Tanglaw

Tanglaw Nagliliwanag at Mapagpalaya • Devcom's Student Newspaper 📰 Nagliliwanag at Mapagpalaya • Kami ang pahayagan ng sangkaestudyantehan ng UPLB Devcom.

MGA LARAWAN: Pinuno ng suporta mula sa sangkaestudyantehan ng Devcom at ibang mga mag-aaral mula sa ibang organisasyon a...
09/01/2025

MGA LARAWAN: Pinuno ng suporta mula sa sangkaestudyantehan ng Devcom at ibang mga mag-aaral mula sa ibang organisasyon ang CDC Lecture Room 1 sa kauna-unahang opisyal na public forum ng Tanglaw na ginanap noong Disyembre 10, 2024.

Bitbit ang temang “Ikaw Ang Tanglaw,” sentro sa naging talakayan ang muling pagpapakilala ng Tanglaw sa mga mag-aaral ng Devcom at sa paglalahad ng kahalagahan, mga aktibidad, at danas ng publikasyon sa tatlong taon nitong paglilingkod sa komunidad.

Kasabay ng panawagan para sa pagsuporta sa referendum, binigyang-diin ni Department of Development Broadcasting and Telecommunication Instructor Guien Garma, isa sa mga tagapagsalita, ang importansya ng campus publications at potensyal nitong magtampok ng mga makabuluhang istorya.

“Ang pagpirma po natin sa referendum ng Tanglaw ay hindi lamang pagtindig para sa pagkakaroon ng official student publication sa UPLB College of Development Communication. Supporting Tanglaw is you saying ‘we support critical reporting, we support reporting from and for communities, we support the vital role of journalism in our communities, and most importantly, in our society’,” ani Garma.

📝: Sean Angelo Guevarra
📸: Karylle Payas at Neil Gabrielle Calanog


TANGLAW: Maging bahagi ng kasaysayan, Devcom!Makiisa sa reperendo upang ganap na ma-endorso ang Tanglaw bilang opisyal n...
14/12/2024

TANGLAW: Maging bahagi ng kasaysayan, Devcom!

Makiisa sa reperendo upang ganap na ma-endorso ang Tanglaw bilang opisyal na student publication ng College of Development Communication.

Maaaring bumoto sa link na ito:
tinyurl.com/TanglawReferendum
tinyurl.com/TanglawReferendum
tinyurl.com/TanglawReferendum

Balikan lamang ang mga nakaraang post sa aming mga social media page upang ma-access ang timeline at Saligang Batas ng Tanglaw.

Sa landas na ito, kasama namin kayo, dahil ikaw ang Tanglaw. Magpaboto at bumoto, Devcommunity!



TANGLAW: Anu-ano nga ba ang mga mahahalagang tagpong pinagdaanan ng Tanglaw simula noong ito ay maitatag dalawang taon n...
13/12/2024

TANGLAW: Anu-ano nga ba ang mga mahahalagang tagpong pinagdaanan ng Tanglaw simula noong ito ay maitatag dalawang taon na ang nakalipas?

Basahin sa timeline na ito ang iba't ibang kaganapang nagpaliwanag sa Tanglaw bilang isang pahayagang makakaunlaran at ang mga iniwan nitong marka sa patuloy nitong pagningas.

Makialam at makibahagi sa isusulong na reperendo ng Tanglaw bukas. Gamitin ang timeline na ito bilang inyong gabay.



TANGLAW: Suriin ang mga importanteng detalye na kailangan mong malaman tungkol sa Tanglaw at Saligang Batas nito. Laman ...
13/12/2024

TANGLAW: Suriin ang mga importanteng detalye na kailangan mong malaman tungkol sa Tanglaw at Saligang Batas nito.

Laman ng infographics ang mga panata ng pahayagan, recruitment process, at budget. Makikita rin dito ang QR code na naglalaman ng Tanglaw Constitution. Siguruhing bumoto at magpaboto.



10/12/2024

TANGLAW: LIVE mula CDC Lecture Room 1. Huwag palampasin ang kauna-unahang opisyal na public forum ng Tanglaw at tutukan ang mga kaganapan at updates live sa aming page.


TANGLAW: Mamaya na ang muling pagningas ng mapagpalayang pahayagan sa kauna-unahang opisyal na public forum ng Tanglaw, ...
10/12/2024

TANGLAW: Mamaya na ang muling pagningas ng mapagpalayang pahayagan sa kauna-unahang opisyal na public forum ng Tanglaw, Martes, Disyembre 10, 7 p.m. sa CDC Lecture Room 1.

Narito ang mga karagdagang klase na makatatanggap ng incentives sa pagdalo sa public forum mamayang gabi.

Inaabisuhan ang mga nagrehistro online na pumunta sa venue bago mag-6:50 p.m. dahil sisimulan na ang pagpapasok sa limitadong walk-in participants sa oras na ito.


TANGLAW: Papalapit na ang muling pagliwanag ng mapagpalayang pahayagan!Narito ang listahan ng mga klaseng mayroong karam...
08/12/2024

TANGLAW: Papalapit na ang muling pagliwanag ng mapagpalayang pahayagan!

Narito ang listahan ng mga klaseng mayroong karampatang incentives sa pagdalo sa kauna-unahang opisyal na public forum ng Tanglaw sa Martes, Disyembre 10, 7 p.m. sa CDC Lecture Room 1.

Magkita-kita tayo sa public forum, Devcommunity!


Abangan.
05/12/2024

Abangan.


MGA LARAWAN: Sa isang pagkilos at candle lighting ceremony na pinangunahan ng UPLB Perspective, inalala at nanawagan ng ...
23/11/2024

MGA LARAWAN: Sa isang pagkilos at candle lighting ceremony na pinangunahan ng UPLB Perspective, inalala at nanawagan ng hustisya ang komunidad ng UPLB para sa mga naging biktima ng Maguindanao Massacre bilang bahagi ng ika-15 taong komemorasyon nito sa Carabao Park kagabi, Nob. 22.

Sa kaniyang mensahe ng pakikiisa, binigyang-diin ni CDC Student Council Chair Gean Magbuo na ang trahedyang ito ay isang “malinaw na kaso ng patuloy na kultura ng impunity sa sistema ng ating bansa kung saan patuloy na sinusupil ang kalayaan natin sa pagpapahayag.”

Bukod dito, nanawagan din siya sa patuloy na pagdepensa sa kalayaang magpahayag na siya umanong magbibigay-lakas sa sambayanan. “Ang natatanging bagay na mas malala sa pagpatay sa katotohanan ay ang pagpatay sa mga tagapagdala nito,” dagdag ni Magbuo.

Ang Maguindanao Massacre ang itinuturing na pinakamadugong pag-atake sa mga mamamahayag at pinakamalalang kaso ng karahasan ng eleksyon sa bansa, matapos masawi ang 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag, noong Nob. 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao.

📝: Mervin Delos Reyes
📸: Karylle Payas at Mar Jhun Daniel




MGA LARAWAN: Ginunita ng mga mag-aaral, sa pangunguna ng UPLB Perspective, ang alaala ng 58 biktima ng Maguindanao Massa...
23/11/2024

MGA LARAWAN: Ginunita ng mga mag-aaral, sa pangunguna ng UPLB Perspective, ang alaala ng 58 biktima ng Maguindanao Massacre sa isang film showing na ginanap sa Physical Sciences Lecture Hall B kahapon, Nob. 22.

Kabilang sa mga ipinalabas sa programa ang isang kantang likha mismo ng anak ng biktima ng tinaguriang pinakamadugong pagpaslang sa kasaysayan ng midya sa bansa na kumitil ng 32 na mamamahayag.

Ipinanawagan din sa programa ang pagkalas sa patuloy na umiiral na kultura ng impunidad. Kaugnay nito ang panawagan sa pagpapalaya sa mamamahayag mula Eastern Vista na si Frenchie Mae Cumpio, isa sa , ang limang progresibong inidibidwal na sabay-sabay inaresto at sinampahan ng mga gawa-gawang kaso noong Peb. 7, 2020.

🤝 Ang Tanglaw ay opisyal na partner ng UPLB Perspective.

📝: Jian Martin Tenorio
📸: Karylle Payas, Alexander Abas, at Mar Jhun Daniel




MGA LARAWAN: Tinalakay ang mga oportunidad at posibleng trabaho na naghihintay para sa mga graduate ng BS at AS Developm...
13/11/2024

MGA LARAWAN: Tinalakay ang mga oportunidad at posibleng trabaho na naghihintay para sa mga graduate ng BS at AS Development Communication sa “Flash Forward 2024: Matrix - A Multidimensional Look Into Social Development” na inorganisa ng UP Alliance of Development Communication Students (UP ADS) ngayong gabi, Nob. 13, sa Lecture Room 1 and 2.

Kabilang sa mga tagapagsalita sina Thaddeus Lawas, Managing Editor ng Journal of Environmental Science and Management, na tumalakay sa “Disaster risks in the Philippines” at Rechelle Anne Tolinero-Barraquias, Chairperson ng Department of Development Communication sa Xavier University - Ateneo de Cagayan na tumalakay sa “Advancing Education in the Peripheries through Devcom.”

“Tonight, we will discover how development communication can contribute to the development… and seeing our part in making education accessible in promoting disaster risk reduction… As development communicators, we shall always carry out our roles in supporting the marginalized and underprivileged communities in facilitating bottom-up approach in national issues,” mensahe ni Raymond Balagosa, kasalukuyang direktor ng UP ADS.

🤝 Ang Tanglaw ay opisyal na media partner ng UP Alliance of Development Communication Students.

📝: Jayvee Mhar Viloria
📸: Neil Gabrielle Calanog



TINGNAN: Ipinakilala na ngayong gabi, Nob. 11, ang mga bagong halal na kasapi ng College of Development Communication Fr...
11/11/2024

TINGNAN: Ipinakilala na ngayong gabi, Nob. 11, ang mga bagong halal na kasapi ng College of Development Communication Freshman Council (CDC FC) at ang nominado at represante ng CDC sa UPLB University Freshman Council (UFC) para sa A.Y. 2024-2025.

Sa inilabas na datos ng CDCelect, ang election initiative ng parehong CDC Student at Freshman Councils, umabot sa 62.81% ang kabuuang turnout ng botohan mula sa pinagsama-samang freshies, shiftees, at transferees ng Batch 2024 na naganap mula Nob. 7 hanggang 10.

Samantala, magsasagawa naman ng isang townhall meeting ang kasalukuyang CDC FC upang resolbahin ang mga posisyon kung saan lumamang ang "Abstain," ayon na rin sa pabatid ng CDCelect.

📝: Mervin Delos Reyes




MGA LARAWAN: Hindi nakabawi ang UP Fighting Maroons sa defending champions na DLSU Green Archers, 77-66, sa kanilang ika...
11/11/2024

MGA LARAWAN: Hindi nakabawi ang UP Fighting Maroons sa defending champions na DLSU Green Archers, 77-66, sa kanilang ikalawang paghaharap sa UAAP Season 87 men’s basketball elimination round sa Smart Araneta Coliseum, kahapon, Nob. 11.

Nakuha ng Fighting Maroons ang 37-26 na kalamangan sa first half, ngunit sinalubong sila ng matinding depensa ng Green Archers at nagpakawala ng agresibong 22-11 run sa second half, dahilan upang tuluyang makontrol ang laban.

Dahil sa pagkatalo, bumagsak ang UP sa 9-3 kartada ngunit nananatili sa ikalawang puwesto at may twice-to-beat advantage papasok ng Final Four.

Makakaharap ng Fighting Maroons ang FEU Tamaraws sa kanilang huling laro sa second round ng season sa FilOil EcoOil Centre sa darating na Nobyembre 16.

✍️: Jan Paolo Pasco
📸: UAAP Media Team




WALANG PASOK: Suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng L...
10/11/2024

WALANG PASOK: Suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Laguna bukas, Nob. 11, bunsod ng Severe Tropical Storm , ayon sa anunsyo ni Gov. Ramil Hernandez.

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa silangang bahagi ng Laguna dahil sa bagyo na inaasahang mag-la-landfall bukas ng umaga o hapon sa Isabela o hilagang bahagi ng Aurora.

📝: Mervin Delos Reyes



Address

CDC Building, UPLB
Los Baños
4031

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanglaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tanglaw:

Videos

Share