07/01/2026
ππππ || PAMAHALAANG LUNGSOD NG LEGAZPI, MAGHIHIGPIT LABAN SA MGA MAINGAY NA SASAKYAN AT MOTOR! π«ποΈπ
Opisyal nang nilagdaan ni Mayor Hisham Ismail ang kanyang kauna-unahang atas para sa taong 2026βang Executive Order No. HBI-01 Series of 2026. Ito ay bilang tugon sa dumaraming reklamo ng ating mga kababayan hinggil sa polusyon sa ingay na dulot ng mga iresponsableng may-ari ng sasakyan.
ANO ANG NILALAMAN NG E.O. NO. HBI-01?
Sa ilalim ng kautusang ito, muling pinagtitibay ang pagbabawal sa paggawa o pagpapahintulot ng anumang "unreasonable, unnecessarily loud, disturbing, unusual, or frightening noise." Kasama rito ang mga sasakyang may maiingay na tambutso (open pipe) at iba pang modipikasyon na nakakaabala sa katahimikan at kalusugan ng publiko.
SINO ANG MAGPAPATUPAD?
Ang Office of the City Environment and Natural Resources (OCENR), katuwang ang Legazpi Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya, ay binigyan ng kapangyarihan na:
β
Manghuli ng mga violators sa loob ng lungsod.
β
Magpataw ng kaukulang parusa sa mga motorista o drayber na magdudulot ng ingay o "nuisance" sa kalsada.
Ang hakbang na ito ay isinagawa matapos ang serye ng mga reklamo mula sa mga komunidad na nakaranas ng matinding abala at ingay mula sa mga "papansin" na sasakyan noong nakaraang holiday season. Layunin ni Mayor Ismail na ibalik ang katahimikan at kaayusan sa ating mga lansangan para sa kapayapaan ng bawat pamilyang LegazpeΓ±o.
PAALALA: Ang kalsada ay para sa lahat, huwag itong gawing entablado ng ingay na nakakaabala sa iyong kapwa.
Photo Courtesy: Mayor Hisham Ismail