04/03/2023
Noong Feb. 13, 2023, pinatawag ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang PCSO para sa isang hearing kung saan pinagdiinan niya na, sa ayaw o gusto ng PCSO, ay kailangang mabigyan ng health at work benefits ang mga kabo at kubrador ng STL.
Nagsiyaman at naging bilyonaryo ang mga STL operators aka “gambling lords” dahil sa dugo at pawis ng kanilang mga kabo at kubrador na siyang sumusuyod sa kasuluksulukan ng barangay, bumagyo man o umaraw, para mangolekta ng taya.
Pagkatapos, kapag nagkasakit ang mga pobreng manggagawa at lumapit sa mga bilyonaryong among ito ay kailangan pa nilang magmakaawa para matulungan sa pambili ng gamot at pampadoktor nila o ng kanilang pamilya. Kadalasan, sila pa ay tinatabla.
Dito, labis na umusok sa galit si Sen. Idol at hindi siya papayag bilang Vice Chairman ng Senate Committee on Games and Amusement na magpapatuloy pa ang ganitong napakabulok na sistema.
At ngayong araw, March 1, 2023, nakatanggap ang Opisina ni Sen. Tulfo ng liham mula sa PCSO na sila ay kumikilos na bilang pagsunod sa kanyang kagustuhan na magkaroon na ng health, pati na work benefits, ang mga matagal nang inaaping kabo at kubrador.
Pero hindi pa dito nagtatapos ang aming aksyon. Sa mga susunod na hearing, sisiguraduhin ni Sen. Raffy na ito ay tuluyan nang maipapatupad.
Raffy Tulfo Vlogs: https://bit.ly/3mpN9sp
TikTok: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialTikTok
Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagram
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite