
15/01/2025
HUWAG IPILIT ANG RELASYON PAG ALAM MONG AYAW SAYO...
Minsan mas mabuting mag move on, kesa kumapit sa taong hindi maintindihan kung sino ka talaga sa buhay nila...
Sa kasamaang palad, darating ang mga oras na kahit sarili mo hindi muna kilala dahil sa ginagawa mong pagpapakababa wag lang silang mawala...
Kailangan mong itigil ang pananakit sa sarili mong puso sa pagsisikap na ayusin ang isang relasyon na malinaw naman na hindi na kayang ayusin pa...
Hindi mo mapipilit ang isang tao na dapat tunay ang pagmamalasakit sa iyo o maging totoo sayo...
Hindi mo mapipilit ang isang tao na maging tapat sayo o wag ka lokohin...
Hindi mo mapipilit ang isang tao na maging taong kailangan ka kasi mahal ka hindi dahil mahal ka kasi may kailangan sya..
Ang totoo, minsan ang taong pinaka gusto mo ay ang taong mas mainam pang bitiwan kesa ipaglaban..
Kailangan mong intindihin na may mga bagay na dadating sa buhay mo, hindi para manatili kundi para turuan ka ng aral at para ituro panu ka maging matatag..
Lahat ng ginagawa mo para ipakita ang pagmamahal, kailangan mo din
mag-ingat, huwag abusuhin ang iyong sarili sa pagsisikap na ayusin kung ano ang hindi dapat dahil hindi naman karapat dapat ipaglaban ang taong pilit mong pinaglalaban..
Hindi mo makukuha ang relasyong kailangan mo sa taong hindi pa handang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya...
Alam kong mahirap kapag nakilala mo ang isang tao at sya ang gusto ng puso mo, iyon ang taong gusto mong makakasama habang buhay, at sisimulan mong tanggapin ang lahat ng kamalian nya pero sa bandang huli iiwanan karin pala..
At kahit ilang beses kang umiyak sa pagtulog sa gabi, wala din saysay dahil pag hindi ka nya talaga mahal walang silbi ang yung mga luha..wala silang awa kahit maglupasay kapa sa kanilang harapan na wag ka iwanan magmumukha ka lang kaawa awa..
Wag mawalan ng pag asa bitiwan muna ang taong wala kang halaga at dun mu makikita na madami kang taong sinayang para lang sa taong akala mo tama para sayo..