08/10/2024
Kaka-join ko lang sa SLEX group sa Facebook mga ilang buwan na para makita ko status ng traffic whenever dumadaan kami, para di hassle bumyahe. Napansin ko lang, simula last month, ang daming issues na lumalabas sa group na ito, tungkol sa faulty RFID at RFID scanners, debris na nag-cause ng inconvenience sa mga motorista, sumasabog na gulong, gasgas sa mga kotse, at pati windshields.
Kung once in a while lang, like 2-3 times, okay lang sana. Pero consistent ang mga issues, especially yung debris na nagiging sanhi ng flat na gulong at sira sa sasakyan. Bakit hindi ina-address ng SLEX management ang mga ganitong problema?
Simple tao lang ako, wala akong masyadong alam sa batas o legal aspects, pero bakit ganun? Di ko mapigilang mag-isip, iniisip ko na huwag na lang dumaan sa SLEX kasi parang nakakatakot na. At syempre, di ako ganun kayaman para ishrug lang na palitan na lang ang gulong dahil hindi naman mura ang gulong ng sasakyan.
Ganto na ba talaga sa Pilipinas ngayon? Ang hirap maging liable yung mga dapat liable sa mga ganitong issues?
Yung mga politicians natin, kanya-kanyang pabango sa mga hearings, addressing kuno ang mga issues, pero itong mga simpleng problema hindi nila ma-address.
Bakit? Kasi hindi worth it? Kasi hindi ito katulad ng trending issues about Alice Guo na spotlight at para magpa-pogi sila?
Hindi lang siguro ito sa SLEX; sigurado may mga ganitong issues din sa ibang companies na nag-aangkin ng mga ganitong incompetencies at di nahahawakan ng responsibilidad.
Pero oo, parang nag-fail ang government natin na protektahan ang mga tao, dahil abala sila sa pagpapapogi sa madla, kaya lagi nilang pinapansin yung mga nasa spotlight? Lahat gustong makuha ang attention, pero walang willing na ayusin ang problema.
Opinyon ko lang ito, pero sana dumating yung time na ang government natin ay talagang mag-protect sa atin laban sa mga abusive at incompetent na businesses, na talagang pro-people at hindi lang tuwing election gumagalaw.
Photo Credits: All photos shared in this post are credited to the respective owners from the SLEX Traffic Public Group.