PRESSCON: Nagbahagi ng ilang mga highlights si Ms. Gwendolyn Wong, Fiesta World Mall President at PDSF Director tungkol sa maituturing na malaking kompetisyon sa larangan ng Dancesport, ang 2nd PDSF Lipa Batangas Open Dancesport Competition kung saan kasali ang mga kalahok mula sa iba't-ibang panig ng bansa lkasama ang mga internasyunal na hurado.
PINAKAMABILIS NA TREN, AARANGKADA NA. Pabibilibin ng bagong NSCR North-South Commuter Railway ang mga commuters ng tren sa Pilipinas. May habang 160-metro ang bawat tren na kayang umabot ng bilis sa 120-160 kph, isa sa pinakamabilis sa bansa. Mayroong 408 trainsets na may 8 cars bawat isa, na kayang mag-akomodate ng 2,228 pasahero.
Pinapabilis nito ang biyahe mula Clark International Airport patungong Calamba nang mas mababa sa 2 oras.
ON THE SPOT INTERVIEW WITH SAN JOSE BATANGAS ABC PRESIDENT REGGIE ARADA VIRTUCIO AT KUNG ANO ANG MAASAHAN NG SAN JOSE SA INIWANG LEGASIYA NG KANIYANG YUMAONG ASAWA NA SI VICE MAYOR NOEL J. VIRTUCIO NG BAYAN NG SAN JOSE BATANGAS.
Tara Lets for this. Invitation ni Friend Ko Si Gwen Wong for a Halloween Trick and Treat. See you guys sa Fiesta World Mall on October 28 kasama ang ating forever friend Gwen Wong.
Muslim-Christian Friendship mas pinatatag pa sa 8th Year Anniversary ng Royal Sultan Paramount of Batangas; Dating Lipa City Councilor Ms. Gwen Wong may malalim na mensahe.
Matagumpay na ipinagdiwang ang ika-8 taong anibersaryo ng Royal Sultanate sa Batangas at ang Muslim-Christian Friendship sa pangunguna ni His Royal Highness Sultan Faizal Benaning Bansao. Ang makulay at masusing pagdiriwang ay ginanap sa Lipa Academy for Sports Culture and Arts noong ika-26 ng Setyembre, 2023, na nagbunga ng mas malawak at mas matibay na ugnayan ng mga Muslim at Kristiyano sa lalawigan.
Ayon naman kay Ms. Gwendolyn Wong, dating konsehal ng Lipa kahit noon pa ay nagkaroon na ng magandang relasyon ang mga Kristiyano at Muslim maging aniya sa Lipa kung kaya kanyang ipinanukala ang isang ordinansa na nagdedeklara bilang Muslim-Christian Friendship Month tuwing Setyembre. Binigyan diin ni Ms. Wong sa kanya mensahe na meron na mosque at simbahan ng iba pang relihiyon sa Fiesta World Mall na kanyang pinamumunuan. Ayon pa kay Wong sa kaniyang iniakdang ordinansa mas pinatibay pa ang ugnayan ng Muslim at Kristiyano sa Lipa dahil meron nang Muslim-Christian Friendship Month na idinaraos tuwing Setyembre.
Ano na ba ang paghahanda ng Philippine National Police sa Lipa City sa pamumuno ni PLt. Col Rix Supremo Villareal sa darating na BSKE? Kamusta na ang pagsasagawa ng mga checkpoints? At ang kanilang paghahanda sa araw ng Kapaskuhan? Lahat yan ay nila natin sa ating Lipa City Police Chief.
Kasama ang Lipa City sa ilalatag na 76.70 kilometers na bike lane katuwang ang Department of Public Works and Highways at ilang lokal na pamahalaan sa Batangas at Rizal. Pinangunahan naman nina Lipa City Mayor Eric B. Africa at DOTR Secretary Jaime Bautista ang groundbreaking ceremony bilang hudyat ng pagsisimula ng proyekto sa Lungsod ng Lipa. Ani Africa, malaking tulong ang pagbibisikleta sa kalusugan at kalikasan kaya labis ang kanyang suporta sa ganitong proyekto ng pamahalaan.
Matagumpay na naidaos ang paghahatid ng kaunaunahang Dancesport Competition sa Batangas sa pamamagitan ng Friend Ko Si Gwen Wong Productions at ni Ms. Gwen Wong. Layunin nitong makatuklas din ng mga local talents na sasali sa mga national competition at maging sa global competition. Nasa mahigit na 600 contestants mula sa ibat-ibang panig ng bansa ang lumahok sa nasabing kompetisyon na ang iba ay galing pa sa Cebu City. Panoorin natin ang panayam kay Ms. Gwen Wong, ang nagdala ng produksyon para sa DanceSport Competition.
Puspusan na ang paghahanda para sa gaganaping 1st Lipa Open DanceSport Competition sa Batangas na ihahatid ng Friend Ko Si Gwen Wong. Tunghayan ang tagisan ng galing ng mga kalahok sa dancesport bukas, September 9, 2023 sa Lipa Academy of Sports Culture and Arts( LASCA ).
Humahakot ngayon ng napakaraming awards ang Lipa City sa pamumuno ni Mayor Eric B. Africa kabilang dito ang pagkilala sa buong mundo ng Lungsod ng Lipa dahil sa Programang Trash to Cash kung saan ito ay kabilang sa Top 40 na Best Practices sa mga LGU sa larangan ng Solid Waste Management, pagiging topnotcher ni Mayor Eric B. Africa sa huling performance appraisal survey na inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa mga City Mayors ng Region IV (4A at 4B) kung saan nakakuha si Africa ng 89.72% at kinilala sya bilang Top 1 sa buong rehiyon.
BANTA NG OIL SPILL. Matapos ang paglubog ng fishing vessel na F/V Anita DJ II sa bayan ng Calatagan Batangas noong Linggo, kinumpirma ng PCG-Batangas na meron na silang namataan na oil sheen kaugnay ng bantang oil spill mula sa 70,000 litrong marine diesel oil na karga ng vessel.
Batay sa direksyon ng hangin, maaring maapektuhan ang mga bayan ng Calatagan, Lemery, San Luis, Mabini, at maging ang Isla Verde.
Dahil sa lakas ng lindol na may magnitude 5.1 sa Oriental Mindoro, nagmistulang dinuduyan ang sasakyang ito ng barangay sa Calingag, Pinamalayan Oriental Mindoro kaninang bandang 1:38 ng umaga, Agosto 24, 2023