Ser Erick RL

Ser Erick  RL For Business &collaboration [email protected]
(13)

14/12/2024

May kondisyon pala ang suporta?

14/12/2024

It’s throwback Saturday, let me give you a classic
hard rock song .

Habang papalapit ang Pasko, ramdam ko ang saya sa paligid.. ang mga ilaw, musika, at ang malamig na simoy ng hangin. Per...
13/12/2024

Habang papalapit ang Pasko, ramdam ko ang saya sa paligid.. ang mga ilaw, musika, at ang malamig na simoy ng hangin. Pero hindi lahat ng tao ay masaya. Maraming pamilya ang nangangarap ng simpleng noche buena, at may mga bata pa ring naghihintay ng regalong baka hindi dumating. Kaya bilang isang content creator, pinipili kong gamitin ang platform ko para magbigay ng inspirasyon at pag-asa, lalo na sa mga panahong tulad nito.

Ang journey ko bilang creator ay puno ng hirap at sakripisyo. Dumaan ako sa mga panahong halos walang nanonood, pero patuloy pa rin akong lumalaban. Natutunan kong hindi lang ito tungkol sa pagpapasaya o pagpapakita ng ganda ng buhay, kundi sa pag-abot sa mga tao at pagpapaalala na hindi sila nag-iisa, lalo na sa mga pagsubok.

Ngayong Kapaskuhan, maging ilaw tayo sa iba. Hindi kailangang magarbo ang ating mga ginagawa.. ang mahalaga ay galing ito sa puso. Gamitin natin ang ating boses at content para magbigay ng pagmamahal at inspirasyon. At para sa mga nakararanas ng hirap ngayon, tandaan mo: ang buhay ay parang content.. minsan mabagal ang growth, pero sa tamang panahon, darating ang biyayang pinaghirapan mo.

Maligayang Pasko sa lahat! Patuloy tayong maging inspirasyon sa isa’t isa.

LIKE  FATHER LIKE SON, you are indeed a true artist! Sayang lang at wala ako upang masaksihan ang iyong performance. Par...
13/12/2024

LIKE FATHER LIKE SON, you are indeed a true artist!
Sayang lang at wala ako upang masaksihan ang iyong performance.

Para kang isang CONTENT CREATOR, alam mo kung saan ka magaling, at doon mo ibinubuhos ang iyong galing.
Tulad ng isang content creator na natagpuan ang kanyang layunin, hindi lamang sa paggawa ng nilalaman kundi sa pagbibigay inspirasyon sa iba.

Sa kapwa CREATOR ko,ang bawat ideya at kwentong ibinabahagi mo, ay daan upang makabuo ka ng sarili mong tatak, TATAK na magmamarka sa manonood. Patuloy kang lumikha at magbigay liwanag, dahil sa iyong pagsisikap, walang imposible sa tagumpay.

12/12/2024

Bakit nga ba nakakalusot ang mga content na may kabastusan?

FLY HIGH ! Kahit mabagal ang simula, tandaan mo na bawat hakbang ay may patutunguhan. Lahat ng mga matagumpay na creator...
12/12/2024

FLY HIGH !

Kahit mabagal ang simula, tandaan mo na bawat hakbang ay may patutunguhan. Lahat ng mga matagumpay na creator ay nagsimula rin sa walang nanonood o sumusuporta. Ang mahalaga ay hindi ka tumigil.

Patuloy mong pagyamanin ang iyong talento at kwento, dahil darating ang araw na ang mensahe mo ay maririnig ng mga tamang tao. Hawak mo ang kwento ng iyong tagumpay, unti-unti man ang pag-usad, ang mahalaga ay hindi ka sumusuko.

11/12/2024

Ginagawa mo rin ba ito?

Resulta ng 1 video per day + 1 photo per day +  CONSISTENCY IS EQUAL TO QUALITY RESULT. As a part time CONTENT CREATOR, ...
11/12/2024

Resulta ng 1 video per day + 1 photo per day + CONSISTENCY IS EQUAL TO QUALITY RESULT.

As a part time CONTENT CREATOR, ito po ang routine ko everyday, minsan nakaka 2 photo post ako. Tuwing free time lang ang engagement but I make sure as much as possible lahat ng comments ay aking nababasa.

Hindi biro ang ating pinasok , aside sa paggawa ng valuable at engaging content, SIPAG , TIYAGA AT NAPAKAHABANG PASENSIYA ang ating kailangan. Siguraduhin na meron ka rin nito, walang duda magkakaroon ka rin ng QUALITY RESULTS.

Tandaan! SMALL PROGRESS EACH DAY LEADS TO BIG RESULTS.

10/12/2024

Hindi daw bawal ang Follow to Follow?

Kamusta po kayo? Maulan at malamig  ang umaga, ingat po sa pag pasok sa trabaho at eskwelahan. Huwag kalimutan ang almus...
10/12/2024

Kamusta po kayo? Maulan at malamig ang umaga, ingat po sa pag pasok sa trabaho at eskwelahan.

Huwag kalimutan ang almusal , sure ako hindi mawawala ngayon ang sopas , lugaw or arroz caldo . At syempre ang mainit na kape.

STAY SAFE EVERYONE

09/12/2024

⚠️TIPS
Para hindi ka maubusan ng Content ideas

At long last , nakuha rin kita ! Kapag may tiyaga, walang imposible. Ang bawat butil ng pagsisikap ay maaring maging bin...
09/12/2024

At long last , nakuha rin kita !

Kapag may tiyaga, walang imposible. Ang bawat butil ng pagsisikap ay maaring maging binhi ng tagumpay. Kumapit ka sa iyong pangarap, magtiwala sa proseso, at tandaan, ang tagumpay ay nagmumula sa sipag, tiwala, at walang sawang paniniwala sa sarili.

08/12/2024

"Not Recommendable" pa rin ba ang profile mo? BAKA HINDI NA YAN GLITCH!

Huwag kailanman maliitin ang sarili.Ang tagumpay ay para lamang sa mga hindi sumusuko at patuloy na sumusubok.Magtiwala ...
08/12/2024

Huwag kailanman maliitin ang sarili.
Ang tagumpay ay para lamang sa mga hindi sumusuko at patuloy na sumusubok.

Magtiwala ka sa kakayahan mo at ipagpatuloy ang pagsisikap. Ang bawat hakbang, kahit maliit, ay hakbang pa rin patungo sa pangarap mo.

Mag-invest ng oras sa tamang bagay, sa mga bagay na magpapaunlad sa’yo. Huwag matakot sa pagkabigo, ito ang magiging daan mo tungo sa tagumpay.

Kung nais mong maging isang matagumpay na content creator, simulan mo na ngayon. Sa bawat video o post na gagawin mo, tandaan ang susi ay consistency, valuable content at puso. Patuloy lang, at mararating mo rin ang rurok ng tagumpay.

07/12/2024

Mahilig ka bang mag-share ng videos sa maraming groups? Panoorin mo to👇

06/12/2024

Kung nagsisimula ka pa lang sa Content Creation, para sa 'yo to!👇

Kelan ko kaya ito maa-achieve?Sa lahat ng challeges ng ating platform, dito ako nahihirapan.  Kung tutuusin pwede naman ...
06/12/2024

Kelan ko kaya ito maa-achieve?

Sa lahat ng challeges ng ating platform, dito ako nahihirapan. Kung tutuusin pwede naman akong bigyan
ng aking asawa at anak upang makumpleto ito.

At dahil andiyan KAYO, okey lang sa akin kahit hindi ko ito ma-achieve
dahil alam ko na meron akong KAYO na tunay na sumusuporta sa akin. Mahirap isa-isahin, baka may makalimutan pa ako, haha.

Salamat sa UNENDING SUPPORT AT TIWALA yun lang sapat na.

"Kakaumpisa mo pa lang, aayaw ka na?"Alam ko, nakakapagod. Nakakafrustrate. Parang ang hirap umabot sa mga pangarap mo b...
05/12/2024

"Kakaumpisa mo pa lang, aayaw ka na?"

Alam ko, nakakapagod. Nakakafrustrate. Parang ang hirap umabot sa mga pangarap mo bilang content creator. Pero isipin mo 'to.. lahat ng sikat ngayon, nagsimula rin sa wala. Naranasan nilang walang pumansin, walang mag-react, walang sumuporta. Pero hindi sila sumuko.

Kahit mabagal ang simula, hindi ibig sabihin wala kang patutunguhan. Ang tanong: Hanggang saan ang kaya mong ibigay para maabot ang pangarap mo?

Walang tagumpay na instant. Walang growth na madali. Pero bawat pagod, bawat sakripisyo, bawat gabi na iniyak mo.. lahat 'yan may kapalit. Kaya huwag mong sukuan ang sarili mo. Tandaan mo: "Ang bawat malaking tagumpay, nagsisimula sa maliit na hakbang."

Tuloy lang. Maniwala ka sa kakayahan mo. Darating din ang araw na sasabihin mo sa sarili mo, "Buti na lang hindi ako sumuko."💪🏼

Address

Lucena City
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ser Erick RL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ser Erick RL:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Lucena

Show All