17/03/2020
[ ANG PAGSUNOD SA ATING MGA PINUNO AY WAJIB ]
Ang punto natin dito at sa post kagabi ay nais natin ipaunawa na KUNG ANG PINUNO NG INYONG LUGAR (LOCAL GOVERNMENT) tulad ng Mayor AY HINDI PA NAG ISYU NA IPASARA ANG MASJID AY IPAGPATULOY NATIN ANG PAGSASALAH SA ATING MASJID.
👉 SUBALIT KUNG O KAPAG NAG ISYU ANG ISANG MAYOR NA IPASARA PANSAMANTALA ANG MASJID PARA MAKAIWAS AY OBLIGADO TAYONG SUMUNOD, AT PARA HINDI NA DIN MAGDULOT NG HINDI MAGANDA SA ATING KOMUNIDAD DAHIL SA HINDI NATING PAGSANG-AYON SA PINUNO.
Sapagka't ito ang mas makakabuti pagkaraan ng pakikipag-usap nila sa ating mga Ulama.
👉 Isa pa, Hindi ito sumasalungat sa Islam dahil ang lockdown o Community Quarantine ay may saligan o batayan sa Islam.
• Dahil sa Panahon ng Mahal na Propeta (saw) ay nagkaroon ng isang Kalamidad at kanyang ipinag-utos sa tumatawag ng Adhan na kanyang banggitin sa Adhan ang katagang " SALLÚ FI RIHÁLIKUM " sa ibang salaysay "SALLUU FI BUYUTIKUM" (KAYO'Y MAGSALAH SA INYONG MGA TAHANAN) dahil sa sakuna na nangyari.
Yan ang dahilan kung bakit Umiral yang naisalaysay na " SALLUU FI BUYÚTIKUM" upang ipaunawa na may mga mangyayaring kalagayan na ang Salah ay sa bahay natin maisasagawa dahil sa sakuna katulad ng mayroon tayo ngayon (Covid).
• Kahit pa sa panahon ni Omar (ra) na kung saan dumatal sa Sham ang Sakunang Táun (sakit ng Virus na nakakamatay) ay ganyan din ang ipinag-utos ni Omar at ang pinuno ng Sham na si Am'r ibn al-ás.
Kahit sa bansang Kuwait ngayon ay kanilang inimplement ang Hadith.
NANGANGAHULUGAN BA 'YAN NA WALANG YAQEEN ANG MAHAL NA PROPETA (SAW) AT ANG KANYANG MGA SAHABAH !?!
👉 KAALAMANG MAY BATAYAN AT SALIGAN ANG DAPAT PAIRALIN, AT HINDI EMOSYON AT YAQEEN NG MGA LIHIS NA SEKTA TULAD NG SUUFI ASHAIRAH.
SINABI NI ALLAH:
﴿ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَأُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنكُمۡۖ }
{ O kayong mga naniwala, sumunod kayo sa Allah at sumunod sa Sugo [si Muhammad], at sa mga namumunong kabilang sa inyo. } [Annisa':59]
Ang tanging sumasalungat nito ay ang mga SUUFI ASHÁIRAH AT ILANG SHIAH. Kaya, 'wag nyo na silang pansinin at paglaanan ng Oras, dahil wala silang naitutulong kundi panggugulo at pagdudulot ng Fitnah.
👉 [ PAYO ]
Dapat nating unawain na ito'y tanging pagsubok lamang at pansamantala, kaya lilipas din ito, inshaAllah. Kailangan lang nating magtimpi at magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.
YA ALLAH! KAMI PO'Y UMAAMIN SA AMING PAGKAKASALA AT PAGKUKULANG, AT KAMI'Y NAGBABALIK LOOB SAYO, TANGGAPIN NYO PO ANG AMING PANALANGIN NA MAWALA AT MAGLAHO NA ANG SAKIT NA ITO SA BUONG MUNDO.
ÁMEEN YA RABBANA, YA HAYYU YA QAYYUM.
✍ (Abu Haneen) Nasruddin Ibn Abdullah
Qassim University, KSA.