[P] LIVE | Matagumpay na inilunsad ang Isko’t Iska 2024: Sa Pagpula ng Dulampasigan noong ika-4 hanggang 6 ng Disyembre sa Baker Hall, UPLB.
Ang dula ngayong taon ay tumalakay sa mga isyung kinahaharap ng komunidad ng mga mangingisda at ang kritikal na lugar ng mga iskolar ng bayan sa pagsulong ng rebolusyonaryong pagkilos.
Panuorin ang ulat ng Perspective Live kasama ang panayam kay Wes Balingit, Head Director ng Isko’t Iska 2024.
#IskotIska
#IskotIska2024
#SaPagpulaNgDulampasigan
#PerspectiveLive
[P] LIVE | Upang gunitain ang ika-161 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio noong ika-30 ng Nobyembre, nagkasa ng pagkilos ang iba’t ibang sektor sa Timog Katagalugan sa Calamba Crossing.
Itinampok sa pagkilos ang panggigipit sa hanay ng sangkaestudyantehan, kabataan, magsasaka, at manggagawa. Ayon sa mga tagapagsalita, hindi nagkakalayo ang pansasalat sa iba’t ibang sektor ng masang api sa ilalim ng rehimeng Marcos-Duterte at noong panahon ni Bonifacio.
Isa rin sa isinentro ang pagdiriwang ika-60 anibersaryo ng Kabataang Makabayan at ika-26 na anibersaryo ng Anakbayan.
Panuorin ang panayam kasama sina Rowena Dasig at iba pang sumama sa pagkilos sa ulat na ito ng Perspective Live.
#Boni161
#BonifacioDay
#PerspectiveLive
PANOORIN: Dumalo sa pangalawang araw ng pagtatanghal ng Isko't Iska 2024 ang MAKABAYAN senatoriables.
Kabilang sa mga manonood ng dula ngayong gabi sina Mimi Doringo, Jocelyn Andamo, at Ronnel Arambulo.
Kasama rin nila si Kabataan Partylist 3rd Nominee Jpeg Garcia at Bayan Muna 6th Nominee Mags Camorral.
Ang MAKABAYAN slate ay ang progresibo at nagkakaisang pwersa ng mga kandidato na nagrerepresenta sa mga batayang sektor ng masa sa darating na 2025 Midterm Elections.
#IskotIska
#IskotIska2024
#SaPagpulaNgDulampasigan
PANOORIN: Upang gunitain ang ika-161 araw ni Bonifacio, matagumpay na nagmartsa ang delegasyon ng mga manggagawa mula Cabuyao upang salubungin ang sentralisadong mobilisasyon sa Calamba Crossing, Nobyembre 30.
#Boni161
#BonifacioDay
NGAYON: Nagkasa ng kilos-protesta ang mga mag-aaral at pangmasang organisasyon ng UPLB bilang paggunita sa ika-161 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, ika-60 taong anibersaryo ng Kabataang Makabayan, at ika-26 taong anibersaryo ng Anakabayan, sa tapat ng Olivarez Plaza.
Subaybayan ang kaganapan sa livetweet coverage ng UPLB Perspective: https://x.com/uplbperspective/status/1862677536611951003?t=8wAL3QzO3NKxWNgRghQuJg&s=19
#Boni161
#BonifacioDay
UPLB USC-CSC Special Elections 2024
WATCH: The 2024 USC-CSC Special Elections University-wide Miting de Avance is now ongoing in the Student Union Building.
#UPLBvotes
#UPvote
[P] LIVE | Mahigit isang dekada nang maganap ang Maguindanao Massacre, patuloy pa rin itong ginugunita sa UPLB.
Bitbit ang temang ‘Ilathala ang Hustisya: Pagkalas mula sa Kultura ng Panunupil at Impunidad’ ay nanguna ang UPLB Perspective sa paglunsad ng mga aktibidad para sa kumemorasyon.
Panuorin ang ulat ng [P] Live ukol sa pag-alala sa isa sa pinakamadudugong atake sa mga alagad ng midya.
#DefendPressFreedom
#StopTheAttacks
#FightFor58
#PerspectiveLive
PANOORIN: Nagtirik ng kandila ang hanay ng mga mamamahayag pangkampus ng UP Los Baños bilang pag-alala sa mga biktima ng malagim na Maguindanao Massacre at bilang simbolo ng paglaban para sa malayang pamamahayag.
#DefendPressFreedom
#DefendTheCampusPress
#FightFor58
PANOORIN: Nagkasa ng kilos-protesta ang mga grupo ng mga mamahayag pangkampus at mag-aaral sa Carabao Park kagabi, ika-22 ng Nobyembre, bilang paggunita sa ika-15 taon ng Maguindanao Massacre na kumitil sa buhay ng 32 kawani ng midya.
Balikan ang naging kaganapan sa livetweet coverage ng UPLB Perspective: https://x.com/uplbperspective/status/1859917762111688785?t=GgyM76KGQnjciEp4CLDsfw&s=19
#DefendPressFreedom
#DefendTheCampusPress
#FightFor58
[P] LIVE | Sa kabila ng paggigipit at intimidasyon, hindi nagpatinag ang hanay ng masa upang alalahanin at isiwalat ang walang pinagkaibang danas ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar at Bagong Pilipinas na parehong dulot ng mag-amang Marcos, sa mga kalsada ng Kamaynilaan, Setyembre 21.
Sa bawat hakbang ng mga sektor, ay ang pagtindig sa katarungan at pagsingil sa mga Marcos at Duterte sa mga madugo, mapanupil, at hindi makataong pagtugon nito sa mga isyu ng bansa na naghasik ng lagim sa Pilipinas.
Para sa libo-libong biktima ng Batas Militar.
Para sa mga biktima ng Bagong Pilipinas.
Never again! Never forget!
#ML52
#PerspectiveLive
UNDER SCRUTINY | A student's learning is not only confined to the classroom but should extend to all aspects of life. Yet, in the pursuit of academic excellence and engagements to extracurricular activities, the provision of conducive study spaces for every student is often overlooked.
READ: https://uplbperspective.wordpress.com/2024/09/24/everything-everywhere-all-at-su/
#NoToCommercialization
#NoToBudgetCut