am at ang kasunod mong misa ay December 19 ng 8pm, nakamintis ka na ng 1 at hindi na kumpleto ang simbang gabi mo. Kahit pa magkasunod na araw kang nagsimba, nakamintis ka ng isa. Dahil ang Dec. 19 na 8pm ay sakop na ng 5th mass, namintisan mo ang 4th mass. Hindi ka na kumpketo. Olats ka. Kapag same day ang misa na dinaluhan mo, magkahiwalay sa count yun. Ang mga 8pm mass ay tinatawag na "anticipated mass" at kailangan ding paalalahanin ang mga Katoliko na ang Sunday mass ay hindi "anticipated" mass para sa susunod na araw. Alamin ang Sunday Masses na pumapaloob sa 9 days mo.
Ang gabi ng December 24 ay Christmas Eve mass na, hindi ito bahagi ng Simbang Gabi. Better luck next year, kung mabubuo mo ang "9".