Patrol Probinsya

Patrol Probinsya MGA BALITANG KINALAP MULA SA MGA PROBINSYA

26/12/2024

• ISA PATAY AT 22 SUGATAN SA 9 AKSIDENTE NG MGA SASAKYAN SA QUEZON NITONG PASKO
• BINATANG TUMATAWID NILAMON NG ILOG SA GENERAL NAKAR, QUEZON
• PAGDAGSA SA BOCAUE PARA SA PAPUTOK, NAGSIMULA NA
• MGA NAPUTUKAN BAGO MAG-NEW YEAR, LUMOBO PA SA 69
• BFP: 32 SUNOG SA BUONG TAON DULOT NG PAPUTOK, PAILAW

MGB FRIDAY – DECEMBER 27, 2024

WATCH US AT:
PATROL PROBINSYA NEWS TELE-FB, 105.3 FM PAKAKAK NG BAYAN FB, NEWSROOM PILIPINAS FB.COM, TROPANG ETC FB, FRONTPAGE FB, , PILIPINAS NGAYON FB, MAGANDANG GISING BAYAN FB PAGE, STAR TELEVISION AT DREAMSTAR TELERADIO
Madidinig sa DCG RADIO TV NETWORK 95.1 KISS FM

12/12/2024

• MISTER PATAY, MISIS SUGATAN, MATAPOS NA RATRATIN SA SARILING TINDAHAN SA STA. ROSA, LAGUNA
• BINATANG NAKAKAINOM, PATAY SA SUMEMPLANG NA MOTORSIKLO SA LUCBAN, QUEZON
• KAUNA-UNAHANG GLASS WALK SA BANSA AT VERDE ISLAND PASSAGE MARINE BIODIVERSITY CENTER MALAPIT NG MAGBUKAS SA BATANGAS
• COMELEC: HIGIT 68,000 PDL ANG PINAPAYAGANG BUMOTO SA HALALAN 2025
• GOBYERNO LUGI NG P88B DAHIL SA PAGSASAMANTALA SA PWD ID
• MAS MAHABANG GABI MARARANASAN MULA DISYEMBRE HANGGANG PEBRERO: PAGASA

MGB FRIDAY – DECEMBER 13, 2024

WATCH US AT:
PATROL PROBINSYA NEWS TELE-FB, 105.3 FM PAKAKAK NG BAYAN FB, NEWSROOM PILIPINAS FB.COM, TROPANG ETC FB, FRONTPAGE FB, , PILIPINAS NGAYON FB, MAGANDANG GISING BAYAN FB PAGE, STAR TELEVISION AT DREAMSTAR TELERADIO
Madidinig sa DCG RADIO TV NETWORK 95.1 KISS FM

08/12/2024

• BABAE, PATAY SA SAKSAK SA TANAUAN CITY, BATANGAS, 2 SUSPEK ARESTADO
• 2 PATAY, 1 SUGATAN SA BANGGAAN NG TRAK AT MOTORSIKLO SA ALAMINOS, LAGUNA
• DALAWANG HVI, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA LUCENA CITY, P680K NA HALAGA NG SHABU NASAMSAM
• QUEZON GOVERNOR HELEN TAN, LAKING PASASALAMAT SA PROGRAMA NG REPORMA SA LUPA NI PBBM
• 3 SAMA NG PANAHON MAGPAPAULAN SA ILANG PARTE NG ‘PINAS
• MAS MALAMIG NA PANAHON MARARAMDAMAN SA SUSUNOD NA LINGGO

MGB MONDAY – DECEMBER 9, 2024

WATCH US AT:
PATROL PROBINSYA NEWS TELE-FB, 105.3 FM PAKAKAK NG BAYAN FB, NEWSROOM PILIPINAS FB.COM, TROPANG ETC FB, FRONTPAGE FB, , PILIPINAS NGAYON FB, MAGANDANG GISING BAYAN FB PAGE, STAR TELEVISION AT DREAMSTAR TELERADIO
Madidinig sa DCG RADIO TV NETWORK 95.1 KISS FM

2 KANDIDATO SA PAGKAKONGRESISTA NG LAGUNA, DINIS-QUALIFIED NG COMELECKinansela ng Comelec ang kandidatura ng dalawang ka...
05/12/2024

2 KANDIDATO SA PAGKAKONGRESISTA NG LAGUNA, DINIS-QUALIFIED NG COMELEC

Kinansela ng Comelec ang kandidatura ng dalawang kandidato sa pagka-kongresista ng 2ND district ng Laguna.
Sa desisyon ng Second Division ng Comelec, nakasaad na kanselado ang kandidatura nina Winy “Ram” Villanueva Hernandez at Dante "Romeo" Hernandez para sa posisyong kinatawan ng House of Representatives ng 2nd District ng Laguna sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, 2025.
Ayon sa petisyon na isinampa ng kasalukuyang Gobernador ng Laguna na si Ramil Hernandez, ang alyas na “Ram” ay ginamit lamang ni Winy Hernandez nang siya’y magsumite ng kanyang sertipiko ng kandidatura noong Oktubre 6, 2024.
Sa petisyon, iginiit ni Gob. Hernandez na kilala si Winy sa kanilang komunidad bilang “Winy” o “Winnie” at hindi kailanman ginamit ang alyas na “Ram” at ang biglaang paggamit nito ng ng alyas ay malinaw anya na sinadya upang lituhin at linlangin ang mga botante.
Ganoon din ang naging desisyon kay Dante Aguilar Hernandez na bigla namang gumamit ng pangalang na Romeo sa kanyang COC.
Sa pahayag naman ni Governor Hernandez, sinabi nito na bukod sa pagtatanggal ng kanilang mga pangalan sa listahan ng mga kandidato ay nararapat lamang anya na managot sila sa batas at ang mga taong nasa likod nito.
Nakatakdang maghain ng demanda si Governor Ramil laban sa dalawa.

PHILIPPINE  INFORMATION AGENCY O PIA CALABARZON, UMAANGAL SA MULING PAGLABAS NG KANILANG GRAPIX TUNGKOL SA AKTIBIDAD NG ...
03/12/2024

PHILIPPINE INFORMATION AGENCY O PIA CALABARZON, UMAANGAL SA MULING PAGLABAS NG KANILANG GRAPIX TUNGKOL SA AKTIBIDAD NG TAAL VOLCANO
__
Maging mapanuri sa mga impormasyon na kumakalat sa social media patungkol sa bulkang Taal.
Ito ang panawagan ng Philippine Information Agency o PIA CALABARZON kaugnay sa paglabas ng babala tungkol sa mga barangay na posibleng maapektuhan ng volcanic tsunami mula sa Taal volcano sa harap ng biglaan at sandaling pag-aalburuto ng bulkan kahapon ng umaga.
Ayon sa PIA CALABARZON, ang kanilang social media graphic patungkol sa mga barangay na nasa panganib ng volcanic tsunami na una nilang inilathala noong Enero 2020 sa kasagsagan ng pagputok ng Bulkang Taal, pero ito ay muling inilathala ng ilang social media groups.
Ayon pa dito, ang impormasyong ito ay hindi na updated at hindi konektado sa minor phreatomagmatic eruption na naganap sa Bulkang Taal kahapon araw, Disyembre 3.
Pinaalalahanan din nila ang mga social media groups na na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon patungkol sa sitwasyon ng Bulkang Taal at huwag magpakalat ng mga mali at hindi updated na impormasyon na maaaring magdulot ng takot sa publiko.
Hinikayat ng PIA Ang publiko na tumutok lamang sa opisyal page ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology para sa pinakabagong updates ukol sa mga aktibidad ng Bulkang Taal.

Lola nahulog sa dagat sa bayan ng  Quezon, Quezon, nakita sa dalampasigan  sa Gumaca
03/12/2024

Lola nahulog sa dagat sa bayan ng Quezon, Quezon, nakita sa dalampasigan sa Gumaca

02/12/2024

• MAG-ANAK NA NAKAMOTORSIKLO, NASALPOK NG BUS SA ATIMONAN, QUEZON, AMA PATAY, ANAK MALUBHANG NASUGATAN
• IKALIMA: OBRERO PATAY SA PAMAMARIL SA CANDELARIA, QUEZON
• SECURITY GUARD PATAY SA PAMAMARIL SA LOBO, BATANGAS
• TAAS-PRESYO NG GASOLINA, KASADO NA
• 1 HANGGANG 2 BAGYO POSIBLE NGAYONG DISYEMBRE

MGB TUESDAY – DECEMBER 3, 2024

WATCH US AT:
PATROL PROBINSYA NEWS TELE-FB, 105.3 FM PAKAKAK NG BAYAN FB, NEWSROOM PILIPINAS FB.COM, TROPANG ETC FB, FRONTPAGE FB, , PILIPINAS NGAYON FB, MAGANDANG GISING BAYAN FB PAGE, STAR TELEVISION AT DREAMSTAR TELERADIO
Madidinig sa DCG RADIO TV NETWORK 95.1 KISS FM

Tatlong tao kabilang ang isang babae, ang nasawi sa insidente ng pananaga sa   Calamba City, Laguna,  na nag-ugat umano ...
26/11/2024

Tatlong tao kabilang ang isang babae, ang nasawi sa insidente ng pananaga sa Calamba City, Laguna, na nag-ugat umano sa pagseselos ng lalaking sinasabing may kagagawan sa krimen. Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek at maging ang live in partner nito na itinuturing na din na person of interesto suspek sa brutal na pagpaslang.

24/11/2024

MGB MONDAY – NOVEMBER 25, 2024
• KAPITAN NG BARANGAY NG SAN NICOLAS, BATANGAS, SUGATAN SA AKSIDENTE SA QUEZON
• TINDAHAN NG MGA CELLPHONE NILIMAS NG MGA KAWATAN
• BINATA PATAY SA PANANAKSAK NG MENOR DE EDAD SA LIAN, BATANGAS
• 4 BAGONG KASO NG MPOX NAITALA SA CALABARZON
• GASOLINA, DIESEL SISIPA PRESYO

WATCH US AT:
PATROL PROBINSYA NEWS TELE-FB, 105.3 FM PAKAKAK NG BAYAN FB, NEWSROOM PILIPINAS FB.COM, TROPANG ETC FB, FRONTPAGE FB, , PILIPINAS NGAYON FB, MAGANDANG GISING BAYAN FB PAGE, STAR TELEVISION AT DREAMSTAR TELERADIO
Madidinig sa DCG RADIO TV NETWORK 95.1 KISS FM

17/11/2024

NEWS:

NADIDINIG SA DCG RADIO TV NETWORK SA HIMPILAN NG 105.3 FM ANG PAKAKAK NG BAYAN – SUPER TUNOG PINOY

ALSO WATCH US AT: PATROL PROBINSYA NEWS TELE-FB, NEWSROOM PILIPINAS FB.COM, TROPANG ETC FB, FRONTPAGE FB, 105.3 FM FB AND AT MAGANDANG GISING BAYAN FB PAGE

17/11/2024

test

28/10/2024

• 20 BIKTIMA NG LANDSLIDE SA TALISAY NAREKOBER NA LAHAT
• BUONG LALAWIGAN NG QUEZON ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY
• ESTUDYANTE PATAY, 4 NA KASAMA SUGATAN NG SUMALPOK ANG KOTSE SA POSTE
• PBBM IPINAG-UTOS ANG NON-STOP RESCUE, RELIEF OPERATIONS SA MGA KRISTINE-HIT AREAS HABANG PAPALAPIT ANG PANIBAGONG BAGYO
• TAAS-PRESYO SA GASOLINA, DIESEL, KEROSENE ASAHAN NGAYONG MARTES

MGB TUESDAY – OCTOBER 29, 2024

WATCH US AT:
PATROL PROBINSYA NEWS TELE-FB, 105.3 FM PAKAKAK NG BAYAN FB, NEWSROOM PILIPINAS FB.COM, TROPANG ETC FB, FRONTPAGE FB, , PILIPINAS NGAYON FB, DREAMSTAR LUCENA TELERADYO , MAGANDANG GISING BAYAN FB PAGE AT Dreamstar Teleradio nationwide, Star TV Philippines, Star Television Broadcasting Station
Madidinig sa DCG RADIO TV NETWORK 95.1 KISS FM

1 TAONG GULANG NA BATA, NAANOD NG BAHA MATAPOS MAHULOG SA KANAL SA SAN ANDRES, QUEZON Nasawi ang isang taon at walong bu...
23/10/2024

1 TAONG GULANG NA BATA, NAANOD NG BAHA MATAPOS MAHULOG SA KANAL SA SAN ANDRES, QUEZON

Nasawi ang isang taon at walong buwang gulang na batang lalaki nang ito umano ay mahulog sa kanal at matangay ng baha sa San Andres, Quezon nitong Martes ng umaga.
Sa dagat na natagpuan ang biktima nitong Martes ng tanghali.
Ayon sa report ng San Andres police, natutulog umano ang ina ng bata at isa pang anak nito nang nakalabas sa gate ang biktima at nakapunta sa kanal na nasa harapan lamang ng kanilang bahay.
Hinihinalang naglaro ang bata sa gilid ng mahulog ito at natangay ng malakas na agos ng tubig.
photo; Quezon PNP

14/10/2024

• VENDOR TIGOK SA PAMAMARIL NG NAKA-KOTSENG GUNMAN SA SARIAYA, QUEZON
• 2 ESTUDYANTENG LALAKI PATAY SA PAGKALUNOD SA FALLS SA MARAGONDON, CAVITE
• COMELEC PINALAWIG DEADLINE SA PAGHAHAIN NG PETISYON VS NUISANCE CANDIDATES
• DAGDAG PRESYO SA PETROLYO PAPALO SA HIGIT P2

MGB TUESDAY – OCTOBER 15, 2024

WATCH US AT:
PATROL PROBINSYA NEWS TELE-FB, 105.3 FM PAKAKAK NG BAYAN FB, NEWSROOM PILIPINAS FB.COM, TROPANG ETC FB, FRONTPAGE FB, , PILIPINAS NGAYON FB, DREAMSTAR LUCENA TELERADYO , MAGANDANG GISING BAYAN FB PAGE AT Dreamstar Teleradio nationwide, Star TV Philippines, Star Television Broadcasting Station
Madidinig sa DCG RADIO TV NETWORK 95.1 KISS FM

NA-ADDICT SA ONLINE GAME, NAGBIGTIIsang 25-anyos na  lalaking na-addict sa online game ang nagpakamatay sa pamamagitan n...
11/10/2024

NA-ADDICT SA ONLINE GAME, NAGBIGTI

Isang 25-anyos na lalaking na-addict sa online game ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa bahay ng kanyang tiyo sa Sariaya, Quezon.
Ayon sa report, dakong alas 7:00 ng umaga ng Huwebes ng madiskubre ang wala ng buhay na katawan ng biktima na nakabitin mula sa kisame.
Ayon sa pamilya ng biktima, nag-iisang nakatira sa bahay ng kanyang tiyo ang biktima at nagsimula itong makaramdam ng depression at hindi na makatulog buhat ng ma-addict sa paglalaro ng online casino games na Scatter Slot.
Malimit umano ay hindi na ito nakakakin at nalilipasan ng gutom sa paglalaro.

BUS DRIVER PATAY  NG ARARUHIN NG TRUCK NA NAWALAN NG PRENO SA QUEZONPatay ang isang bus driver matapos na ito ay masagas...
11/10/2024

BUS DRIVER PATAY NG ARARUHIN NG TRUCK NA NAWALAN NG PRENO SA QUEZON

Patay ang isang bus driver matapos na ito ay masagasaan at makaladkad ng truck na nawalan ng preno sa palusong na bahagi ng highway sa new diversion road, Sitio Amao, Brgy. Silangang Malicboy, Pagbilao Quezon nitong Biyernes ng madaling araw.

Batay sa report ng Pagbilao PNP, patungo sa direksyon ng Maynila ang bus ng ihinto ito ng driver sa gilid ng Atimonan-Pagbilao diversion road dakong alas 3:15 ng madaling araw, upang i-check ang kanilang preno dahil tatahak sila sa mahabang lusong.

Subalit pagbaba ng driver at iniinspeksyon ang gulong, nasagasaan ito ng kanilang kasunod na ten wheeler truck na nawalan ng preno dahil sa bigat ng kargang mga scrap materials.
Ayon sa pahinante ng truck, nawalan ng kontrol ang kanilang driver at nag-overshot ito sa kalsada at sumalpok sa likuran ng bus kungsaan naroon ang nasawing driver.

Nakaladakad pa ng truck ang biktima ng nasa ilang metro sa open canal na agarang ikinasawi nito.

Tuluyan namang nahulog ang truck sa nasa 5-metrong lalim na bangin na ikinawasak nito at ikinasugat ng driver.

PHOTO COURTESY: QUEZON PNP

BANGKAY NG LALAKI, BUMULAGA SA ILALIM NG TULAY SA LIPA CITYIsang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang nadiskubre ...
21/09/2024

BANGKAY NG LALAKI, BUMULAGA SA ILALIM NG TULAY SA LIPA CITY

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang nadiskubre sa ilalim ng tulay sa Brgy. 10, Lipa City, Batangas nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa report, isang traffic enforcer ang nakapansin sa biktima na nakahandusay sa ilog sa ilalim ng Sabang Bridge dakong alas 8:30 ng umaga.
Agad itong tumawag ng rescue team at nilusong ang ilog.
Pero kinumpirma ng mga tauhan ng Lipa City CDRRMO na wala ng buhay ang lalaki.
Agad ding nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya at ang SOCO at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima at kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

Photo: LIPA CITY DRRMO

Address

CampGNakar
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Patrol Probinsya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share