21/05/2022
Ang Banco Santiago de Libon sa Albay ay isa sa 62 partner lending conduits (PLCs) na pinarangalan ng DA-ACPC sa 2nd Gawad sa Paglingap sa Magsasaka at Mangingisda (Gawad Lingap Awards) noong April 28, 2022.
Simula noong 2018, naging katuwang na ng DA-ACPC sa pagpapatupad ng agri-credit programs tulad ng Production Loan Easy Access (PLEA), Survival and Recovery Assistance Program (SURE), Agri-Negosyo (ANYO) Loan Program, at Kapital Access for Young Agripreneurs (KAYA) sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon at Masbate ang Banco Santiago de Libon.
Noong kasagsagan ng pandemya, ang BSDL ay nakapagpahiram ng P20.10 milyon sa 800 maliliit na magsasaka at mangingisda sa programang Expanded SURE Aid and Recovery Project (SURE COVID-19). Upang maipatupad ang programa, pinuntahan nila ang mga malalayong munisipalidad para kausapin ang mga magsasaka at mangingisda na may agri-fishery business. Nakipag-ugnayan din sila sa local government units (LGUs) upang malaman kung ano ang pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda.
Ang Gawad Lingap Awards ay nagbibigay ng parangal sa mga institusyong pinansyal sa buong bansa na nakapagbigay ng bukod-tanging kontribusyon sa pagpapatupad ng mga programang pautang ng DA-ACPC para sa maliliit na magsasaka at mangingisda at micro and small agri-fishery enterprises.