KuyaMar MOTO

KuyaMar MOTO WALANG REWIND SA BUHAY KAYA PILIIN MO LAGING MASAYA❤️❤️

PA SUPPORT NAMAN PO MGA KA MOTO
PA FOLLOW AND SHARE MARAMING SALAMAT PO GOD BLESS ALWAYS ❤️❤️😇
(1)

06/12/2024
06/12/2024

fans

01/10/2024

Sa lipunan na meron tayo,
ay napakaraming "marites" dito,
o napakaraming chismosa o chismoso,
👍
yung naging hilig na nila ang alamin ang mga "latest" o bago,
yung naging bisyo na nila makialam sa buhay ng ibang tao,
yung naging "hobby" na nila ang suriin ang mga "issue" at gawan ng kwento,
👍
kaya hindi mo na kailangan ipaalam o ipagkalat ang mga nangyayari sa buhay mo,
hindi mo na kailangan isapubliko ang mga nakakamtan mo,
hindi mo na kailangan mag "flex" ng mga "achievement or success" mo,
hindi mo na kailangan isiwalat o ihayag ang mga "latest update" tungkol sayo,
hindi mo na kailangan magp**ita ng proweba o patunay ng mga tungkol sayo,
👍
dahil nandyan lang yung mga "marites" sa paligid mo,
na palaging "to the rescue" pagdating sa "update" ng buhay mo,
nagmamasid at nakasubaybay sayo,
👍
tapos ikaw naman ang gagawin mo nalang ay manahimik o ipagsawalang-kibo,
yung mga naririnig at nakikita mo,
na kinikilos nila o nung ibang tao,
👍
yung wala kang p**i sa kanila at sa ginagawa nilang kahibangan ukol sayo,
yung wala kang p**ialam sa anomang iisipin o sasabihin nila ukol sayo,
👍
tinatawanan mo nalang yung mga ginagawa nila sayo,
nginingitian mo nalang yung mga sinasabi nila ukol sayo,
dinidedma mo nalang yung mga naririnig nakikita nalalaman mo,
👍
"immature" kase yung mga ganung tao,
kaya hindi na dapat pinagpapapansin pa yung mga ganung klase ng tao,
hindi na dapat iniintindi pa yung mga ganung uri ng tao,
lalo na kung "professional" kang tao,
e maging propesyunal din dapat ang asta mo o trato,
sa mga ganung tao dito sa lipunan na meron tayo.

24/09/2024

Sa tinagal-tagal ko dito sa mundo,
isa sa mga aral na natutunan ko,
ay huwag mong gawin ang isang bagay na hindi kalugod-lugod sa iyo,
kung ang dahilan lang naman ay magustuhan ka ng mga tao.
👍
Huwag ka magpapadala sa sinasabi nila sayo,
huwag mong hayaan na diktahan ka ng ibang tao,
manindigan ka lang sa paniniwala mo,
basta alam mong nasa tama at nasa mabuti ito,
gawin mo lang ang mga gusto mo,
ituloy mo lang ang mga trip mo,
parang sa pagra-ride lang natin yan o pagmo-motorsiklo,
"Ride at your own pace" ika nga diba mga bro.
👍
Alam niyo mga bro,
kung ihahalimbawa itong pagba-vlog ko,
sa isang taon ko nang ginagawa ito,
e madalas akong dinidiktahan sa ginagawa ko,
na tipong inuutusan ako ng ibang tao,
kesyo ganito ganyan ganon daw ang gawin ko,
para maraming manood o makinig ng mga Vlog ko,
para maraming magbasa ng mga Blog ko,
para dumami ang views at revenue o kita ko,
para dumami ang bilang ng followers ko,
o para dumami ang sumuporta sa ginagawa ko.
👍
Minsan tama din naman ang mga advise sakin ng tao,
inuunawa ko naman at nakikinig din naman ako,
pero hindi ko sinusunod ang kanilang gusto,
dahil may sarili akong disisyon at prinsipyo,
sabi ko nga sa inyo iba-iba tayo,
may kanya-kanya tayong trip mga bro,
kagaya ko na may sariling mundo,
kung saan ako masaya e dun ako,
gagawin ko kung ano ang gusto ko,
kumikilos ako sa paraan na alam ko at kaya ko.
👍
Pakatatandaan natin itong sasabihin ko mga bro,
"be your own kind of man / woman"
"create your own sunshine"
"grow at your own pace"
"believe in yourself and have trust in your abilities"
"do not let anyone plant on your garden"
👍
Ganito kasi yan mga bro,
may sarili tayong kakayahan at talento,
may magagawa at magagawa tayo,
kahit na solo lang tayo,
kahit na sariling sikap lang tayo,
hindi naman natin kailangan mamalimos ng paghanga sa mga tao,
hindi natin kailangan manghingi ng suporta sa mga tao,
hindi natin kailangan makiusap sa kanila na tangkilikin tayo,
dahil kusa naman nila ibibigay yan sayo,
kahit hindi mo hiniling sa kanila ito,
"we can't please everyone" ika nga diba mga bro,
hindi natin mapi-please ang bawat tao,
hindi natin sila mapipilit na magustuhan tayo.
👍
Walang perpekto dito sa mundo,
lahat naka-balanse dito,
napakaganda mo man o napakagwapo,
basta ayaw nila sayo e AYAW talaga nila sayo,
napakabait mo man at napakahusay o napakatalino,
e kung hindi ka talaga nila trip o gusto,
e huwag mo nang ipagpilitan pa ang sarili mo,
sa panahon kasi ngayon dito sa mundo,
maganda man ang imahe mo,
masama ka man o mabuting tao,
gumawa ka man ng tama o mali dito,
e may masasabi at masasabi parin sila sayo,
dahil sabi ko nga sa inyo iba-iba tayo,
iba't-iba ang isip paningin at kilos ng tao.

Kuya Mar Tv

14/09/2024

Naalala ko yung laging sinasabi sakin ni lola dati
“Ngumiti kayo sa inyong Ama kapag umuwi siya sa bahay dahil ang mundo sa labas ay malupit at nakakapagod para sa mga ama.”

Ano ang pagkakaiba ng ina at ama?

• Ang ina ay nagdadala sa’yo sa kanyang sinapupunan nang 9 na buwan.
• Ang ama ay nagdadala sa’yo sa buong buhay niya (kahit hindi mo napapansin).
• Ang ina ay tinitiyak na hindi ka nagugutom.
• Ang ama ay tinuturuan ka kung paano hindi magutom (ngunit hindi mo agad naintindihan).
• Ang ina ay inaalagaan ka sa kanyang dibdib.
• Ang ama ay kinakarga ka sa kanyang likod (ngunit hindi mo nakikita).

Ang pagmamahal ng ina ay nalalaman mo mula sa iyong kapanganakan.
Ang pagmamahal ng ama ay nauunawaan mo kapag naging ama ka na rin (kaya’t maghintay ka nang may pagtitiis).

Ang ina ay walang katumbas na halaga.
Ang ama ay hindi mapapalitan ng panahon.🥰🥹

Ccto:

Kuya Mar Tv

Address

Malinao Majayjay Laguna
Majayjay
4005

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KuyaMar MOTO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to KuyaMar MOTO:

Videos

Share

Category