10/12/2024
Akala ko ba piso piso lang yung tubo niyo? Bakit TRES ang patong niyo sa ariel? ๐ค
Yes po pisopiso lang ang patong namin depende po sa item. Kung puhunan ko ay 5 pesos like sa magic sarap syempre ang tutubuin ko jan ay piso kaya 6 pesos ang benta ko. Pero kapag puhunan ko na ay 10 pesos mag a add na ako ng 2 pesos na tubo. 20% po ang tubo ko sa mga paninda dito sa aking tindahan. Kaya kapag 15 pesos na ang puhunan 3 pesos naman yung tubo hindi na kakayanin kung ibababa ko pa ng 16 pesos e di piso lang yung tubo ko, e di kayo na lang ang bumili don sa bayan. Why?
Namuhunan po ako, PERA ang katumbas sa bawat stocks na binibili ko, hindi pwdeng halos eparehas ko na lang ang presyo sa merkado dito sa presyo ng aking tindahan kasi maraming ginagastusan bago ko yan naidisplay.
-pamasahe
-lisensya(bir)(barangay)
-renta(sa mga nagrerenta)
-kuryente(Softdrinks,frozen goods)
Nag eefort at nakipagsisikan sa grocery store naghahanap kung saan yung may pinakakonti na linya tsamba na lang kung ikaw ang pinakauna๐
kung hindi, pasmo ka talaga๐ pag uwi mo ididisplay pa at syempre everyday ka nagbabantay para lang makabenta. HINDI lang PERA ang puhunan sa ganitong negosyo pati din "EFFORT" kaya tama lang naman na tumubo ka ng sapat yung sapat lang at hindi naman yung sobra. Para sakin 15-20% na tubo hindi na yun masakit sa bulsa. CONVENIENT FEE mo na yun sa tindera.
Kaya please lang kapag may utang ka sa isang Sari-Sari Store, bayaran mo naman, kawawa sila nagsusumikap ng makabenta tapos inutangan mo lang at kinalimutan na. Wag ganon.๐ฌ