1188 DZLT Radyo Pilipino Lucena

1188 DZLT Radyo Pilipino Lucena Kami ang DZLT Radyo Pilipino 1188. Kabahagi mo sa balita at impormasyon nasaang panig ka man ng mundo. Radyo Pilipno, ang Radyo ng Pilipino!

BONIFACIO DAY ✊🇵🇭Ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 30 ang Bonifacio Day bilang pag-alala kay Andres Bonifacio, isa sa mga ...
30/11/2025

BONIFACIO DAY ✊🇵🇭

Ipinagdiriwang tuwing Nobyembre 30 ang Bonifacio Day bilang pag-alala kay Andres Bonifacio, isa sa mga nagtatag ng Katipunan at pangunahing pinuno ng himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol noong 1896.

Sa araw na ito, kinikilala natin ang kanyang mahalagang papel sa pagsisimula ng rebolusyon at ang kanyang ambag sa pagkakamit ng kalayaan, bilang paalala na ang tapang at pagkakaisa ay patuloy na mahalaga sa pagbuo ng isang makatarungan at malayang bayan. 🇵🇭✨

25 DAYS BEFORE CHRISTMAS! 🎄✨Quarterway to Christmas! Handa na ba ang budget para sa gift shopping, Kabahagi? 💸🎄 |
30/11/2025

25 DAYS BEFORE CHRISTMAS! 🎄✨

Quarterway to Christmas! Handa na ba ang budget para sa gift shopping, Kabahagi? 💸🎄 |

MORNING PRAYER 🙏 | November 30, 2025
29/11/2025

MORNING PRAYER 🙏 | November 30, 2025

BACK ON THE THRONE 🏅Muling itinanghal na kampeon ang NU Pep Squad sa UAAP Season 88 Cheerdance Competition matapos nilan...
29/11/2025

BACK ON THE THRONE 🏅

Muling itinanghal na kampeon ang NU Pep Squad sa UAAP Season 88 Cheerdance Competition matapos nilang magpakitang-gilas sa kanilang matinding at walang-kupas na performance. |


📸: UAAP Media Team

ADAMSON FINISHES STRONG 🥈Nagwagi bilang 1st Runner-Up ang Adamson Pep Squad sa UAAP Season 88 Cheerdance Competition mat...
29/11/2025

ADAMSON FINISHES STRONG 🥈

Nagwagi bilang 1st Runner-Up ang Adamson Pep Squad sa UAAP Season 88 Cheerdance Competition matapos ang kanilang solid at well-executed na performance ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena. |

📸: UAAP Media Team

FEU TAKES PLAY 🥉Tinanghal na 2nd Runner-Up ang FEU Cheering Squad sa UAAP Season 88 Cheerdance Competition matapos ang k...
29/11/2025

FEU TAKES PLAY 🥉

Tinanghal na 2nd Runner-Up ang FEU Cheering Squad sa UAAP Season 88 Cheerdance Competition matapos ang kanilang high-energy routine na inspired ng Pinoy childhood games.

Bagama’t hindi nakuha ang korona, umani ng papuri ang grupo dahil sa creativity, malinis na stunts, at solid na crowd impact. |

📸: UAAP Media Team

'KASYA BA ANG P500 PARA SA NOCHE BUENA?'Tinanong ni House Committee on Public Accounts chairman Rep. Terry Ridon ang rek...
29/11/2025

'KASYA BA ANG P500 PARA SA NOCHE BUENA?'

Tinanong ni House Committee on Public Accounts chairman Rep. Terry Ridon ang rekomendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na maaaring makapaghanda ng simpleng noche Buena sa halagang P500.

Ayon kay Ridon, sa taas ng presyo ng mga bilihin ngayon, maging ang simpleng spaghetti at keso ay hirap nang pagkasyahin sa budget na binanggit ni DTI Sec. Cristina Roque.

"Alam natin ang itsura ng totoong Noche Buena sa hapag ng pamilyang Pilipino: may spaghetti, may keso, at minsan may hamon kung may sapat na ipon para sa pagdiriwang ng Pasko," saad niya. |

29/11/2025

MGA TAONG TAKOT ATAKIHIN SA PUSO HABANG NATUTULOG MAY MATINDING PAYO ANG MGA EKSPERTO.

AND TECHNOLOGY

SAAN GAWA ANG PINAKAMAHABANG BUS SA MUNDO? BAKIT MAS MAGAAN TAYO SA BUWAN KUMPARA SA TAYO AY NAKATUNTONG SA DAIGDIG?



SAAN PATOK ANG PAG-ARKILA SA GUWAPONG LALAKI UPANG PAHIRIN ANG LUHA NG STRESSED NA BABAE? ANONG BANSA ANG NABANSAGANG “THE PIMPLE OF EUROPE?” ALING RESTAURANT NAMAN NA SA HALIP NA PROFESSIONAL CHEF?

TO REMEMBER

ANO ANG IBAT-IBANG KLASE NG TAO NA DAPAT NATING PAG-INGATAN O IWASAN KUNG NAIS NG PAYAPANG BUHAY?



ANONG KOMPETISYON ANG NAUSO LANG GAWIN NOONG UNA SA MGA SEMENTERYO SUBALIT KALAUNAN AY IDINAOS SA ARENA AT MALALAKING STADIUM? ALING EXERCISE ANG DATI AY “WEIRDO” ANG TINGIN SA MGA GUMAGAWA? BONIFACIO DAY SA NOVEMBER 30-ANO ANG MGA PABORITONG PAGKAIN NI ANDRES BONIFACIO?

TITSER

GABAY SA ISANG TIYUHIN NA DAHIL DAW SA MATINDING INGGIT AY BINATO ANG BAHAY NG KANYANG KAMAG-ANAK?

For more lessons, quotes tips, and trivia tune in to Professor on Air every Saturday 10-11am at Radyo Pilipino! LIKE, FOLLOW, & SHARE

https://www.facebook.com/radyopilipino
and
https://www.facebook.com/ProfessorOnAir1971

26 DAYS BEFORE CHRISTMAS! 🎄✨Time to start small surprises! Sino ang unang bibigyan mo ng regalo? 🎁💝 |
29/11/2025

26 DAYS BEFORE CHRISTMAS! 🎄✨

Time to start small surprises! Sino ang unang bibigyan mo ng regalo? 🎁💝 |

MORNING PRAYER 🙏 | November 29, 2025
28/11/2025

MORNING PRAYER 🙏 | November 29, 2025

EARTHQUAKE ALERTNaitala ang magnitude 7.5 na lindol sa Caraga, Davao Oriental ngayong Biyernes ng gabi, 8:32 PM.Ayon sa ...
28/11/2025

EARTHQUAKE ALERT

Naitala ang magnitude 7.5 na lindol sa Caraga, Davao Oriental ngayong Biyernes ng gabi, 8:32 PM.

Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig. |

ICC REJECTS INTERIM RELEASE OF EX-PRES DUTERTEBREAKING NEWS | Tinanggihan ng ICC Appeals Chamber ang apela ni dating Pan...
28/11/2025

ICC REJECTS INTERIM RELEASE OF EX-PRES DUTERTE

BREAKING NEWS | Tinanggihan ng ICC Appeals Chamber ang apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang paglaya.

Mananatili siyang nakadetine sa The Hague habang hinaharap ang mga kasong crimes against humanity. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

31/10/2025

On Air Now: Usapang Lalaki (October 31, 2025)
HOST: Tony Sandoval and Rady Custodio

30/10/2025

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




30/10/2025

Bakit nga ba ginugunita ang Araw ng mga Patay?

Problema mo, bibigyang pansin!
Mga isyu sa komunidad, isinasapubliko!

Huwebes Serbisyo, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!



30/10/2025

On Air Now: Kidlat ng mga Balita (October 30, 2025)
HOST: Kidd Maas

PAGGAMIT NG SIGN LANGUAGE SA COURT HEARINGInaprubahan ng Supreme Court (SC) En Banc ang 'Rules on Filipino Sign Language...
30/10/2025

PAGGAMIT NG SIGN LANGUAGE SA COURT HEARING

Inaprubahan ng Supreme Court (SC) En Banc ang 'Rules on Filipino Sign Language Interpreting in the Judiciary' upang matiyak ang pantay na akses ng deaf community sa hustisya.

Alinsunod sa Republic Act No. 11106 o Filipino Sign Language Act, itinatakda ng bagong patakaran ang paggamit ng FSL at ang pagkakaroon ng accredited interpreters sa mga kasong may deaf parties o witnesses.

Pinapayagan din ang on-site at remote interpreting na may mga pananggalang para sa katumpakan at pagiging kumpidensiyal. Bahagi ito ng Access to Justice Program ng SC sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022–2027.

Kasabay nito, inaprubahan din ng SC ang 2025 Code of Conduct and Accountability for Court Officials and Personnel na may bagong alituntunin sa paggamit ng social media, AI, at gender-fair language.|

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

30/10/2025

On Air Now: Usapang Lalaki (October 30, 2025)
HOST: Tony Sandoval and Rady Custodio

29/10/2025

PULSUHAN NATIN YAN: Pag livestream sa mga ginagawang hearing ng Indipendent Commission for Infrastructure (ICI) ukol sa maanomalyang flood control projects para makita ng publiko

With Special Guest:
Atty. Sonny Matula
Chairperson, Nagkaisa Labor Coalition

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika, negosyo, at kalusugan.

Pulsuhan natin yan!

Pulsong Pinoy. Kasama ang kabahagi mo, Ben Paypon.




MABUHAY ANG KATUTUBONG PILIPINO🌾🇵🇭Tuwing Oktubre 29, ipinagdiriwang natin ang National Indigenous People’s Thanksgiving ...
29/10/2025

MABUHAY ANG KATUTUBONG PILIPINO🌾🇵🇭

Tuwing Oktubre 29, ipinagdiriwang natin ang National Indigenous People’s Thanksgiving Day bilang pagkilala sa katutubong Pilipino at sa kanilang mahalagang ambag sa kasaysayan at kultura ng bansa.

Isa itong paalala na pahalagahan, pakinggan at ipagmalaki natin ang kanilang pamana sapagkat sa kanilang mga kuwento matatagpuan ang tunay na diwa ng ating bansa. 💛 |

29/10/2025

Huwag magpadala sa ganda! Iwasan ang Fake Products at Fake Doctors: Uso ngayon ang mga murang pampaputi, pampabata, at pangpakinis. Pero worth it ba talaga ang risk?

With Special Guest:
Dra. Grace Beltran
Dermatologist & Aesthetic Surgeon

Wellness Wednesday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!



NET WORTH NG MGA SENADORAyon sa pinakahuling ulat, 21 sa 24 na senador ang nagsumite na ng kanilang Statement of Assets,...
29/10/2025

NET WORTH NG MGA SENADOR

Ayon sa pinakahuling ulat, 21 sa 24 na senador ang nagsumite na ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Batay sa datos, lumitaw na si Senador Mark Villar ang may pinakamalaking kabuuang net worth na ₱1,261,337,817, sinundan ni Senador Raffy Tulfo at ng kanyang asawang si Jocelyn Tulfo, na may pinagsamang net worth na ₱1,052,977,100.

Samantala, si Senador Chiz Escudero ang naitalang may pinakamababang net worth na ₱18,840,082.

Kabilang din sa mga nagsumite ng SALN sina Senador Erwin Tulfo, Migz Zubiri, Pia Cayetano, Lito Lapid, JV Ejercito, at Loren Legarda.

Patuloy namang hinihintay ang pagsusumite ng SALN nina Senador Alan Peter Cayetano, Ronald “Bato” Dela Rosa, at Imee Marcos. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

29/10/2025

On Air Now: Kidlat ng mga Balita (October 29, 2025)
HOST: Kidd Maas

29/10/2025

On Air Now: Usapang Lalaki (October 29, 2025)
HOST: Tony Sandoval and Rady Custodio

Address

Red V. Dupay
Lucena
4301

Opening Hours

Monday 5am - 8pm
Tuesday 5am - 8pm
Wednesday 5am - 8pm
Thursday 5am - 8pm
Friday 5am - 8pm
Sunday 6am - 8pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1188 DZLT Radyo Pilipino Lucena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 1188 DZLT Radyo Pilipino Lucena:

Share

Category