30/12/2025
๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก ๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐๐ง๐
Sa araw na ito, ika-30 ng Disyembre, ating iginugunita ang araw ng kamatayan ng ating pambansang bayani, na si Dr. Jose P. Rizal. Hindi hamaknna ang araw na ito ay isang sagisag ng kahusayan, katapangan, at paamamahal sa bayan na kanyang ipinamalas upang tayo ay mamuhay sa isang malayang bansa na tinitirhan at tinatangkilik natin ngayon.
Hindi lamang sa pagsulat ng kanyang mga nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, at iba pang anyo ng literatura ang nagpasiklab ng nasyonalismo ng bawat Pilipino, kun'di ang kanyang kahandaan na ipaglaban ang karapatan at integridad ng kanyang mga kababayan, kapalit man nito ang buhay niya. Isang Pilipinong may malasakit sa bayan, isang bayaning na lubos ang pagmamahal sa kababayan.
Sa kanyang mga salita, "๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ," dito natin maipapamalas ang pagiging makabayan bilang mga anak ng bansang sinilangan. Bilang mga pinuno ng kinabukasan, huwag nating kalilimutan ang dugong umapaw sa lupa, dahilan ng pagkamit sa isang maaliwalas at malayang Pilipinas! ๐๏ธ๐ต๐ญ