06/01/2025
" A toilet brush, a mop handle, a microphone and instruments all feel the same in the hand of a servant."
To My Dearest Young Generations,
Ang paglilinis sa bahay panambahan, sa harapan ng Diyos ay Walang pinagkaiba ang paghawak ng Micropono at mga instruments , God is not looking to our achievements, titles and positions but His looking our Humilty & Humbleness.
Ang lahat ng mga sakripisyo natin sa Church nakikita man yan ni Pastor o Hindi, ni Leaders at ng mga kapatiran, pero higit sa Lahat nakikita yan ng Diyos.
Kung may workers ang ating Church, hayaan natin na umalalay sa kanila sa paglilinis ng bahay panambahan at huwag natin e-asa lahat sa Church workers dahil ang mga yan minsan galing pa sa mga bible studies at iba pang mga gawain, at pagod din sila, bagaman tungkulin ng church workers ang panatilihing malinis ang simbahan pero hayaan nating paglingkuran natin ang Diyos sa pamamagitan ng pag-alalay sa mga gawain sa simbahan. If you want to become great in the kingdom of God, be a servant.
Huwag ikahiya ang humawak ng walis, basahan, mop, timba at tabo dahil maliit man yan o malaking bagay sa paningin ng tao but it is all equal to God, God is no respecter of person, as long as ginagawa natin eto for God's Glory, God is looking from Heaven, our labor in God is Not in Vain.. lahat ng ginagawa Natin sa Church ay mahalaga sa paningin ng Diyos.
Ako po ay full time Church worker, katatapos kulang po maghatid sa mga kapatiran na walang masakyan pauwi, after ng church service, at pagkarating ko sa Church ay lilinisin ko na sana ang Church hall dahil yan naman ang routine ko every sunday after ng samba, at nadatnan ko ang mga kabaatang eto sa church, nagkukusang maglinis, Nakakatuwa lang sa puso na makita ko ang mga kabataang eto sa aming Church UPC PORAC, Pampanga - new Youth Dept.
All Glory belong unto Jesus .
NMaroto Visuals ۦۦۦۦ ۦۦۦۦ
📷 Pstra. Abigail Lusung