Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran

Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran Radyo DZLB is the official community and educational AM & online radio station of UP Los Baños
(1)

03/07/2024

Narito na ang mga balitang inyong aabangan sa DZLB News, LIVE mamayang alas dose ng tanghali!

29/06/2024

Para sa mga motorista, good news!

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board o T-R-B ang tatlumpung araw na suspensyon ng paniningil ng toll sa pamamagitan ng R-F-I-D at cash sa lahat ng bahagi ng Manila-Cavite Toll Expressway Project o CAVITEX.

29/06/2024

Isinama ng Metro Pacific Tollways Corporation o MPTC ang Naic at General Trias sa disenyo ng dalawampu't limang-kilometrong toll road na magdurugtong sa Bataan-Cavite Interlink Bridge at Cavite-Laguna Expressway o CALAX. Layon nito na magpapabilis ang byahe ng mga motorista patungong Norte at Katimugan.

29/06/2024

| Wala pang komento ang Department of Agrarian Reform o DAR sa apila ng higit isang libong mga magsasaka mula Nasugbu, Batangas na nangangambang mawawalan sila ng lupang sakahan.

Matatandaang nagsumite ng petisyon ang mga magsasaka ng Hacienda Roxas sa pamamagitan ng grupong Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo o SENTRA upang ipawalang bisa ang consolidated order at compromise agreement na inilabas ng DAR noong nakaraang taon.

29/06/2024

Natapos na ang validation para sa mga agrarian reform beneficiaries o A-R-Bs na bibigyan ng certificate of condonation, sa ilalim ng Republic Act 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act.

Ayon kay Department of Agrarian Reform Assistant Secretary at Concurrent Regional Director para sa CALABARZON na si Atty. Mcdonald Galit, nasa higit 15 libong agrarian reform beneficiaries ang na-validate na. Sakop nito ang aabot sa 22 libong ektarya ng lupang sakahan.

29/06/2024

Magsisimula na sa Lunes, unang araw ng Hulyo, ang ikalawang taon ng National Learning Camp o N-L-C sa buong CALABARZON. Ito ay tatagal ng tatlong linggo at magtatapos sa Hulyo 19. Alamin ang mga paghahanda ng City Schools Division of Dasmariñas sa ulat na ito.

29/06/2024

Aprubado na nitong Lunes ng Sangguniang Panlungsod ng Batangas ang isang resolusyon na nagbabawal sa aplikasyon at operasyon ng anumang Philippine Offshore Gaming Operations o POGO sa naturang lungsod.

29/06/2024

Kinumpirma ng pamahalaang lungsod ng Calamba na nakipagpulong na ang mga mapapaalis na fish vendors sa may-ari ng Calamba Trade Center.

29/06/2024

Halos apat na milyong piso ang kailangang ibalik ng Maynilad sa mga customer nito sa Imus City, Cavite. Kasunod 'yan ng desisyon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office na pagmultahin ang Maynilad dahil sa mababang kalidad ng tubig, partikular sa kulay at chlorine na naiwan dito.

29/06/2024

Sumasahimpapawid ang DZLB News ngayong Sabado ng umaga upang magbigay ng updates tungkol sa ammonia leak sa isang ice plant sa Batong Malake, Los Baños, Laguna.

FLASH REPORT: AMMONIA LEAK, NAI-ULAT SA BATONG MALAKE, LOS BAÑOS Kinumpirma ng pamahalaang barangay ng Batong Malake, Lo...
29/06/2024

FLASH REPORT: AMMONIA LEAK, NAI-ULAT SA BATONG MALAKE, LOS BAÑOS

Kinumpirma ng pamahalaang barangay ng Batong Malake, Los Baños, Laguna na nagkaroon ng pagtagas ng ammonia sa isang ice plant sa Lopez Avenue ngayong umaga.

Sa isang Facebook post, sinabi ng pamahalaang barangay na may mga residente nang nakaramdam ng "pagkairita, pagluluha, [at] pamumula ng mata at balat" dahil sa naturang gas leak.

Samantala, nakatanggap naman ng ulat ang DZLB News na abot hanggang Junction ang amoy ng tumagas na ammonia.

Ayon sa American Chemical Society, ang ammonia ay isang gas na dating ginagamit bilang refrigerant. Ginagamit din ito bilang sangkap sa panglinis ng salamin o glass cleaners.

Pinapayuhan naman ng Los Baños Municipal Health Office -- base na rin sa opisyal na abiso mula sa Department of Health -- ang lahat na lumayo sa distansyang 100 feet mula sa pinangyarihan ng gas leak, alisin agad ang mga damit na posibleng na-expose sa ammonia at ibukod ito agas, agad na maligo at hugasang maigi ang mga parte ng katawan na lumapat sa ammonia, at kung nakararamdam ng mga sintomas ng ammonia poisioning ay kumonsulta agad sa pinakamalapit na health facility.

27/06/2024

Magandang tanghali, Laguna at CALABARZON! Ito ang DZLB News. Balitang atin, ibabalita natin!

SA ULO NG MGA BALITA
► MAGNITUDE 4.8 NA LINDOL, YUMANIG SA OCCIDENTAL MINDORO; LINDOL, NARAMDAMAN SA BATANGAS AT METRO MANILA

HAPPENING NOW: Kapihan sa Bagong Pilipinas kasama ang Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office at Region 4A, i...
25/06/2024

HAPPENING NOW: Kapihan sa Bagong Pilipinas kasama ang Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office at Region 4A, isinasagawa ngayon sa Quezon City.

HAPPENING NOW: Kapihan sa Bagong Pilipinas kasama ang Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office at Region 4A, isinasagawa ngayon sa Quezon City.

Kasama ngayon sa press conference sina DAR Usec. Niña Taduran, Asec. and concurrent CALABARZON regional director Atty. Mcdonald Galit, at Usec. Amihilda Sangcopan.

Ang kapihan ay ino-organisa ng Philippine Information Agency.

24/06/2024

Ipinagmalaki ng Department of Agriculture Regional Field Office 4-A o D-A CALABARZON na nangunguna ang ating rehiyon pagdating sa sektor ng livestock.

Yan ang kanilang inilahad sa Kapihan sa Bagong Pilipinas forum noong nakaraang linggo, na isinagawa sa lungsod ng Lipa.

24/06/2024
21/06/2024

Ano ang dapat abangan mamayang alas-tres ng hapon sa ? 🤔

Pag-uusapan natin ang inaabangang pelikula ngayong taon na A Thousand Forests kung saan nakibahagi rito ang UPLB College of Forestry and Natural Resources.

Makikitambay din sa ating programa ang isang mula pa rin sa UPLB College of Human Ecology. Bukod diyan, meron ding mga alumni mula sa BA ComArts na mag-iimbita para sa nalalapit nilang reunion!

Kaya tambay na sa programang hatid ay samot-saring kuwento at balitang nagpapamalas ng husay, puso, at talino ng mga isko at iska ng University of the Philippines Los Baños.

Ito ang Galing UPLB sa Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran! ✊

18/06/2024

Kapeng Barako, Turmeric Drinks, Habing Ibaan at Burdang Taal. Iyan ang ilan sa mga Batangueñong produktong itinampok sa Proudly Philippines event na ginanap sa Vancouver, Canada. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Independence Day at Filipino Heritage Month sa Canada.

18/06/2024

Dalawang sunog ang sumiklab sa dalawang lungsod sa CALABARZON nitong linggo, ika-labing anim ng Hunyo.

18/06/2024

Namahagi ng tulong pangsaka ang Department of Agriculture CALABARZON sa mga magsasaka ng palay at high value crops sa probinsya ng Quezon.

18/06/2024

Isang motorcycle rider na kalahok sa Quezon Endurance Challenge, patay sa aksidente sa Agdangan, Quezon. Samantala, halos isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkakahiwalay na buy-bust operation noong Sabado sa Cavite at Laguna.

18/06/2024

Nananawagan ang halos isang libong mga magsasaka ng Hacienda Roxas sa lalawigan ng Batangas sa Department of Agrarian Reform o DAR na ipawalang bisa ang isang consolidated order and compromise agreement na posibleng maging dahilan upang sila ay mawalan ng lupang sakahan.

18/06/2024

Mahigpit na sinusubaybayan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC ang mahigit limampung Philippine Offshore Gaming Operations o POGO site sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kasama ang tinaguriang POGO Island sa Cavite.

18/06/2024

Nangangambang mawalan ng pagkakakitaan ang nasa mahigit walongdaang mga mangingisda dahil sa nakaambang konstruksyon ng dalawang libong ektaryang Floating Solar project sa Laguna de Bay sa bahagi ng bayan ng Bae sa Laguna. Yan ang iginiit ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o PAMALAKAYA.

18/06/2024

Magandang tanghali, Laguna at CALABARZON! Ito ang DZLB News. Balitang atin, ibabalita natin!

SA ULO NG MGA BALITA
► MAHIGIT 800 MANGINGISDA SA BAYAN NG BAY, LAGUNA, POSIBLENG MAWALAN NG KABUHAYAN DAHIL SA FLOATING SOLAR PROJECT – PAMALAKAYA
► POGO ISLAND SA CAVITE, PATULOY NA BINABANTAYAN NG PAOCC
► MGA MAGSASAKA SA HACIENDA ROXAS SA BATANGAS, UMAPILA SA DAR NA IPAWALANG BISA ANG COMPROMISE AGREEMENT; PAGKAWALA NG KANILANG LUPA AT HANAPBUHAY, PINANGANGAMBAHAN
► PANGIL, LAGUNA, IDINEKLARANG INSURGENCY-FREE
► MOTORCYCLE RIDER NA KALAHOK SA QUEZON ENDURANCE CHALLENGE, PATAY SA AKSIDENTE
► TATLONG HIGH-LEVEL SUSPECTS SA ILEGAL NA DROGA, ARESTADO SA CAVITE AT LAGUNA
► MGA PRODUKTONG BATANGAS, ITINAMPOK SA CANADA

14/06/2024

Magandang tanghali, Laguna at CALABARZON! Ito ang DZLB News. Balitang atin, ibabalita natin!

SA ULO NG MGA BALITA
► INFLATION RATE SA CALABARZON PARA SA BUWAN NG MAYO, NAITALA SA 3.5 PERCENT
► KONSTRUKSIYON NG NSCR DEPOT SA BANLIC, CALAMBA, UMAARANGKADA NA
► REMULLA, HANDANG MAGBIGAY NG 10 MILYONG PABUYA SA MAGPAPATUNAY NA PAG-AARI NG KANILANG PAMILYA ANG POGO SA CAVITE
► LAGUNA JUDGE, TANGGAL SA PUWESTO MATAPOS KUNIN ANG SWELDO NG DRIVER
► PAGKAMATAY NG ISANG DRUG SUSPECT SA SAN JUAN, BATANGAS, INIIMBESTIGAHAN NA RIN NG KAMARA
► DALAWANG SUSPEK NA SANGKOT SA PANGGAGAHA AT PAGPATAY SA ISANG MENOR DE EDAD SA GENERAL TRIAS, CAVITE, ARESTADO NA
► 15 ANYOS NA TEENAGE CHESS WONDER NA TUBONG CAVITE, NAGWAGI SA IKA-APAT NIYANG TITULO NGAYONG TAON
► ULAT KOMUNIDAD: CRAFTING SUCCESS

13/06/2024

Ngayong Biyernes, klasmeyts...

Sama-sama nating tuklasin ang UPLB Zoonoses Center at kung ano ba ang ginagawa ng sentrong ito ukol sa pangangalaga sa kalusugan ng publiko. Aalamin din natin ang mga kuwento at karanasan ng isa namang certified tatak UPLB mula pa rin sa UPLB College of Human Ecology.

Kaya tambay na sa programang hatid ay samo't saring kuwento at balitang nagpapamalas ng husay, puso, at talino ng mga isko at iska ng University of the Philippines Los Baños.

Ito ang sa Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran!

Nakikiisa ang Unibersidad ng Pilipinas sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12.Gabay ang Dangal a...
12/06/2024

Nakikiisa ang Unibersidad ng Pilipinas sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12.

Gabay ang Dangal at Husay sa Paglilingkod sa Sambayanan, patuloy itinataguyod ng Pamantasang Hirang ang pag-aalay ng kanyang bukod-tanging pangunguna sa pag-aaral, pagsasaliksik, at paglilingkod sa Inang Bayan.

Mabuhay ang Pilipinas!

08/06/2024

Makakatanggap ng scholarship at livelihood assistance mula sa gobyerno ang mga tsuper na hindi nakapag-consolidate ng kanilang mga jeepney sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program, ayon sa LTFRB Region 4A.

Magsasalitan sa maayos na daloy ng tubig simula 11 Hunyo 2024 ang ilang mga barangay sa Bay at Barangay Tuntungin-Putho ...
08/06/2024

Magsasalitan sa maayos na daloy ng tubig simula 11 Hunyo 2024 ang ilang mga barangay sa Bay at Barangay Tuntungin-Putho sa Los Baños dahil sa gagawing valve regulation ng Laguna Water District Aquatech Resources Corporation - LARC sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Jubileeville Pump Station.

Inaasahang matatapos ito kapag tapos na ang bagong pump station sa Tuntungin-Putho.

Photo via LARC

Address

Los Baños

Telephone

+63495362433

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran:

Videos

Share

Category

RADYO DZLB: Ang Tinig ng Kaunlaran

DZLB 1116 kHz AM is the community and educational radio station of the University of the Philippines Los Baños. Managed by the Department of Development Broadcasting and Telecommunication of the College of Development Communication, Radyo DZLB has been the “Voice of Development” for more than 50 years, airing development-oriented programs that address the information needs of its listeners through community participation and social action.


Other Radio Stations in Los Baños

Show All